Jessie's POV
"Philippine Folklore is one of the richest legacies of our history..."
Bungad ng professor namin. Si prof Dencio. 63 years old. May katangkaran at payat. Tuck in hanggang pusod ang polo nito. Kita ang colorful na medyas niya dahil hanging palagi ang mga pants.
Sa edad niya at sa mahabang karanasan sa pagtuturo, perfect siya sa subject na Philippine Literature. Isa din pala daw siya sa mga haligi na dito sa SMU. Mahusay siyang magturo pero dahil sa edad, 'di na siya nakasabay sa mga modern way of teaching.
Walang katapusang basa at sulat lang talaga ang ginagawa namin. Ayaw niya raw kasi kaming na didistract sa paggamit ng cellphone. Totoo naman.
Ito na pala yung huling subject namin sa hapon. Na kung ang mga kaklase ko ang tatanungin, the most boring class daw. Of course di na nila kailangang sabihin. Kita na sa mga guhit ng mukha nila, every time this class starts.
Lahat ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan maliban lang sa pakikinig. Maging ako man ay hindi rin nakikinig ngayon kahit pa paborito ko 'tong subject na 'to.
Masyado lang talaga kasi akong pre-occupied. Sa dami ba namang nangyari kanina, 'di ko alam kung anong uunahin kong iproseso.
Lalo na yung misteryosong lalaking yun. Kinilikalbutan pa rin ako habang naiisip ko ang mga sandaling 'yon.
Hindi mawala sa isip ko ang creepy na mukha niya. Tila namamaga ang aking utak sa daming gumugulong bagay. Nanatili sa alaala ko ang mga katagang binitawan niya— "Kukunin na nila kayo."
Ano'ng ibig sabihin no'n? Sinong nila? Baliw ba siya? Or nangti-trip lang. Kasi kung oo, ang lakas ng amats niya. May pa costume pa talaga. Pero, aaminin ko, it worked. Parang humiwalay ang kaluluwa ko pagkatapos.
"Huy!" Yugyug sa akin ni Mitzy.
"Uy! Nakakagulat ka naman!" Pabulong kong reklamo sa kanya.
"Saan ka ba kasi galing talaga kanina? Contact nang contact ako sa'yo." usisa pa niya.
"Mahabang storya, i-kwento ko nalang mamaya." Kunyari binalik ko ang tingin sa harap.
"Ano'ng mamaya? I want to hear it now!" giit niya.
Medyo may space kaunti ang mga upuan namin kaya pinilit pa niyang umusog palapit sa akin. Gumawa ng matinis na ingay ang bakal na upuan sa sahig kaya napunta sa amin ang atensyon ng lahat.
"Ano bang ginagawa niyo jan mga 'ija? Ba't maingay." Mahinahong sita ni Prof Dencio.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mitzy bago mag salita.
"Ah wala po sir." Sabay na sagot naming dalawa.
"Tinatanong ko lang po si Jessie kung 24 karat po ba 'yong gintong buhok ng mga tikbalang ." singit na katwiran niya na kahit sa sinabi niya, gusto niya nang matawa.
Naghalakhakan ang buong klase sa hirit niyang 'yon. Ang iba napapailing nalang dahil siguro bentang-benta sa kanila. Literal na mabentang joke ba naman ang binitawan nitong bff ko. Ang mahal kaya ng gold noh!
Naningkit nalang ang mga mata ko. Hanep talaga 'tong babae na 'to. Kung may best in palusot of the year, hakot award 'to siya. Biruin niyo naisip niya pa 'yon in miliseconds.
"Mabuti dahil 'yan mismo ang isa sa mga pag-uusapan natin ngayon." 'Di ata na-gets ni Prof 'yong joke.
Ngumisi lang ito dahil sa wakas may nagtanong na rin sa klase niya. Humarap na siya ulit sa white board. Iniisip niya siguro'y nakikinig talaga kami sa kanya.
Bumalik ulit ang ibang mga kaklase namin sa kani-kanilang mga ginagawa. Habang si Mitzy ay panay pa rin sa pag-kuha ng atensyon ko. Panay tabig ng paa niya sa akin sabay bigay ng namimilit na muwestra.
BINABASA MO ANG
BIRINGAN: The Lost Salinlahi
HorrorInakala ng ulilang si Jessie ay alam na niya ang lahat tungkol sa pagkatao niya. Ngunit, sa paglitaw ng mga bagong kaso ng estudyanteng nawawala, magbabago ang takbo ng kanyang mundo. Isang grupo ang kanyang makikilala. Lilitaw ang mga taong di mawa...
