Chapter 1

3.9K 224 54
                                    

Maydale's POV

Alam mo yung moment na gusto mong saktan lahat nang mga kasama mo dahil wala na silang nakita kundi ikaw. Eh ano kung mag tetrenta na siya next month at wala paring karanasan sa lalaki. Ikakamatay ba nila yun? Nakakaloka oo na inggit na inggit na siya sa mga kaopisina niyang kung maka display nang mga jowa kala mo naman kigagwapo eh mas gwapo pa nga si empoy sa mga yun.

Pero sila may jowa, atleast may jowa. Eh ikaw? sabi nang isip niya na agad niyang ikinasimangot.

Pesteng buhay to, bat ba kung sino pa yung panget eh sila pa yung taken.?

BAkit maganda kaba? sabi nang utaka niya kaya napairap siya. Bakit sinabi ba niya?

"Hoy mukha ka na namang baliw diyan. Sino na naman sa mga imaginary friends mo ang kausap mo ha?"Sita nang kaopisina/katabi niya na si ella. Di siya sumagot instead nangalumbaba siya at tumingin dito.

"Sabihin mo nga ella, pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?" pagdadrama niya na agad nagpangiti dito sabay iling sa kanya. "Then why???"

"Hoy Entrata isang sigaw mo pa, wawarningan na kita." Agad na sigaw nang head nang department nila kaya nagtawanan ang mga kaopisina nila.

"Sorry po ma'am." agad niyang sabi bago tumingin kay Ella na tinapik siya sa balikat. "Bakit?"

"Sama ka sa amin mamaya." sabi nito nang mahina ang boses. Pinagtaasan niya ito nang kilay urging her to talk more. "Magpapakain si Hally dahil engage na daw siya." Agad siyang umiling sa sinabi nito.

Kung may mortal enemy naman siya yun ay walang iba kundi si Hally, mula nang mag simula siyang mag trabaho siya sa kumpanyang to bilang myembro nang finance department ay mainit na agad ang dugo nito sa kanya. Kumbaga agad siyang hate nito kaya ginagawa nito ang lahat para mapahiya siya.

"Ayaw ko." she said bago tumingin sa computer niya.

"Sige na May, sabi kasi after niya ikasal eh titigil na siya sa pagtatrabaho dahil mayaman naman daw ang mapapangasawa niya." pangungulit ni Ella. At alam niyang hindi siya titigilan nito hanggang di siya pumapayag kaya tumango nalang siya.

Fast Forward.......

Tahimik lang siyang kumakain habang nakikinig sa pagbibida ni Hally sa mga kasama nila, letseng babaeng to oa kung ipangalandakan ang singsing na mukha namang pwet nang baso. Ni hindi nga kuminang nang tamaan nang ilaw.

"How about you Maydale, may boyfriend ka naba?" napaikot niya agad ang mga mata nang tinanong siya nito. Talagang hindi matatapos ang araw nang bruha hanggat hindi siya napapahiya. "ops sorry no boyfriend since birth ka nga pala." oa nitong sabi bago ito tumawa na agad namang sinundan nang mga plastic niyang katrabaho.

Lumunok siya bago uminon nang tubig bago ito hinarap. "At sino namang may sabi sayo na wala akong boyfriend?" she said na agad ikinatahimik nang mga ito.

"Duhhh halata naman, for five years na nagtatrabaho ka sa kumpanya never ka pang sinundo o hinatid nang lalaki. Tas every valentines day ikaw lang ang bukod tanging hindi nakakatanggap nang bulaklak noh. " nakataas na kilay na sabi nito kaya tumango tango siya bago sumandal sa upuan niya.

"So by that nag assume na kayo na single ako? Nakakatawa ha, pero paano kung sabihin kong may boyfriend ako at matagal na kami. Kaso hindi lang pwede sabihin dahil napaka private niyang tao." she said bago kinurot ang sariling hita dahil sa kasinungalingang lumabas sa bibig niya.

Tumawa ito bago siya tiningnan nang masama. "Sige nga kung matagal na pala kayo kahit napaka pribado niyang tao eh magagawa ka niyang sunduin. Tutal pauwi na naman tayo why not call your so called boyfriend mag pasundo ka. Don't worry we wont harass him, ni hindi kami lalapit sa kanya. But let us see if your saying the truth o baka nag sisinungaling ka lang." mapaghamon nitong sabi.

Bumuntong hininga siya bago tumango she then grab her phone at text her mom. "Ma handa mo na ipon natin, mukhang mawawalan ako nang trabaho. Nagmamahal ang anak niyong maganda naman pero walang jowa." after she sent it ay agad siyang tumayo at lumabas sa kinainan nilang restaurant sumunod naman agad ang mga ito kaya kulang nalang ay mag lupasay siya.

Shutangina bat ba napasubo siya? Letse talaga sa buhay niya si hallyparot eh.

"So asan na ang boyfriend mo?We've been standing here for almost 15 minutes now. Aminin mo nalang kasi na sinungaling ka." Sabi nito kaya napakuyom ang kamay niya.

She was about to say something nang biglang may pumaradang sasakyan sa harap nila at bumaba ang greek god ata. Nang magkasalubong ang tingin nila ay ginawa niya ang isang bagay na di niya akalain na magagawa niya. She run to him bago pakargang yumakap dito na buti nalang agad siyang sinalo dahil kung hindi bagsak ang pwet niya sa semento.

"Ohhh my god kuya please tulungan mo ako, ilayo mo ako dito." naiiyak na bulong niya dito bago niya isinubsob ang mukha sa may leeg nito na ikinasinghap nang ekstranghero. "Please po, ilayo niyo ako kahit ibaba niyo ako mga three blocks away from here." sabi niya bago yumakap pa lalo dito.

Peste bat ang bango ni Kuya? sabi nang isip niya at di na siya nahiyang sininghot ang leeg nito.\

"Miss you better stop snipping my neck kung gusto mong tulungan kita." bulong nito kaya agad siyang umayos at tumingin sa mukha nito. Mukha siyang pamilyar pero di niya lang maalala. "Lets go." he said bago siya ibinaba tsaka siya hinawakan sa bewang at iginaya sa sasakyan nito.

NAng makaupo siya sa loob ay agad siyang napabaling sa mga kasama niyang tulalang nakatingin sa kanya. She wave her goodbye bago umayos nang upo nang pumasok ang lalaki sa loob nang kotse nito.

"Saan ba kita ihahatid?" tanong nito nang bumabyahe na sila.

Kinagat niya ang labi bago namumulang nagsalita. "Sa may sakayan nag MRT nalang." she said na agad nitong ikinatango. Nang makarating sila doon ay agad siyang bumaling sa lalaki na wagas kung makatitig sa kanya. "Ano salamat." she said bago agad na bumaba sa kotse nito at walang lingon lingon na umalis.

Nang makapasok sa pilahan nang MRT ay ganun nalang ang pagkagat niya nang labi para di maka tawa nang malakas dahil bigla niyang naalala ang mga pagmumukha nang mga katrabaho niya lalo na si Hally. hahaha

"Who you kayo ngayon tse."

--------------------------------####----------------------------------------

And this happen. hahaha shoutout to @fallingnabi

for requesting this plot.

GAbriel143

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon