Chapter 25

1.9K 162 18
                                    

Maydale's POV

Kagat labing sinundan niya ng tingin si Edison na di man lang nagpaalam sa kanya bago umalis.

Pagkatapos nitong magtapat ay iniwasan niya ito at hindi niya maarok sa utak niya kung bakit. Mahal niya ito pero bigla siyang kinabahan sa di niya malamang dahilan.

Bumuntong hininga siya bago kinuha ang cellphone para itxt ito.

"Galit kaba?"

Wala pang isang minuto ay nag reply ito agad.

"No."

"Galit ka eh."

"No. But I'm sad and hurt. Mahal kita di ako magagalit sayo." Sabi nito sa text na ikinangiti niya.

"Pasok ka ulit sa bahay."

At agad siyang napangiti nang wala pang limang minuto ay nakita niya itong papalapit sa kanya.

"Bakit?" He asked but instead of answering him ay lumapit siya dito bago ito niyakap. "Love."

Pumikit siya at ipinagsiksikan ang mukha sa dibdib nito. She sighed habang nakikinig sa lakas ng tibok ng puso nito.

"I love you." Bulong niya and a smile appears on her lips ng manigas ito. "I love you and sorry for being scared. Diko alam kong ano ang ikina tatakot ko pero yun ang nararamdaman ko."

She open her eyes bago tumingin sa mga mata nito. "Ikaw ang unang lalaking minahal ko. Normal ba ang matakot sa pagmamahal na meron tayo?"

"Baby."

Ngumiti siya. "Nagsimula tayo sa isang kuntrata, hanggang ngayon may kuntrata parin. Oo mahal natin ang isat isa pero ang dam--."

Napatigil siya sa pagsasalita ng kumalas ito sa yakap niya bago siya hinawakan sa kamay at hinila patungo sa office nito sa bahay.

When they get inside ay tsaka lang siya nito binitawan bago ito naglakad sa mesa at ikinagulat niya ng ilapag nito sa harap niya ang kuntrata nilang dalawa.

"Edison."

Huminga ito ng malalim bago siya tiningnan sa mata. "Dahil ba dito?" He said at ganun nalang ang gulat niya ng walang pag dadalawang isip nitong pinunit ang papel.

"If this is the reason why you're scared of Loving me then here you go." He said bago ito naglakad palapit sa kanya. "I love you. You found ways to make me love you Maydale. With or without contract I love you. Hindi magbabago ang nararamdaman ko dahil lang sa kuntrata." He said bago hinawakan ang mukha niya tsaka ito ngumiti.

"When I learned I am falling for you, I already ready myself na hindi lang to panandalian. Gusto kong maging tayo ng pangmatagalan. I may take my time before confessed but I will surely say that what I feel is pure and real. Gusto kita, mahal kita at gusto kong akin na akin ka."

Napapikit siya sa masuyong halik nito sa noo niya. "Gusto kitang maging asawa hindi dahil sa kailangan ko. Kundi dahil yun ang gusto ko."

"Love-."

"Gusto kong maging asawa ka hanggang sa huling sandali ko. Gusto kong maging iyo kahit ayawan mo na ako. Ang dami kong gusto pag dating sayo, pero isa lang ang paborito ko sa lahat ng yun. At yun ay ang kagustuhan mong mahalin ang isang ako."

She look at him at may maliit itong ngiti sa labi.

"Mahal kita Maydale Entrata. Puro at totoo. At sa ngalan ng diyos tandaan mo, ako ang una at ang magiging huling lalaki sa buhay mo."

----------####--------
Gabriel143

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon