Chapter 9

2.7K 197 27
                                    

Edison's POV

Buntong hininga na agad siyang sumunod kina Maydale at sa mga bata. Fck tila siya binuhusan nang tubig nang madinig ang letanya ni Maydale. Alam niya ang dami niyang pagkukulang sa mga anak pero he's working hard for them. But his wife is right, madaling kitain ang pera.

Nang makalabas siya sa elevator ay agad niyang nilibot ang tingin sa lobby at nang makita ang hinahanap ay patakbo siyang naglakad palapit sa mga ito.

"Love wait." Sigaw niya na ikinasinghap nang mga empleyado niya. Isa pa to, hindi niya alam kung bakit napakadali sa kanyang tawaging Love ang babae. Tila natural lang iyong lumalabas sa bibig niya.

Nang humarap ang asawa ay agad siyang napailing nang tingnan siya nito nang masama. Who would have thought na ang lakas ng loob nitong batukan siya.

"Let's talk please." He said bago hawakan ang anak na si Mary kaya napatigil ang mga ito sa paglalakad. "I'm sorry, wag na kayong magalit. Pupunta na si Daddy I promise." He said bago tumingin kay JD na agad na ngumiti at yumakap sa kanya. "Sorry ok? Promise Daddy will spend more time with you guys." He said at pinaghahalikan sa buhok ang dalawa.

Tumingala siya at nakita ang asawa na pormal ang mukhang nakatingin sa kanya. "Sorry na."sabi niya dito.

"Oo na. Nagpapacute lang eh di mo pa talaga pinatagal." Sabi nito kaya napatawa siya. He get up at hinawakan ang dalawang bata. "Let's have lunch together." Sabi niya na ikinatango nito.

"Ok sa mcdo tayo." Nakangiti nitong sabi.

"We never been there." He said na ikinatigil nito bago tumingin sa dalawang paslit.

"Oh eh di first time niyong tatlo. Come on gutom na ako." She said bago ito humawak kay JD bali napagitnaan nila ang batang lalaki habang sa kaliwa niya ay hawak niya si Mary.

Kitang kita niya ang gulat at pagtataka sa mga empleyado niya but he doesn't have time to tell them na ang babaeng kasama nila ay asawa niya. Isa pa if his secretary knows it then asahan nang malalaman nang buong kumpanya ang estado nang buhay niya. Which is good para hindi na niya poproblemahin ang mga board of directors.

When they reach to the said food chain ay agad siyang napangiwi sa dami nang tao. "Hanap kayo nang uupuan natin, ako na mag oorder." His wife said kaya tumango siya at inakay ang mga anak.

Gaya niya ay hindi din magkamayaw ang dalawang bata sa kakatingin sa paligid. Pinauna na niya ang yaya at driver ng mga ito sa bahay dahil siya nalang ang maghahatid sa tatlo pauwi.

When Maydale came back ay may nakasunod ditong dalawang crew na agad inilagay sa mesa nila ang mga pagkaing inorder nito. It was all fried chicken and rice may burger din.

"Kain na." Nakangiti nitong sabi bago nito hinimay ang manok nang dalawang bata.

Napangiti siya habang nakatingin sa mga ito. She surely is attentive to his kids needs. Hindi paman sinasabi ay tila may mother instinct ito. Though they don't need to worry about the kids dahil marunong nang kumain mag isa ang dalawa.

"Wag puro titig Love, uso din kumain."

Napakurap siya bago nag iwas nang tingin. He didn't know he stared at her too long. After eating ay tumambay muna sila doon habang hinahayaan ang mga bata na maglaro sa play area kasama ang ibang bata. Nakatingin lang sila sa mga ito at agad na binalot nang kung anong emosyon ang puso niya nang makita ang masasayang mukha nang mga anak. Hindi niya matandaan kung kailang niya huling nakita ang kasiyahan nang dalawang bata. Yes they smile but they never look this happy.

"Thank you."

Napalingon siya kay Maydale nang magsalita ito, hindi ito nakatingin sa kanya dahil nakatutok ito sa mga bata. "Thank you dahil nagbago ang isip mo." She said.

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Lakas nang batok mo eh." He said na ikinasinghap nito kaya napatawa siya. "It helps though kaya ok lang."

"Hala sorry talaga edison. Nainis lang naman ako pero sorry talaga." She said na guilty na guilty ang mukha.

Ngumiti siya bago tumango. "Forgiven. Thank you din dahil sinampal mo sa akin ang pagkukulang ko bilang magulang sa mga anak ko. Tama ka dapat ako ang lagi nilang kasama hindi ang mga yaya."

"Well hindi ko babawiin ang rule ko. I want weekends to be a family day or even just the sunday dapat makipag bonding ka sa mga anak mo dahil baka sa subrang ka busyhan mo ay hindi mo namamalayang malaki na ang dalawang bata."

"I'll remember that." He said bago pinisil ang kamay nito.

When they decided to go home ay hindi na siya nagulat nang makatulog ang mga bata sa byahe. Napagod ang mga ito kakalaro.

Nakamasid lang siya sa asawa kung paano nito asikasuhin ang dalawang bata nang makarating sila nang bahay.

"You know what you will become a good mother someday." Hindi niya mapigilang sabihin nang mapagsolo sila sa may veranda.

Tumawa ito bago sumagot. "Yun ay kung magkakaanak ako. Kaya nga inienjoy ko ang mga anak mo eh dahil baka pag tapos na kontrata natin ay hindi ko na maranasan paano maging ina." She said.

Bumuntong hininga siya bago tumingin sa langit.

"Edison pwede akong magtanong nang personal?"

Binalingan niya ito bago tumango.

"Diba sabi mo patay na ang nanay nang mga bata? Kasal kaba sa kanya?"

Tinitigan niya ito bago umiling.

"Eh bakit dimo pinakasalan? Nakadalawang anak na kayo." Komento nito kaya sumandal siya sa pader nang veranda at tinitigan ang asawa.

"Dahil hindi pwede." He said na lalong ikinakunot nang noo nito.

"Bakit?"

Bumuntong hininga siya bago ngumiti. "Dahil hindi naman ako ang totoong ama nang mga bata." He said na ikinagulat nito.

"Ampon sila?"

"Oo na hindi."

"Naguguluhan ako." She said and when those curious eyes look at him ay napatawa siya. "Wag mo kung tawanan, ipaliwanag mo." Utos nito.

"Well JD and Mary is my Ex girlfriend's kids."

-----------####----------
Ohhh I miss doing unexpected twist hahahahaha but wait theres more to that.

Gabriel143

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon