Chapter 8

2.7K 214 29
                                    

Maydale's POV

Kitang kita niya ang tuwa sa mga bata habang nakahawak sa magkabilang kamay niya. Nasa paaralan siya nang mga ito at hinahatid ang dalawang paslit.

"Mommy ikaw din ba magsusundo sa amin?" Mary ask kaya ngumiti siya at tumango. "Yesss." Sigaw nito.

Nang nasa tapat na sila nang room ni Mary ay malambing itong yumakap sa kanya at pinugpog nang halik ang mukha niya bago ito masayang pumasok sa classroom nito.

"Lika na kuya?" She ask to JD na agad tumango. Tahimik lang ito pero nakangiti. Magkatabi lang ang room nang dalawang paslit at nang nasa tapat na sila nang classroom ni JD ay tila nagdadalawang isip ito kung ano ang gagawin kay yumuko siya at hinalikan ang magkabilang pisngi nito tsaka ito niyakap. "Pasok na, mag behave ok? Susunduin ko kayo mamaya." Malabing niyang sabi nito na tinanguan nito bago siya hinalikan sa pisngi at patakbong pumasok sa classroom.

"Alam niyo ma'am ngayon lang subrang saya na pumasok ang mga bata." Sabi ni Yaya Elvira ang yaya nang dalawa though sabi nito may kasama daw ito na isa pang yaya kaso nagka emergency ang pamilya sa probinsiya kaya umuwi muna pero babalik daw sa susunod na linggo. "Mula kasi nang mag aral ang dalawa eh hindi pa po sila nahahatid ni Sir."

Agad siyang napabuntong hininga sa nadinig. Gusto man niyang magalit kay Edison pero di niya magawa, dahil alam niyang subrang busy nitong tao. May malaki itong kumpanya na pinapatakbo. Pero sana man lang kahit isang beses isang linggo ay naihatid nito ang mga bata. Kakausapin niya talaga ang lalaking yun.

"Hayaan niyo nay palagi na akong kasama na maghatid sa mga bata." Sabi niya bago umangkla sa braso nito. Kaedad lang kasi ito nang mama niya. "Saan ka po pala tumatambay pag nag hihintay sa mga bata?"

May tinuro itong waitingshed na madaming mga naka uniporme na mga babae ang nag uusap. "Doon po, mga tambayan ho yan nang mga yaya din nang ibang bata."

"Nay wag niyo na akong i po at ho, diba sabi ko sa inyo sa bahay pag tayo tayo lang eh tropa tayo at Maymay tawag niyo sa akin." She said bagay na ikinangiti nito. Talagang sinabi niya yun sa lahat nang katulong sa mansion ni Edison. Eh para din naman siyang trabahante ng lalaki kahit na ba kasal siya dito.

Naglakad sila papunta sa waitingshed at agad nagsitahimik ang mga andun nang makita siya.

"Hello po." Bati niya sa mga ito.

"Bagong yaya ka?" Tanong nang isang may kabataan na yaya don.

"Ay hindi, amo ko to. Nanay nang mga alaga ko." Nay Elvira said na ikinasinghap nang mga andun.

"Ay hala ma'am sorry po." Sabi nung nagtanong kanina.

"Ano ka ba ok lang. ahm pwede ba akong makitambay dito habang hinihintay ang labasan nang mga bata?" She ask na agad na tinanguan nang mga ito.

And for the rest of hours na paghihintay nila ay nawili siya sa pakikipag kwentuhan at tawanan sa mga yayang andun. Halos nalaman din niya lahat nang mga yayang andon eh galing sa probinsiya. May ibang puri na puri ang mga amo meron ding iba na kung pwede lang daw silaban ang amo ay ginawa na dahil masama ang ugali na ikinatawa niya.

"Mommy."

Napalingon siya sa sumigaw at agad napangiti nang makita ang dalawang paslit na tumatakbo palapit sa kanya. "Tapos na kayo?" She ask.

Tumango ang mga ito bago siya hinalikan sa pisngi. Nagpaalam siya sa mga yayang naging kaibigan niya bago inakay ang dalawa sa sasakyan na naghihintay na sa kanila. When the two kids is settled in the car ay tsaka palang siya umupo at inakbayan ang mga ito.

The Art of Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon