Amoy ng Sinangag at pritong itlog ang nagpagising sa diwa ko..
Unti unti kong idinilat ang mga mata ko..Wala na si Nay Nimfa sa tabi ko dahan dahan akong bumangon..
At naglakad palabas..Natagpuan ko siya sa kusina..at abalang nagluluto ng Breakfast..
Napangiti ako habang nakatingin sa kanya..nakasuot ito ng large Tee shirt kong may picture ni Tazmanian Devil na nakadila..ang sweat pants kong sobrang haba sa kanya naka folded ang gitna ng legs nito.."Good Morning Anak,pasensya kana nakialam na ako sa kusina mo para maipaghanda kita ng breakfast mo"
Ngumiti ako sa kanya at lumapit para makita kung ano niluluto niya kahit may hula na ako..
Bigla kong na miss si Lola Martha sa kanya..ganitong ganito si Lola napaka Thoughtful..
"MORNING NAY..ano pong niluluto niyo"
"Sinangag at egg omellete Anak, upo na ng makapag breakfast kna"
Ngumiti ito at hinila ang stall..
"Maliligo muna ako Nay. Antayin nyo po ako sabay na tayo..Teka po kumusta ang pakiramdam nyo? Masakit pa ba ang sugat niyo?""Galos lang yun anak,madali lang mag hilom yun.."
Kumindat ito sa akin kaya napangiti ako..I'm starting to love this old woman..
Mabilis akong naligo at nagbihis..kailangan kong maaga sa trabaho ngayon..sa susunod na linggo Magsisimula na ang Fashion Week.
I wore my Color green Jumpsuit at half sleeve Coat..kailangan kung maging presentable dahil sasamahan ko si Chris sa presentation nito..alam kong abot abot ang kaba nito..
Ito ang unang beses na isasama ang gawa niya sa NYFW..Binibiro pa nga niya ako kung pwde daw ako na ang rumampa sa mga designs niya para magkaroon ng katotohanan ng imagination niya..ako kasi ang ginagawa niyang modelo sa tuwing mag ssketch siya..Natawa ako..may nakakontratang mga modelo para irampa ang bawat designs ng Monica 'O Brien Houte Couture..
Karamihan doon mga Top models at kilalang Catwalk queens..
Paglabas ko ng kuwarto nakaupo na si Nay Nimfa hinihintay lang ako..
Ngumiti ito at itinuro ang upuan..
"Upo na anak,pinagtimpla kita ng gatas mas kailangan mo yun"Hindi ako umiinom ng gatas pero ayaw ko namang isipin niyang di ko na appreciate ang effort niya..baka antukin ako nito sa trabaho mamaya..
Kape ang iniinom ko para di ako antukin at mahyper ako..need ko ang active na isipan dahil marami kaming trabaho ni Chris ngayon.."Nay,Papasok ako sa Trabaho ha..Maiiwan ko na kayo dito hapon pa ang uwi ko kayo na bahala sa sarili nyo..magpahinga lang kayo..may na inquired na akong bagong apartment para sa atin dalawa..malapit na yun sa pinagtatrabauhan ko..Finalization na lang hinihintay ko..para makalipat tayo don"
"Maraming salamat Anak,Di ko alam paano ako makakabayad sayo ng utang na loob"
Ngumiti ako at pinisil ang mga kamay niya..
"Ok lang yun basta mag iingat kayo dito..ipahinga nyo muna katawan niyo masakit pa mga sugat niyo,mmaya dadaan ako sa Pharmacy bilhan ko kayo ng gamot"
"Maraming Salamat Anak"
Tumango ako at tumayo na..
Nagpaalam na ako sa kanya..
Dumukot ako ng 100 dollar sa pitaka ko at iniwan sa kanya..ayaw niya itong tanggapin pero pinilit ko kaya wala itong nagawa..
BINABASA MO ANG
The Revenger and The Pretending Heiress
General FictionMarie Claire Lorenzo is An ordinary working girl. Well,thats people thought.. But behind that, She is an Heiress for multi Billion Business Empire.. Because she want to stay away from the shadow of her Wealthy family and to the radar of the Media. A...