Sobrang na pagod kahapon si Mars sa school fair nila at sa ginawang eksena ni Dave sa soccer field kaya ..saturday naman wala syang pasok. Buong araw lang si Mars sa bahay nya, kain, tulog, assignments, tv, internet at tulog ulit.
Ding dong...
May nag doorbell..
Bumangon si Mars para tignan kung sino ang nag doorbell, pagka bukas ng pinto ay tumambad sa kanyang doorstep si Dave na parang haggard ang itsura at ang putla pa nya.
"Dave?! Ang putla mo ah"
"Marion...."
Natumba na si Dave, dali dali nyang tinawag ang kanyang kuya para tulungan si Mars na buhatin si Dave.
Pagkatapos ng ilang oras ay nagising na si Dave at halatang nag aalala si Mars sa kanya.
"Hay salamat at gising ka na"
"Anung nangyari?"
"Bigla ka na lang nag collapse kanina."
"I'm sorry Marion"
"Ang putla putla mu kanina at pagod na pagod ka" tumakbo ka ba? "
"ah hindi naman, siguro stress lang 'to"
"Mabuti pa siguro magpatingin kana sa doctor, para ka kasing may sakit ka"
"Baka nga may sakht ako, hmm Marion.."
"Dave, please Mars na lang hindi na ako sanay na tawagin ako ng Marion"
"Ok, sorry" naka sandal si Dave sa may malaking sofa.
"Mars gusto ko sana talaga mag sorry"
" Dave, please wag muna ngayon, may sakit ka at wala ako sa mood na makipag-usap sayo"
"Marion, kung hindi mo matanggap ang sorry ko eh ok lang sa'kin pero sana naman paniwalaan mo ako"
" Dave sabi ko wala ako sa mood ok?" ,"Wag ka nang mag aksaya ng oras."
" Mars please, can you at least listen to me just this once ok? and I promise after this I won't bother you again"
Nalungkot si Mars sa sinabi ni Dave, hindi na sya kukulitin ever again.
" Ok, mapilit ka."
Umupo ng maayos sa sofa si Dave.
" Marion, sorry hindi ko mapigilan.. I wanted to say sorry, sa lahat ng mga nagawa ko sayo noon, I was a jerk I admit it, nasaktan kita ng sobra at pinagsisihan ko talaga, sana paniwalaan mo ako."
" Alam mo Dave, nung nangyari noon kinalimutan ko na pero nung magkita tayo ulit bumalik yung sakit dito ( tinuro ang puso) , sobra akong na depress to the point na muntik na akong mamatay ng dahil dun."
Nagulat si Dave sa mga rebelasyon ni Mars..
" Wala akong gana kumain, ni hindi ako lumalabas ng kwarto, ayokong makipag-usap na kahit sino, hindi ako pumasok sa school at dahil dun nag-aalala na ang parents ko pero hindi nila alam ang nangyari talaga kasi hindi ko sinabi sa kanila, kaya na ospital ako for one week Dave, alam mo ba ang mga pinagdadaanan ko noon ha? mabigat sa aking kalooban na iniwan ako ng matalik kung kaibigan, nag tiwala ako sayo pero anong ginawa mo, sinira mo ang pagtitiwala ko sayo. Alam mo naman noon pa Dave na gusto kita pero binaliwala mo lang yun kasi hindi mo masikmura na ang bestfriend mo may gusto sayo di ba? ( umiiyak na si Mars ) kasi nga bestfriend lang di ba? kaya iniwan mo ako sa ere at bigla ka na lang nagbago at hindi lang yun narinig kita sa classroom kasama yung mga baliw mung kaibigan na isa lang pala yung pustahan! ( galit na galit na si Mars), grabe ipunusta mo ang kaibigan mo sa isa bwesit na deal." ( huminga ng malalim si Mars ) " Ayoko na, tama na ( sabay punas ng kanyang luha ) Dave, mabuti pa umuwi ka na." Hindi umimik si Dave, parang binuhusan sya ng malamig na tubig sa mga narinig nya mula kay Mars. At umuwi si Dave na tila nasasaktan din sa mga pingdadaanan ni Mars. Pagkatapos ng kanilang heartbreaking talk ay pumasok sya sa kanyang kwarto at umiyak ng todo. Sa wakas at nasabi na nya ang dapat sabihin kay Dave, hindi nya alam kung anong maghihintay sa kanya kung sakali man na magkita sila ni Dave sa school at kung paano nya ito e hahandle ang kanyang sarili.
Kinabukasan ay pumasok sya sa school, mugto ang kanyang mga mata sa kaiiyak nung isang gabi at hindi naman sya nag-ayos ng sarili para syang zombie..
Pagpasok nya ng classroom ay napansin sya agad ng three eggs, nag-aalala sila kay Mars, kaya tinanong nila.
"Mars are you ok?" Gino
"Mars, are you crying?" Gabi
"Mars, who did this to you, tell me?" Gabriel
Wow! concern sila.. ahaha..cute naman nila..
" Wala, and its none of your business"
Matamlay na sagot ni Mars sa three eggs.
Nagsimula ng mag-aalala ang three eggs kay Mars, kahit sa clase ay parang wala sya sa sarili nakitingin lang sa kawalan at worst wala si Pipay dahil may importanteng lakad with her parents.
Nag 15 minute break muna sila bago magsimula ang next class nila kaya ang three eggs todo bantay kay Mars.
May isa silang classmate na hinihingal sa kakatakbo..
" Guys.. (hingal mode) .. may news ako sa inyo nakaka shock na balita... si Dave nag drop out na sa school na 'to"
BANG!!!!!!!!!
Nagsisigawan ang mga lintang babae, grabe affected talaga sila..
" OMG!!!!!! wala na si Dave? oh no! this can't be happening" sabi ni girl 1 na may makapal na eyeshadow
Nagsimula ng magkagulo ang clase. ang three eggs naman wala lang.
Si Mars naka upo parin sa chair, tulala at naiiyak, hindi sya maka kilos para bang panaginip lang ang lahat...
Bakit umalis si Dave? dahil ba sa nangyari sa kanila nung isang araw? dahil ba hanggang ngayon gusto pa rin ni Mars si Dave kahit sinaktan na sya noon?
[A/N]
Anyway highway, ano kaya talaga ang nangyari kina Dave at Mars noon? hmmmm.... enjoy reading guys.. peace :)
BINABASA MO ANG
Single Bitter Queen presents I hate you but I heart you
RandomAno kaya ang mangyayari kina Dave at Mars pero may umeksenang another guy the mysterious Jeric.