Maagang gumising si Mars kaya pumunta muna sya sa may veranda ng kwarto.
Paglabas nya ay sumalubong sa kanya ang napakalamig na hangin, napakalamig at halos wala syang makita sa labas dahil sa makapal na fog.
Umupo muna sya at pinagmasdan ang view, may halong lungkot ang kanyang nadarama sa tuwing na aalala nya ang nangyari sa kanila ni Dave.
Ini-isip parin nya si Dave kahit sinaktan sya nito, iniisip parin nya kung nasaan na kaya si Dave, hindi nya mapigilan na hanggang ngayon ay gusto parin nya si Dave at hindi lang pagkagusto kundi mahal nya si Dave.
Oh Mars ang aga mung gumising ah, excited ka? tanong ni Pipay
Nanibago lang siguro, ang lamig lamig naman kasi dito eh, hindi ako makatulog ng maayos.
Oo nga, malamig talaga, ayaw ko nga maligo..haha
tok tok....
May kumakatok sa kanilang kwarto..
Pinuntahan agad ni Mars para tignan kung sino.
Pagbukas ng pinto ay ang mommy pala ni Gabi.
" Hija.."
Good morning po tita. bati ni Mars
"Hija, handa na ang breakfast ninyo ha..."
Salamat po tita, bababa na kami ni Pipay.
"ok, tatawagin ko lang si Gabi"
Sige po.
Bumalik sa veranda si Mars para tawagin si Pipay.
Pips, tawag tayo ng mommy ni Gabriel, handa na daw ang breakfast natin.
Wow ang aga naman, mang hilamos muna tayo baka may muta pa tayo.
Pagdating nila Pipay at Mars sa may dining area ay nandoon na din ang three eggs kumakain na ng agahan.
"Oh Mars, Pips, kain na tayo" Gino
" Hali na kayo kasi may pupuntahan tayo." Gabriel
Huh? saan naman?
" Punta tayo sa strawberry farm para mamitas ng fresh strawberries." Gabriel
Howow! strawberries! uy! masaya yun.. Pipay kumain na tayo.
Pagkatapos nilang kumain ng agahan ay naghahanda na sila para pumunta sa strawberry farm. Sumakay sila ng van papuntang La Trinindad, Benguet.Excited na excited sina Pipay at Mars dahil first time nilang makapunta sa isang strawberry farm at first time para makapamitas ng strawberries.
Nang makarating na sila sa farm ay panay kuha ng mga pictures si Pipay. Pinuntahan muna ni Gabriel ang may-ari ng farm.
Bumalik na rin si Gabriel sa van at pina-alam na sa kanila na pwede na sila mag simulang mag strawberry picking pero may kaunting orientation muna.
Hinihintay pa nila ang naka assign para mag orient sa kanila kung paano mamitas ng strawberry at kung anong strawberry ang hindi pa pwede.
Makalipas ng labing limang minuto ay dumating na sa wakas ang taong mag orient sa kanila, nakasuot sya ng long sleeves na may sombrero sa ulo at naka takip ng mask.
" Good morning sa inyo, ako pala ang mag orient sa inyo kung paano mamitas ng strawberry, ay sandali lang tatanggalin ko lang 'tong sombrero at mask, excuse muna."
Tinangal muna nya ang sombrero at mask para maayos ang kanyang pakikipag-usap sa grupo.
Nagulat na lang si Mars sa nakita nya.
Dave!!??????? ikaw?????!!!!!!!
[A/N]hoomay!!! anong ginagawa ni Dave sa Baguio??
wow! strawberry!!!!! hahaha..
enjoy sa pagbabasa...
peace yow! :)
BINABASA MO ANG
Single Bitter Queen presents I hate you but I heart you
De TodoAno kaya ang mangyayari kina Dave at Mars pero may umeksenang another guy the mysterious Jeric.