part 2...
flashback parin...
" Marion malapit na pala ang valentine's day, excited ka?" asar ni Pipay kay Marion
" Parang ganon na nga, hmm.. hindi ko alam kung may pagbibigyan ako."
" Eh ako di mo ako bibigyan ng valentine's gift ha? baka unahin mo na naman si Dave na bigyan kesa sa'kin noh?"
"Eh kasi... hmmm.... parang?"
" Ano? puro na lang si Dave si Dave, aba Marion sa totoo lang naging so called bestfriends lang kayo ni Dave kasi tutor ka nya noh."
" Eto naman wag ka nang magtampo, pero Pipay kaibigan ko naman si Dave at may tiwala naman ako sa kanya"
" Tiwala ha, ewan ko lang Marion basta masamang espiritu yan si Dave."
Araw ng mga puso na at nagkakandarapa na ang mga girls sa pagbibigay ng mga chocolates sa kanilang mga crush nila.
Si Marion naman eh gumawa ng valentine's day card at alam na natin na para kay Dave yung card at excited na kinakabahan sya dahil ito na yung araw na magtatapat na sya kay Dave na so called bestfriend nya pero kaibigan parin pero crush din nya..( nakakalito ba?... ahaha) .
Tinext nya si Dave na magkikita sila sa may gitna ng soccer field para daw walang istorbo sa kanila.
Habang hinihintay ni Marion si Dave ay nag practice ,muna sya kung ano ang kanyang sasabihin ( grabe sya na nag nangliligaw ngayon)
Hindi namalayan ni Marion na dumating na pala si Dave.. (kasi naman nakapikit habang nagpaparctice ng kanyang ultimate speech of her life)
" Ehem!"
" Ay kabayo!" nasa harapan na pala nya si Dave..
" Oh Marion anong meron? may declamation ka ba?"
"Ha? ah eh... wala naman."
" Akala ko meron kasi nagsasalita ka ng mag-isa kanina at nakapikit pa."
lub dub lub dub lub dub lub dub...... mabilis ang tibok ng puso nya, sasabog na ano mang oras.... tik tok... tik tok...
" Hoy Marion!"
BOOM!!!!!!
" Dave para sayo" ibinigay na ni Marion ang card kay Dave. (yun lang ang kanyang nasabi )
Nagulat si Dave, hindi sya makapiniwala...
Tinanggap ni Dave ang card mula kay Marion at sinimulan nyang basahin...
" Dave,
Hi! sorry kung ito lang ang maibigay ko sayo, sabi nga nila its the thought that counts naman di ba? I just want to greet you happy valentine's day.
Dave alam mo ba na ang impression ko sayo noon eh bad boy, haha.. totoo naman pero nung nagsimula na tayong magkaibigan ay mabait ka naman pala kahit parati kang absent o walang assignment.
Ginawa ko 'tong card nato para maisulat ko lahat ang nararamdaman ko.
Dave ang totoo kasi gusto kita noon pa man, hindi ko lang ma amin kasi nga nahihiya ako at ayoko na masira ang pagkakaibigan natin dahil nga gusto kita.
Sana magustuhan mo ang gift nato.
Marion
KABOOM!!!! ay natupad na ang hiling ni Marion, nasabi na rin nya.. ( naisulat lang pala)
Walang reaksyon ang itsura ni Dave, matipid lang ang kanyang ngiti kay Marion.
"Ah thanks Marion, ahm.. kailan ko na umalis ha, bye"
Inilagay ni Dave ang card sa bulsa nya sa may pants sa likod at umalis.
Tulala lang si Marion, waley ang effort nya...
Kinabukasan ay inulan ng tukso si Marion ng mga classmates nya dahil sa nangyari kahapon at nahihiya sya, hindi nya alam kung bakit alam ng mga kaklase nya.. may pakpak talaga ang balita...
Lunch break ay wala pa rin Dave kaya pagkatapos mag lunch sina Pipay at Marion ay hinanap ni Marion si Dave nagbabasakali na makita nya sa mga classrooms at si Pipay naman ay pumunta ng girls comfort room para mag toothbrush lang sandali.
Ini-isa isa nyag tinignan ang mga classroom kung may tao, hanggang sa may narinig syang boses mula sa chemistry lab, hindi muna sya agad pumasok, pinakinggan muna nya mabuti kung sino at narinig nya ang boses ni Dave at may kasama pang dalawang lalake, nagtatawanan sila at nag-asaran pa.
Boy 1: " Dave balita ko nililigawan mo raw si Marion?"
Dave: " Ano? sino naman galungong ang nag sabi ha?"
Boy 2: " Yung ibang mga kaklase natin, di ba kahapon yun valentine's day."
Dave: " Ah! wala lang yun, tsismis lang"
Boy 1: " Tsismis? eh halos buong eskwelahan kaya ay alam sa nangyari."
Boy 1: " tama! pero Dave naman oh sa dinami dami ng mga babae dito si Marion pa, eh hindi naman kagandahan yun"
Kung makapang lait ang isang 'to akala siguro nya gwapo sya, sa isip ni Marion. Patuloy pa rin si Marion sa pag-eavesdropping.
Dave: " alam nyo mga tol na wala akong gusto kay Marion at isa pa kinaibigan ko lang sya dahil sa mga grades ko yun lang, si Marion lang na naman ang nag-iisip na bestfriends kami"
Boy 2: "pero 'tol since first year magkaibigan na kayo di ba?"
Dave:" Oo, pero hangang dun lang, kaibigan wala ng iba at tsaka may gilrfriend na ako oi'
Boy 1: " hay naku Dave ewan ko na lang sayo"
Hindi mapigilan ni Marion na umiyak, para syang estatwa na hindi makagalaw sa kinatatayu.an nya.
Pumasok si Marion sa chemistry lab.
BOOGSH!!!
Gulat na gulat ang tatlo, natameme sila..
" Ganon ba Dave? yan lang ba? ha? akala ko kaibigan kita? anong ginawa mo? nagtiwala naman ako sayo ah, lahat ng effort ko balewala lang pala ang lahat!!!! sana man lang ay nirespeto mo ako, ang kapal talaga ng mukha mo, para lang sa grades? pwes! manigas ka.. wala kang kwenta, go rot in H.LL !!!!! "
And the rest its history na.
Ganon pala noh? may mga tao talaga na ginagamit lang ka dahil sa kanilang pagiging selfish nila at yung tiwala na ibinigay mo sa kanila ay sisrain lang pala.
Nakakainis minsan noh?
[A/N]
Hay naku naman oh! trust no one ika nga. Gaya lang yan sa isang salamin kapag nabasag hindi na pwede mabuo ulit, at kung mabuo man ay may mga crack na. Ang hirap naman. haha.. enjoy sa pagbabasa guys.. peace :)
BINABASA MO ANG
Single Bitter Queen presents I hate you but I heart you
RandomAno kaya ang mangyayari kina Dave at Mars pero may umeksenang another guy the mysterious Jeric.