APAT NA ARAW na ang nakakalipas ng matapos ang digmaan sa pagitan nila at ng mga dark mages ngunit nanatiling wala pa ring malay sina Erika at ang iba pa. Ang sabi naman ng mga Healer ay normal lang daw ito dahil halos ubusin nito ang kanilang mga kapangyarihan para makipaglaban sa mga dark mages. It's to severe that even Azumi's healing magic has no effect on them. She can heal their wounds but replenishing their lost magic is a different story.
Gayunpaman ay hindi mapigilan ng mga Prinsipe na mangamba. Kaya naman ganun nalang nila alagaan ang mga pasyente sa takot na baka mas maging kritikal ang lagay ng mga ito.
"Umuwi na muna kayo, ako na munang bahala rito," Azumi said to the princes. Ilang araw na kasi ang mga ito na hindi umaalis ng ospital.
Tila mga bingi naman ang mga kausap niya dahil hindi man lang ang mga ito kumibo dahilan para mainis siya.
"Kahit anong gawin niyo diyan hindi sila magigising."
Napangisi naman siya ng nilingon siya ng mga ito.
"O bakit ganiyan kayo makatingin?" matapang na tanong niya. "I'm just stating the fact here. O baka naman galit kayo hindi dahil sa sinabi ko kundi dahil sa wala kayong nagawa sa mga sandali na kailangan nila ang tulong niyo?"
Nakita niya na napayuko ang mga Prinsipe matapos sabihin niya ang mga iyon.
"Why are you even acting like this? Sino ba kayo sa mga buhay nila?"
Pagkuwan ay binalingan niya ng tingin si Lance.
"Ikaw Lance. Alam ko na ex ka ni Yumi kaya naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganito ngayon pero that doesn't mean na hahayaan kitang makipagbalikan sa kaibigan ko. Ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang mga manloloko."
Yes, she already knew the reason why the two broke up. Mathew told her that.
"H-Hindi ko siya niloko," pagtanggi naman ni Lance sa paratang. "Mahal ko siya pero-"
"May fiance ka noon tama?"
Ito ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Yumi kay Lance. May fiance na pala ito ngunit nagawa pa nito na makipa-relasyon sa kaibigan niya. Katulad ni Mathew ay naipit rin ito sa isang arrange marriage at tulad ng sa kaniya ay nalaman din nito ang katotohanan sa mismong fiance nito.
"Plano ko naman na sabihin sa kaniya ngunit natakot ako."
"Tanginang dahilan iyan!" she angrily hissed. "Dapat nung una palang hindi mo siya pinaibig. Dapat nung una palang hindi mo na tinuloy dahil kahit saan anggulo tingnan, si Yumi ang mas masasaktan sa ganung set up."
"I'm sorry," tanging nasabi nalang ni Lance.
"Wala ng magagawa ang sorry mo. You already hurt her Lance."
"Azumi, tama na iyan. Hindi naman talaga ginusto ni Lance ang nangyari," pagtatanggol ni Eren sa kaibigan nito.
"Isa kapa. Akala mo kung sinong malinis eh ikaw ang pinaka-ayaw ko sa inyo," sabi niya rito na ikinagulat nito. "What you did to Fumi is unforgivable. Kaya siguraduhin ko na hinding-hindi kayo magkakaayos. Never!"
"Mahal, kalma-"
"Huwag kang makisali rito Mathew at baka ikaw ang mapagdiskitahan ko."

BINABASA MO ANG
Goddess In Disguise (COMPLETED)
FantasyAzumi dream to have a normal life. A life that is far from what the Holy God had given to her. She is a Goddess. A high and mighty being who possessed great power, reputation and responsibilities. In pursuit of her dream, she pretends to be a norma...