Reniel's POV
2 days na walang Jem Klarisse Aquino sa buhay ko hindi ako sanay, wala akong in-iloveyou sa text at call hindi ako nakakain ng maayos ang puso't utak ko ay puro si Jem puta naman umaasa parin ako kahit wala na. Monday na ngayon hindi ko alam kung ano kami magkaklase kami ano to parang STRANGER ulit ang turingan namin? Pwede ko ba sya ligawan ulit? Siguro wag na? Maghanap nalang kaya ako ng iba? "Ren Ren Niel Niel Tara na Pasok na tayo" may sumisigaw sa baba sino kaya to pagtingin ko si Ael { Frans } nakabihis uniform kasama si Anthony { Mark } "mga pare ano meron?" Tanong ko. "Ano ba tol tara pasok na tayo" sagot ni Anthony. Kaya dalidali akong bumaba nakakatamad... Hindi ko na sya mahahatid sundo Jem Jem......
Habang naglalaakad kami nakita ko si Jem pupunta na sana ako sakanya ng pigilan ako ni Ael "Ren, pigilan mo muna ang sarili mo mahihirapan lang si Jem sa ginagawa mo besides andyan si Miss Melani" "Ge" sagot ko.
{ School }
Andito na kami sa classroom tumabi saakin si Ael, tapos si Jem kasama yung mga tropa ko sina Avery, George at Calix aray ko ha! Pero infairness kay Ael todo comfort saakin.
"May pag-asa pa ba kung susuko kana? Larawan mo ba'y lulukutin ko na"Pagsuko.
Pinakinggan ko yan sa mp3 ni Ael.
"AEL, pakinggan mo to" sabay abot ko ng mp3 nya.
"pagsuko?" Tanong nya
"oo, may chance pa ba? Sa tingin mo bes meron pa?"
"Ren, hindi natin masasabi eh obserbahin muna natin"
"Sige. Kamusta nga pala kayo ni Anthony?"
"friends." Maikli nyang sagot
"more than?"
"Nope. Wala akong chance Ren eh"
"Ha? Bakit nagconfess kanaba?"
"Ren, alam ko alam nya na kaso naiinlove na ako sakanya pero alam mo yan TROPA kami eh"
"Sus walang tropa tropa sa pagibig ungas ka talaga"
Dumating na ang teacher namin si Miss Soriano. Inaanak nya si Jem. Sya ang Values teacher namin
Miss Soriano: "Goodmorning Class"
Students: "Goodmorning ma'am"
Miss Soriano: Seems may mali sa class ko ha
Sabay upo kaming lahat Anong Mali?
Miss Soriano: So class, Ang topic natin ay "How do you love your partner" bigla naman sumakit ang tyan ko sa topic hindi ko magets kung bitter ba ako eh. Buong values time hindi ako nakikinig lagi akong nakatulala kung hindi nga lang ako kinakalabit ni Ael siguro tumutulo na ang laway kongayon, Pag tumitingin ako kay Jem umiiwas sya bakit ganun. After ng values class namin ay niyaya ko si Ael at Mark sa cafeteria kaso pinauna ko sila kasi may kukunin ako sa locker ko so pumunta na ako sa locker ko number 24 Reniel DelSantos tas may heart heart pa gawa yun ni Jem kay dinecide ko na tanggalin ko yun pagkabuklat ko ng locker ko andun yung mga sweet photos namin ni Jem gusto kong tanggalin kaso hindi ko magawa, pagkasarado ko ay si JEM nagbubuklat ng locker nya magkatabi lang kasi kami ng locker nagdecide akong kausapin sya.
"Jem"
"Bakit? Reniel?" aray parang dati lang baby
"May chance pa ba tayo Jem kasi mahal na mahal kita arin kita eh please JEM second chance promise liligawin uit kita at ngayon agiging legal na tayo ayaw mo ba yun?"
"lilipas rin yan Niel"
umalis na si Jem at ako ay tulyan ng umiyak ngayon sya na ang umiiwas at lumilimot sakin wala nga chance.
BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo () ♥
RomanceNa crush at first sight si Aeriael ngunit hindi natuloy ang love at first sight dahil sa mga kaibigan nya then ang masaklap lahat sila nag asahan. Bakit nga ba sila nag asahan? Sino ba talaga ang mahal ni Anthony? Tatanggapin ba ni Aeriael ang sinas...