F.O.

8 0 0
                                    

Ael's POV

Ako ang pinoint out ni Sir Jhon maging muse ng klase namin. Ang escort ko? Si Anthony. Badtrip noh? Pero +5 kasi sayang din naman.

Kaylangan namin ng talent portion dun tapos ang usapan namin ni Anthony duon kami sa Storage Room magprapractice ng 3pm.

Andito na ako sa Storage Room. 3:45 na wala parin si Anthony buti andito si Reniel atleast hindi ako nagmukhang tanga. 10Minutes later.

"Ael, una na ako practice ko na sa basketball text mo ko pag kaylangan mo ako don't worry parating na si Anthong" Reniel.

Umalis na si Reniel ayun nagmukha akong tanga sa Storage Room. 4:15 na wala parin si Anthony! Halong galit na ang nararamdaman ko. Kaya tinawagan ko na si Anthony.

*ring ring*

*ring ring*

"Hello?" Babae ang boses

"Hi, pwede ba kay Anthony?" Mahinhin kong sagot.

"EXCUSE ME BABAE KA BA NYA?" aba sino ba to ha.

"Ha? No, i'm his muse. Kaylangan na namin magpractice" sigaw kong sagot

"Sino kaba?" Aba ang tindi ha.

"Ako si Aeriael Fransine so now, asaan si Anthony?"

"I'm Pauline Crisostomo, and excuse me we're dating wag istorbo" ahh. Si Pauline pala to.

"Sorry if istorbo but we need to practice na kasi"

"Two words fuck you"

Sabay baba ng phone. Grabe lakas ng loob hindi man lang ako pinagtanggol ni Anthony, napaikot na siguro sya ni Pauline.

Ngayon,nag papractice ako magisa. Mukhang tanga. GRABE.

"Hi, Ael" tinignan ko kung sino

"Hi Lu--Lucas?" Sht ito yung basketball player na sobrang galing >_<

"Hi, haha muse ka ng grade 8?" Humble voice talaga.

"Yup. Hehe i think ikaw rin escort?" Nagtatanong pa ako eh alam ko naman haha.

"Yep, ang galing mo ha sino ba escort mo? At bakit magisa kalang?" Ay sht. Concerned ba to? Umaasa na naman ba ako? No Ael please No.

"AH, si Anthony nasa date kasi eh hehe" awkward eh.

"You wangmt tayo muna magpractice?"

"Ah? Eh? Nakakahiya" pero gusto ko talaga haha.

"No. I can be your escort" sabay wink.

1/2 Hours kami nagpractice napatunayan ko na hindi lang sya magaling sa Basketball pati pala sa pagsasayaw at academics.

7:14 na ako nakauwi sa bahay. Bayani Village pala nakatira si Lucas Matthew Aragon hmm ang gentlemen talaga. Habang kumakain ako at nagrereminisce ako sa nangyare samin ni Lucas meron doorbell ng doorbell kaya lumabas ako at yun si Anthony, bakit naman sya nandito?

"HOY AEL BAKIT HINDI MO AKO HININTAY SA STORAGE AREA DIBA SABI KO HINTAYIN MO AKO TSAKA BAKIT MO KASAMA SI LUCAS. PANO PAG SILA ANG NANALO KASI ALAM NA NILA YUNG TALENT PORTION NATIN PANO YAN HA" sigaw nya saakin.

"ABA AYOS KA ANTHONY HA IKAW NGA TONG NAGAYA SA STORAGE AREA NG 3PM TAPOS HANGGANG 7 NAGHIHINTAY PAREN AKO SAYO O ANO NAMAN KUNG NATALO TAYO. KASALANAN MO YAN" sigaw ko rin sakanya.

"PANGATLO, WALA KANG KARAPATAN IBUNGAD SI LUCAS SA MUSE MUSE NA YAN LAKING PASASALAMAT KO SAKANYA DAHIL HINDI NYA AKO INIWAN" dagdag ko.

"ANG LANDI MO RIN NOH? PLANO MO PANG SIRAIN DATE NAMIN NI PAULINE?"

"GAGO! NAKAKAPAGOD NA ANTHONY HA (this time umiiyak na ako) LAGI MO LANG NAMAN AKO KILALA KAPAG MAY NILILIGAWAN KA SABI MO MAGIGING LOYAL KA KAY DANIELLE OH ANONG NANGYARE? NAG PAULINE KA? TAPOS AKO PA MALANDI? HANAP KA NG HANAP DI MO BA NAPAPANSIN ANDITO LANG AKO NAGAABANG SAYO" whatt ano tong sinasabi ko Nooo!

Pumasok na ako sa loob. Katok na katok si Anthony sorry rin ng sorry. Hindi ako nasaktan dahil kay Pauline,  nasaktan ako kasi ayoko ng tinatawag akong malandi. Grabe matutulog nga lang ako.

>

Anthony's POV

"HANAP KA NG HANAP NG IBA DI MO BA NAPAPANSIN ANDITO LANG AKO NAGAABANG SAYO"

Naglalakad ako pauwi at nag s-sync in yung sinasabi saakin ni Ael. Hindi ko alam kung galit sya or something pero on the first place kasalanan ko yun. Naginit lang ang dugo ko kasi akala ni Pauline babae ko si Ael, siguro totoo ngang ginagamit ko lang si Ael.

Nagtext ako sakanya sorry ako ng sorry. Pero walang sagot ayoko lang naman ma F.O. kami atsaka ayoko s'yang mapunta kay Lucas tropa ko yun.

Simpleng Tulad Mo () ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon