After namin mag dinner ni Reniel sa Jollibee, Hinatid nya ako tapos bago nya ako ihatid nagtanong sya.
"Ael, bestfriend mo pa ba si Danielle?"
"Oo, bakit liligawin mo rin katulad ni Anthony?" biro ko
"Nope, sa ngayon kontento ako kay Jem okay?" seryosong sagot nya
"Sa ngayon? so bukas hindi na ganun?"
"Ang dami mong tanong please lang, basta Ael ha baka kaylangan kita bye"
"Ge ingat ka dyan ah"
As usual pag pasok ko wala akong maabutan malamang hiwalay ang parents tapos ang nanay ko pa nasa trabaho hindi na umuuwi duon nalang sya sa condo #angsosyal ni mama yung kuya ko naman na sa apartment nya ang kuya ko na si kuya Ark Benjamin ay tapos na sya magaral Doctor sya hanep diba samantalang ako ay naabutan ako ng kto12 gahd. Pagkapasok ko sa bahay ay dumiretso ako sa sala inopen ko ang laptop para mag internet. Inopen ko yung website na facebook pero error daw naalala ko di ko pala naload yung pocket wifi ko. May wifi nga kami kuya ko lang nakakaalam ng password nakalimutan kong itanong at dahil wala naman assignments kaya magpapaload ako sa tindahan nagpalit muna ako ng uniform nag pantulog muna ako tsaka ako lumabas pag kalabas ko may mga tambay actually dalawa lang naman tinignan ko kung sino yun nakita ko si ANTHONY nanlaki mata ko nun ohmygad si ANTHONY gusto kong magwala haahaha tapos yung kasama nya ay si bespren si Niel naguusap sila ng masinsinan nacucurious ako kay nag sign of the cross muna ako kasi gagawa na naman ako ng kasalanan eh HAHAha tapos dun ako nagtago sa poste
"Niel, halos ilang buwan na ako nanunuyo kay Danielle feeling ko wala na talagang chance" sabi ni Anthony gusto kong sumugod at sabihin na ANDITO NAMAN AKO LETCHE KA haha kung kaya ko lang eh
"Anthong wag kang susuko"
"Pre, ayoko sabihin to pero ayoko dumating yung time na magsasawa ako sakanya alam mo naman nagloko na ako pero ayoko ng maulit yun" GAHD makikita mo yung pagka sincere nya eh
"Teka si Ael" Takte bakit ako nasama dito
" Ael, ano yung classmate ko na patay na patay sakin" aba gago hindi ako patay na patay sayo ha ang yabang badtrip
"Patay na patay gago ka tol crush lang bespren ko yun ano kaba" hayy ang sweet talaga ni Ael forever kung hindi ko lang to kaibigan eh naging crush ko na to JOKE
"Ano meron kay Ael? Wag mong sasabihin gagawin ko syang pekeng girlfriend para pagselosin si Danielle wag ganun ha ayokong masaktan si Ael baka madagdagan pa sya sa mga bababeng nasaktan ko" Shemay guys
"Dami mong alam hindi pa nga ako tapos kasi, Dibali na hindi naman ako papayag na maging girlfriend mo si Ael saktan mo pa yun eh, Anyway pwede tayo magpatulong kay Ael"
"Pano?" tanong ni Anthony
"Anthong bestfriend ni Ael si Danielle baka makatulong yun"
"Sige pre uwi kana Niel payag ako sa plano mo basta walang masasaktan umuwi kana baka magalit pa si Jem"
Nagbuntonghininga ako kasi parang gagamitin lang nila ako si Niel kasi eh, Pero para kay Anthony, Danielle at Niel gagawin ko to para maging close naman kami ni Anthony. Ugh mabilis pa naman akong umaasa hay. Sige nga diretso nga ako sa tindahan"Ate paload po sa wifi" "sige lagay mo nalang number mo bhe" maka bhe si ate noh HAHAHA tapos nagulat ako may kumalabit akala ko magnanakaw pero pagtingin ko si Anthony...
"Hi Ael"
"Hi"
"Dito ka rin nakatira sa Bellfonte?"
"Oo"
"Gusto mo hatid kita?" NAKAPOKER FACE AKO PERO S'YEMPRE DEEP INSIDE KILIG NA KILIG UGHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH
"Ge"
Habang naglalakad kami nagulat ako kinakausap nya ako ask in usap na usap na sobrang sweet hayy ito na naman ako eh umaasa kahit walang pagasa; nag aassume kahit walang dapat ka iassume nakakabobo ang love dyusko. Hanggang nakarating na kami sa bahay namin nagpasalamat ako at yun umalis na sya. Ayokong umasa dahil alam kong mawawala rin to dahil bahid ito ng kaplastikan sa tutuusin nga eh FC nga lang pero dahil crush ko sya may ibang meaning na sakin yun eh. Pagkapasok ko sa loob ayun naginternet na ako tapos bigla akong chinat ni Raem basahin ko daw yung story nya sa wattpad. Ang ganda pala ng wattpad kaya nainspire ako gumawa rin ako ng story sa wattpad ang title An and El lovestorynamin yun ni anthony pero ang nakalagay dun ay "Ael Dreamed" nakalagay dun talaga name ni Anthony Niel at lahat pero s'yempre nakalagay dun lovestory namin ni Anthony s'yempre fantasy lang yun eh hekhek. Sa sobrang busy ko sa wattpad hindi ko napansin chat ni Niel basta ang dami isa na dun ay "AERIAEL KITA TAYO NINA ANTHONY SA CANTEEN HA GE BYE" okay siguro dun na magisstart yung kaplastikan ni Anthony sakin?
BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo () ♥
RomanceNa crush at first sight si Aeriael ngunit hindi natuloy ang love at first sight dahil sa mga kaibigan nya then ang masaklap lahat sila nag asahan. Bakit nga ba sila nag asahan? Sino ba talaga ang mahal ni Anthony? Tatanggapin ba ni Aeriael ang sinas...