Ael's POV
1 week na kami hindi nagpapansinan ni Anthony siguro busy sya sa babae nya, speaking off babae nya. Si Danielle lilipat na ng school this week financial problem daw? Siguro nga mamaya nga pupunta ako sakanya. Papunta ako ng mall para mamili ng costume para sa contest next next week. Si Reniel mukhang okay na sya actually nasa ospital parin sya nag the-theraphy sya. So sumakay na ako ng jeep ng may sumakay na naka pink ns polo shirt ng titigan ko si Lu--Lucas? Woah ito ba ibig sabihin ng tadhana? Choss. Wag ng umasa Ael please? Masakit diba?
Magbabayad sana ako nung may nag "Pssst" "Pssst" tinitigan ko kasi malay mo holdapper na yun shemay sakto lang bigay na pera saakin ni mama noh. Nung nakita ko si LUCAS pala yung nag psst psst chuchu. Kaya nagsmile nalang ako at sumenyas sya kung nagbayad na raw ako ang sabi ko syempre hindi pa eh hindi naman talaga eh. Sabi nya sabay nalang daw kami mag-bayad edi no choice, di muna ako magbabayad.
Bumaba na yung katabi ko, akala ko aalis na si Lucas pero hindi pa pala. Lumipat lang siya sa tabi ko ♡
"Bayad po 2 sa Fairview Terraces po" sabay abot ni Lucas sa driver.
"Sir, may barya po kayo? Wala po kaming panukli si 100 Sir"
"-- Uy Lucas ako nalang oh, may barya ako" sumbat ko kay Lucas
"NO, Sige Manong Keep the change" ×woah ang bait, yaman nya ha×
"--thankyou sir" sabi ni Manong
"Uy Lucas , Grabe salamat ha" !nahihiya kong sabi >_<
"Eh? Welcome haha ang cute cute mo kasi eh" Sus Lucas kung alam mo lang dyan nagsisimula ang lahat haha
"Ayy, hindi noh" s'yempre pahumble onti.
" Asus humble mo naman, cutiepie...." seriously Lucas? Wag paasa.
Andito na kami sa FT, aaminin ko sa 20 minutes naming paglalakad marami na akong nalaman kay Lucas hehe. Like, musical inclined sya basketball player, Broken Family rin sila, nasa daddy sya. Nagulat kami ng nabangga nya namin si ..... Pauline at Anthony... beket eke nesesekten lels.
"Ay sorry Anthony" sincere na sorry ni Lucas.
"Ge." Grabe nakatinging tigre si Anthony kay Lucas.
Nagsimula na kami maglakad nagulat ako sa mga sinabi ni Lucas like omg..
"May Gusto Sayo Ni Anthony noh? Haha" ano tong sinàsabi ni Lucas
"Wala nga eh. May Pauline na yun"
"Pero may gusto ka?"
"Dati" maigsi kong sagot
"Pano pag may gusto sayo pero hindi mo mahal?" Tanong ni Lucas
"Matutunan ko rin s'yang mahalin."
"Good. Kenny Rogger's tayo kumain or Mcdo? My treat" yaman gosh..
"Mcdo nalang"
Nakapunta na kami sa Mcdo, actually twister fries at hot fudge sundae lang ang inorder ko s'yempre nakakahiya din naman kay Lucas pero nakakagulat binilhan nya pa ako ng McNuggets at Chicken Sandwich at Coke eh ito nga favorite ko sa Mcdo eh. Tahimik lang kami kumakain, Tapos na s'yang kumain ng kanin kaya nag dessert na kami parehas nagulat ako ng ginagawa nya rin ang ginagawa ko sa twister fries. Dinedeep namin sa hot fudge sundae ang twister fries tawanan pa nga kami nung nakita nya ako ganun ang ginagawa ko. Nagulat ako ng katabi naming table ay sina Anthony. Nagulat naman ako na may icecream pala ako sa baba ko, dahilan kaya pinunasan ni Lucas. Pagkalingon ni Lucas kay Anthony, ang sama talaga ng tingin ni Anthony.
Nagtext saakin si kuya Ark na umuwi na daw ako hehe, hinahanap na daw ako ni mama kaya tumingin ako sa orasan nakita ko 6:30 na pala hindi ko napansin. Hinatid ako ni Lucas sa bahay kaso pinapasok sya ng kupal kong kuya nagpapasalamat ako dahil umalis na nun si Mama kundi akala na naman nya boyfriend ko yun.
Best day ever ♡

BINABASA MO ANG
Simpleng Tulad Mo () ♥
RomansaNa crush at first sight si Aeriael ngunit hindi natuloy ang love at first sight dahil sa mga kaibigan nya then ang masaklap lahat sila nag asahan. Bakit nga ba sila nag asahan? Sino ba talaga ang mahal ni Anthony? Tatanggapin ba ni Aeriael ang sinas...