Chapter 1

28 3 0
                                    

*Scarlett's POV*

*kringgg* Naalimpungatan ako dahil sa pagtunog ng alarm clock ko. Bumangon na ko para makapaghanda papuntang mall, one week nalang kasi pasukan na namin. So I need to buy some things for school. Nagbihis na ko pagkatapos maligo at bumaba na ko sa dining room para kumain. Naabutan kong kumakain na sina Mom, Dad at Avery.

"Avery! Diba sinabi ko sayo unahan mo na sa pag-gising sakin yung alarm clock? Yan tuloy tanghali na." Sabi ko kay Avery.

"Ate wag kang OA kachat ko lang kanina sina Serenity at Adrika, kagigising lang din nila."Sagot ni Avery.

Umupo na ako at sumabay sa pagkain, nag-salita naman si Dad.

"Kumain ka nalang wag mo ng pagalitan yang kapatid mo, ipinahanda ko pa naman kay Manang Sisita yang paborito mong bistek"

"Sige na nga po. Avery, ikaw magbabayad ng mga bibilhin ko mamaya ha?" Sabi ko.

"Bakit ako?!" Saad naman ni Avery.

"Bibigyan kita ng madaming chocolates pag ikaw nagbayad nung sakin"Sabi ko naman kay Avery.

"Wag na nga kayong magturuan, dadagdagan ko nalang yung pera niyo sa credit card para tumigil na kayong dalawa."Sabat naman ni Mom.

Biglang dumating si Kuya Lewis at sinabing

"Mom, paano naman ako?"

"Wag ka na, malaki ka na." Saad naman ni Mom. Nag-pout lang si Kuya at na-patawa nalang kami sa naging reaksyon nya.


*Sa mall*

Isang oras na kami dito sa may Serenitea. Dito kasi yung tagpuan naming magka-kaibigan, pero hanggang ngayon wala pa rin si Serenity.

" Ano ba yan, kahit kailan talaga lagi nalang siyang late!!" Reklamo ni Adrika.

"Yaan mo na, simula pa naman noong mga bata pa tayo ay lagi siyang nala-late di pa tayo nasanay." Sabi ko sa naman.

*5 minutes later*

"Guyyyyyyyyss...! I'm here, you're cute bestie is finally here." Excited na sabi ni Serenity na kadadating lang.

"Tsk... Tara na nga" Naiinis na sabi ni Adrika.

"Eto namang si Adrika nagalit agad, sorry na loves naman kita." Sabi ni Serenity kay Adrika sabay yakap.

"Oo nalang." Saad naman ni Adrika.

Pumunta na kami sa may National Book Store para bilhin ang mga kailangan namin. Makalipas lang ang ilang oras ay binayadan na namin ang mga pinamili namin at lumabas na sa National Book Store.

"Ate, laro tayo" Biglang sabi ni Avery na halatang bored na bored na.

"Ha? Anong laro? Nasa mall tayo Avery. Tsaka di na tayo mga bata para maglaro." Sabi ko naman sa kanya

"Masaya toh ate promise! Rock, Paper and Scissors lang naman eh. Tapos yung matatalo sya yung magdadala lahat ng mga pinamili natin." Saad naman ni Avery.

Sumang-ayon naman ang lahat sa ideya ni Avery. At sa huli ay ako ang natalo kaya naman ito ako naghihirap sa pagbubuhat ng mga pinamili namin. Pagod na pagod na ko tapos sila palakad-lakad nalang kung saan-saan. Mga kaibigan ko ba sila?! Nasaan ang hustisya? *pout*

"Sana pala hindi na ko pumayag sa ideya ni Avery*sighs*" Bulong ko sa sarili ko.

"HAHAHA. Ayos lang yan Scarlett malapit na naman tayo sa parking lot kaya wag ka ng magreklamo." Pabirong sabi ni Serenity

Dahil wala silang dala mabilis silang nakakalakad kaya ako nasa likudan nila kasi di ko kayang maglakad ng mabilis dahil sa mga dala ko. Napatungo nalang ako habang naglalakad dahil pagod na talaga ako, pero may naka-banggaan ako. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko lahat ng dala ko...

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!?"

 Pagalit na sabi sakin nung lalaking naka-banggaan ko. Hinarap ko naman siya at nagsorry.

"Sorry po kuya, hindi ko po sinasadya..

Pagkatapos kong mag-sorry, di ko na alam ang nangyari sa kanya dahil nakatitig lang siya sakin at hindi nagsasalita. Napatingin tuloy ako sa paligid ko kung anong nangyayari.

"Ahh.. Ok lang miss. pero sa susunod tumingin ka na sa dinadaanan mo." Saad ng lalaki at sinimulang kuhanin ang mga pinamili naming nasa sahig na.

"Ako na ang kukuha, nakakahiya sayo.." nahihiya kong sabi sa kanya.

"Ayos lang." Sabi nya habang hawak ng lahat ang pinamili namin.

"Tulungan na kitang bitbitin to mukang mabigat at tsaka baka mabangga ka na naman kung kanino." Parang nag-aalala nyang sabi.

Papayag na sana ako ng biglang nakita kong papalapit si Adrika sa amin.

"No need, ako na ang tutulong sa kanya." Sabi ni Adrika matapos lumapit samin.

" Oh! Adrika ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" Tanong nung lalaki kay Adrika.

"Namimili ako ng mga gamit para sa pasukan kasama ang mga kaibigan ko. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Sagot at tanong ni Adrika sa lalaki

"Ahh may dadaanan lang ako atsaka may pinabibili si princess, sige una na ko." Pagpapa-alam nung lalaki.

Pagkatapos mag-usap ng dalawa ay nagpunta na kami sa kinaroroonan ng sasakyan namin. habang naglalakad kami ay tinanong ko si Adrika kung sino yung lalaki kanina.

"Ahh si Drake, kakalase ko sya nung junior highschool, nasa class din natin sya at isa sya sa bestfriend ni Ashton." Pagpapalianag sakin ni Adrika.

"Ahh.. Ganon ba? Speaking of Ashton miss ko na yung kakambal mong iyon. Kailan ba sya babalik dito sa Pilipinas?" tanong ko kay Adrika.

"Di ko din alam. Nung huli ko siyang tinanong ang sagot sakin ay secret daw." sabi ni Adrika

Hindi namin namalayan ni Adrika na nasa parking lot na pala kami. Kaya hinanap namin ang car nya.

"Ate! Ang tagal nyo naman. Kanina pa kami dito ehh." Naiinip na sabi ni Avery habang kumakain ng fries.

"Nakabili na nga kami ng fries sa tagal nyo." Saad naman ni Serenity

"Kayo kaya magdala lahat ng pinamili natin?!" Naiinis na sabi ko sa kanila.

"Wag na nga kayong maingay dyan pag di pa kayo tumigil dyan iiwanan ko kayo." saad ni Adrika

Nagsisakayan na kami sa kotse dahil ayaw naming maiwan. Si Adrika kasi ang may-ari noong kotse at sa aming apat siya lang ang may driver's licence. Nagpunta kami sa bahay nina Serenity para magkwentuhan muna..

-------------------------------------------------------

Thank you po sa pababasa saa po ay ituloy nyo ang pagbabasa. Please vote and comment po. Sorry po sa mga wrong grammar at typos. Love y'all!


MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon