Chapter 3

10 1 0
                                    

*Scarlett's POV*

Makalipas ang apat na subject ay lunch na. Pumunta na kaming cafeteria para kumain. Nakita ko na naghihintay na sa labas ng cafeteria si Avery at may kasama siyang isang babae.

Nagsalita si Avery nung makalapit na kami sa kanila.

" Ate, ito nga pala si Sharnaiah Alacantara. Bago kong kaibigan." Pagpapakilala ni Avery sa kasama nya.

"Hi mga ate." Bati samin ni Sharnaiah. Pinakilala din namin ang aming mga sarili sa kanya.

 Hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Drake. Hay nako bat ba nandito na to-

"Princess, umuwi ka daw agad pagkatapos ng klase mo." Sabi ni Drake sa kaibigan ni Avery. 

Ayy bakit ang assuming ko? Magka-ano ano kaya sila ni Sharnaiah? Nagdiretso na kami sa loob ng cafeteria. Humanap muna sina Serenity ng puwedeng upuan namin o bakanteng table at nakahanap naman sila. Hindi namin ngayon kasama si Adrika pintawag kasi siya kanina dahil may meeting daw ang mga student council, hinintay muna namin siya bago umorder. Pagpasok nya sa may pintuan ng cafeteria ay nakita naming kasama niya si Kuya Prince. Yup si Kuya Prince, dito din kasi siya napasok at 1st year collage na siya. As usual kinukulit na naman ni Kuya Prince si Adrika pero di naman siya nito pinapansin. Pagkaupo nila ay pinag-usapan naman kung sino ang bibili ng pagkain.

"Adrika, ako nalang bibili ng pagkain mo." Sabi ni Kuya Prince at bigla naman akong sumingit.

" Kuya, kami yung kapatid mo kaya ikaw bibili ng pagkain namin ni Avery." 

"Oo nga kuya, ikaw ang bumili ng pagkain namin kahit ano basta't ang dessert ay chocolate." Pagsingit ni Avery.

" Ayoko nga, may mga kamay at paa naman kayo eh." Saad naman ni Kuya Prince

"Meron din naman akong kamay at paa." Singit naman ni Adrika

"Para walang gulo si Prince nalang ang bibili ng lahat ng pagkain natin." Sabi naman ni Serenity

Walang nagawa si Kuya Prince kaya pumunta na siya sa may cashier para bumili ng pagkain namin. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Kuya at wait...... May mga kasama siyang dalawang lalaki at isa sa dalawang lalaking yun ay nandun ang pinaka iinisan kong lalaki si Drake Alcantara. Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa kanya di bale na lang wala naman akong pake sa kanya.

[Author: Wala nga ba talaga??]

Oo nga author wala talaga. Inilapag na ni Kuya Prince sa harap ko ang pagkain ko at nagsalita .

"Scarlett at Avery ito nga pala ang mga kamember ko sa soccer, si Drake Alcantara at Matthew Rodriguez." Pagpapakilala niya sa mga kasama niya

"Kuya, kilala na namin sila. Mga kaklase sila nina Ate Scarlett. Kilala ko na naman si Kuya Matthew dahil kay Ate Serenity." Pagpapaliwanag ni Avery

"Ha?? Anong ako?" Tanong ni Serenity

"Uyy!! Ikaw ha Serenity may gusto ka ata sakin." Pang-aasar ni Matthew

"Baka ikaw ang may gusto sakin sa cute kong ito." Pagyayabang ni Sereity

"Haha!! Ako magkakagusto sayo? Eh sa pogi kong toh tas magugustuhan kita?" Pag-ganti naman ni Matthew

"Tsk. Bahala ka nga sa sarili mo." Pagtapos ni Serenity sa asaran nila ni Matthew

Pagkatapos nilang magbangayan ay nagsimula na kaming kumain. Di nga lang ako makakain ng ayos dahil katabi ko si Drake. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng space ay sa akin pa siya tumabi. ang katabi naman ni Serenity ay si Matthew at sa katapat naman ay sina Kuya Prince, Adrika, Avery at Sharnaiah. Nagkuwetuhan kami at nag-asaran habang kumakain. Pagkatapos ng lunch ay nagpunta na kami sa kanya-kanyang room at pagkaraan ng apat na oras ay nag-uwian na. Lumabas na kaming magaka-kaibigan ng room. Nakasalubong namin sa paglalakad si Avery at Sharnaiah kaya sumabay na lang din sila samin.

MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon