Chapter 2

8 2 0
                                    

*Scarlett's POV*

Nagising ako ng maaga kasi naalala ko first day of school ko na sa Alara University. Matagal na kaming magkakaibigan nina Serenity kaso hindi ko talaga sila nakakaklase dahil magkaiba kami ng school na pinasukan. Ngayong collage ay magkaka-klase na kami dahil nag-transfer ako sa school nila. Si Avery naman nag-transfer din bilang Grade 11 student kasi mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Nag-ready na ako at bumaba na para kumain ng breakfast.

"Oh, iha ang aga mo atang nagising?" Sabi ni Mom hbang tinutulungan si Manang Sisita sa paghahanda ng pagkain.

"Syempre po, first day ko sa Alara University eh at ayoko pong ma-late." Sagot ko kay Mom.

"Ahh sige iha, umupo ka na at gigisingin ko lang ang mga kapatid mo" Sabi ni mom.

"Ahh saglit lang po Mom, nasaan po si Dad?" Tanong ko.

"Ayun nagmamadaling umalis kanina at may mahalaga pa daw syang meeting."

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na si Avery at si Kuya Prince at sakto namang kakatapos ko lang kumain.

"Ate tapos ka na? Inatayin mo ko." Inaantok na sabi ni Avery

"Oo nga naman, hintayin mo kami, sumabay na kayo sakin." Sabi ni Kuya Prince.

"O sige, basta't bilisan nyo kuya at mag-aayos na ko." Sabi ko naman

Mga ilang minuto ang lumipas ay umalis na kami sa bahay at nagpunta na sa school. Pagkarating namin ay naroroon na sina Adrika at Serenity.

"Aba Serenity ang aga mo ata ngayon." Pangiti kong sabi sa kanya

"Well, syempre first day ngayon eh." Proud na sagot ni Serenity

At dahil matagal na sila sa school na ito ay sila na din ng nagpasyal sa amin sa buong school. Inihatid na  namin si Avery sa assigned room nya at nagpunta na din kami sa assigned room namin. Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa room namin ay may isang pamilyar na mukha akong nakita.

"Teka, yun ba si Drake?"

"Kilala mo si Drake?" Tanong ni Serenity

Di ko na muna sya sinagot dahil nakita kong parang may binu-bully syang isang lalaki.

" Anong ginagawa mo sa kanya." Tanong ko kay Drake.

*End of Scarlett's POV*

*Drake's POV*

May nakabanggaan ako habang naglalakad sa mall.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!!" Pagalit na sabi ko sa babaeng nakabanggaan ko.

"Sorry po kuya, di ko po sinasadya..." Sabi nung babaeng nakabanggaan ko.

Nung tumunghay na siya ay napatitig nalang ako sa magandang mukha nya. Ano kayang pangalan nya?

"Ahh... Ok lang miss. Pero sa susunod tumingin ka na sa dinadaanan mo." Sabi ko sa kanya at sinimula kong kunin ang mga gamit na nailaglag nya.

Sino bang nagpapahirap sa magandang binibining katulad nya? Ang dami nyang dala. Nag-insist akong tulungan sya at bitbitin ang mga dala nya nang may narinig ako boses sa likuran ko. Ahh.. Si Adrika pala, nag-usap kami at nalaman kong magkaibigan pala sila. Bigla kong naalalang may pinabibili pa nga pala ang princess ko kaya naman nagpaalam na ko. Nung nakalayo na ako ay naalala kong hindi ko pa pala naiitanong kung anong pangalan nya. Kaya naman bumalik ako sa lugar kung saan ko sila huling nakita, kaso wala na sila doon. Itatanong ko nalang ang pangalan nya kay Adrika.

Pasukan na as expected ng lahat maaga na naman akong pumasok. Pagpasok ko sa room ay wala pa doon si Matthew. Pihadong late na naman yun. Kinuha ko muna ang cellphone ko at naglaro para di ako mainip. Sa kalagitnaan ng pagce-cellphone ko ay may nakabangga ng armchairko. Sinamaan ko ng tingin yung lalaki.

MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon