*Scarlett's POV*
"Hello?"
"Hawak ko ang Mommy mo," Sabi ng isang lalaking may malaking boses.
"Ha? Talaga ba? Sure ka? Ehh kakahatid nya lang sa akin ng gatas, tapos hanggang ngayon ay naririnig ko pa syang nasigaw sa may kabilang kwarto."
"Hahaha, bakit sinabi ko bang actual na hawak ko sya? Di ba puwedeng hawak ko lang yung picture nya?" Pagbibiro nung nasa kabilang linya.
Di ko alam kung anong nangyayari pero parang napapangiti ako sa sinabi nya. Normally dapat maiiyamot ako o magagalit kaso hindi ehh. Tinapos agad nya yung tawag kaya naman ibinaba ko na din yung phone ko at natulog na.
Kinaumagahan ay nagbukas muna ako ng facebook kasi maaga akong nagising. Naisipan kong i-stalk si Drake, nasa timeline na ako ni Drake at hindi ko sinasadyang mapindot yung friend request, pipindutin ko na sana yung cancel nang biglang nawalan ng internet.
"Ay!... Bakit nawalan ng internet?!" Pasigaw kong sabi.
"Ay Scar, nagamit ka pala ng internet akala ko kasi walang nagamit. Kaya ayun pinatay ko muna." Sabi ni Kuya Prince habang nagkakamot ng ulo.
"Kuya buhayin mo ulit bilis!!" Pasigaw kong sabi kay Kuya Prince.
Pagkabuhay ng internet ay tiningnan ko agad kung nakita na nya o hindi.
"Ay punyeta! Na-accept na agad nya, ano ba yan! Anong gagawin ko? Aishh!"
*Sa school*
Naglalakad ako ngayon sa may hallway, wala talaga ako sa sarili ko ngayon. Buti na nga lamang at kakaunti ang tao dito sa may hallway kung hindi ay marami na akong nakbangaan. Papunta ako ngayon sa room namin ng matisod ako.
"Aray! Ano ba yung nakahara sa daan?!' Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tiningnan ko kung ano yung nakahara sa sahig. Isang paaang nakita ko. Tumingin ako sa may ari ng paa, at ang nakita ko ay ang taong kinaiinisan ko. Aba walang hiya talaga toh! Naka-smirk pa. Hinarap ko siya at sinabing.
"Bakit ba?! Ang pabida mo talaga! Ano ka? Si Jollibee? Bida-bida?" Inis na sabi ko sa kanya.
"Hahaha. Buti nga sayo lampayatot!" Saad naman ni Drake habang naka-smirk at nagsimula ng maglakad.
Dahil sa inis ko ay hinabol ko sya at binatukan.
"Anong lampayatot?! Sapakin kaya kita?!" Giit ko sa kanya.
"Sh*t!" Lumingon ito sakin at hinila ako. Isinandal nya ko sa pader at tinrap ako sa mga braso nya.
"Hoy babae, wag mo akong sinusubukan ha?" Sabi ni Drake sakin habang inilalapit ang mukha nya sakin.
B-bakit nya inilalapit ang mukha nya sakin? G*go ba sya?!
"Ba-bakit? Lumayo ka nga sakin!!" Sabi ko sa kanya habang pinipilit na itulak sya.
"Ayoko! Unless sabihin mo sakin kung ano ang ikinagagalit mo..." Sagot niya habang itinutulak ko sya palayo sa mukha ko.. Plapit nang palapit ha!
"G*go ka ba!? Lumayo ka sabi eh!"
"Nope! Ayoko!" Sagot nya habang naka-smirk pa din.
"Gusto mo talagang malintikan sakin ha? Isa!" Tinry kong manakot, baka gagana eh. Hehe
"Magbilang ka kung gusto mo, hindi kita papakawalan!" Sagot niya.
Pinipilit ko syang itulak pero ba't ba ang lakas ng isang toh?
"Ano ba talagang gusto mo!?" Okay, I give up...
"Just tell me of what makes you mad at me.."
Ba-baliw ba toh?... Ang seryoso nya bigla.. Napatitig ako sa mata nya, s-seryoso nga siya... Napayuko na lang ako; I can't stand of his glares..
"Ang impression ko kasi sa'yo ng una, mabait ka at mukha namang mapagkakatiwalaan.. But you prove me wrong, nambu-bully ka at mayabang pa.." I looked at him directly into his eyes..
"Then itatanong mo kung bakit ako magagalit sayo? You idiot!"
Nakatitig pa din siya sa'kin...
*No response*
"A-ate? What are you two doing??"
"A-avery?!" Gulat kong tanong.
*Scream!!*
"Kyaah!! Anong ginagawa niyo ni Kuya Drake??"
Dahil sa gulat ay naitulak ko si Drake dahilan para matumba siya sa sahig... Buti nga!
"Sh*t! Tangna ang sakit!" Sabi ni Drake habang nakahawak sa likudan nya.
"Lah! Ate, bakit mo tinulak si Kuya Drake? Na-injured yang likod nya kanina sa practice nila sa soccer." Nagulat namang sabi ni Avery.
Dali-dali ko namang nilapitan si Drake at tinulungan siyang tumayo.
"Naku! Sorry sorry di ko sinasadya." Sabi ko ng may pag-aalala kahit naman enemy ko siya ay mag-aalala pa din ako, hindi naman ako ganun kasama duh --_--
Dali-sali ko siyang inalalayan papunta sa school clinic.
*Drake's POV*
"Putcha! Ang sakit ng likod ko." Saad ko nalang. Baka nagtataka kayo kung nasaan na si Xia, kinakausap lang nya yung nurse. Walang hiya din yung babaeng yun., tinulak ba naman ako pero cute nya pagnag-aalala.
"Drake... Di na ba masakit?" Tanong ni Xia sakin habang kinakagat-kagat ang kuko nya. Back to pagiging masungit na muna ako sa'kanya.
" Sa tingin mo ba na agad mawawala ang sakit ng likod ko?! Ikaw kaya ma-injured sa soccer tas may manunulak pa sayo na isang malditang amozonang babae!" Sabi ko sa kanya at tinarayan siya.
"Ano?! Malditang amazonang babae pala ha?!" Lumapit siya sakin at hinampas ang likod ko.
"P*ta!! Sh*t!!" Tanga ang sakit lang. Kung sa ML toh na-double kill na ko ng ababeng toh eh!
"Ala ala! Sorry ulit. Naku naman sorry." Sabi nya sakin habang hawak-hawak ang kamay ko. Napatingin siya sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko at binitawan niya agad ito.
"I'll make it up to you. Anong gusto mong gawin ko for you to forgive me." Saad niya
"Anything?" Tanong ko sa kanya. Parang may naisip nako ah.
"Okay. Anything basta ba hindi kalokohan ha? Patay ulit yang likod mo sakin." Mataray niyang sabi sakin.
"Okay.. I want you.... To take care of me 24/7 until I get well because in the first place it's your fault so you should take the responsibility to take care of me." Seryoso kong sabi sa kanya.
"WHAT!? THE!? HECK!? Are you serious about it?" Halatang nagulat niyang sinabi.
"The heck yeah. I'm f*cking serious about it and I dont wait to heard any complain from you." I seriously said to her.
"May pa-english pa nakakainis" Pabulong niyang sabi pero well malakas pandinig ko.
"Wala kang pake kung gusto ko mag-english! Hmmp!" Sabi ko sa kanya.
"Napaka-bakla talaga." Bulong ulit nito.
"Ano ?! Bakla ako? Ha? You have a punishment saying that to me you're going with me in my house! you're going to take care of me right? Then stay with me, no I mean... At my house." Sabi ko sa kaniya.
"Kung papayagan ka ni Kuya Prince at nina mommy eh. Goodluck nalang sayo. Bye I got to go." Sabi nya sa'kin at lumabas. Talaga namang iniwan ako dito sa clinic eh. Tsk...
