One

4.5K 42 2
                                    

UNA

“Grabe Best ! Ang  dami-dami kong nabiling pangregalo  para kay Xandra,” masayang sabi ni Iya sa kanyang bestfriend na si Lexi habang papalapit sya dito. Kasalukuyang nakaupo si Lexi sa isang bench na nasa loob ng isang shopping mall at hinihintay sya. Napag-usapan nilang dalawa na magkikita sila sa nasabing mall. Hindi nakasama sa kanya si Lexi sa pamimili nya ng ipangreregalo kay  Xandra sapagkat may pasok ito sa opisina at sya naman ay nakaleave sa trabaho . Nagprisinta na din sya  kay Lexi na isasabay nya na lang sa kanyang pamimili ang pagbili ng regalo rin nito para kay Xandra pero sa kondisyon na pagkalabas nito sa opisina ay ililibre sya ni Lexi sa dinner. Pumayag naman ito kaya ito ngayon ay hihintay sya ni Lexi .

“Hey! Best . Bakit parang hindi mo narinig ang sinabi ko?” nakataas ang isang kilay na tanong nya kay Lexi. Wala kasing reaksyon si Lexi sa sinabi nya kanina at parang ang layo ng tingin nito.  Pasalampak na umupo sya sa tabi nito at inilapag sa sahig ang kanyang mga pinamili.

“Best! Ano ba? “ inis na tanong nya at hinatak nya pa ang buhok nito na naka ponytail.

“Aray naman!” angal ni Lexi sabay tingin sa kanya. Hinimas pa ni Lexi ang nasaktang ulo. “Bakit ba nananakit ka?” nakasimangot na tanong sa kanya.

“Hellooo! Kanina pa kaya ako nagsasalita pero  wala kang reaksyon dyan,”  nanlalaki ang matang wika nya. “Bakit ba lumilipad iyang utak mo?” tanong nya pa.

“Kasi Best tingnan mo iyong nakatayong boylet sa labas ng  boutique ng Bench. Ang gwapo!”  inginuso  ni Lexi ang lalaking sinasabi  at  ibinaling naman ni Iya  ng kanyang tingin ang inginunguso ni Lexi. Nacurious sya sa  itsura ng sinasabi nitong lalaki.

Well, may katangkaran at may itsura nga ang lalaking sinasabi nito. KIya pala tulala ang kanyang kaibigan  at hindi napansin ang kanyang pagdating. Sinulyapan nya lang iyong lalaki saglit at bumaling na uli sya kay Lexi. “Oo nga may itsura sya. Pero hindi naman ganoon kagwapo,”  simpleng komento nya . “Mas pogi parin si Paulo Avelino,” patuloy nya pa.

“Bulag ka ba Iya?”  Hindi makapaniwalang tanong ni Lexi.” Tignan mong maigi . Dali ! Kamukha nya  ang bida sa The Pretty Man. ‘Yung paborito kong Korean actor.”

“Hindi ako interesado Lexi. Mastype ko ang mga  kalahi natin kaya pwede ba kumain na tayo baka gutom lang iyang nararamdaman mo. Tama gutom ka lang. Isa pa hindi talaga sya  pasado sa panlasa ko,” wika nya habang kinakalkal ang kanyang shoulder bag. Hinahanap nya ang kanyang cellphone na basta nya lang ipinasok kanina sa loob ng bag. “Aray ! Naman . Bakit ba  nangungurot ka?” reaksyon nya nang maramdaman nya na bigla na lang syang kinurot ni Lexi at may inginunguso sa kanyang likuran.

Maypagtatakang tumingin sya sa kanyang likod at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita nyang nakaupo sa  bench na nasa likuran nya ang lalaking pinag-uusapan nila. “Tingin mo narinig nya kaya ako?” bulong nya kay Lexi.

Tumango si Lexi at napapalo sya sa kanyang noo. Nakakahiya! Pero hindi naman alam nung lalaki na ito ang pinag-uusapan nila . Nakahinga sya nang maluwag  nang maisip nya iyon.  Lumingon uli sya sa lalaki at tama nga ang kanyang kaibigan. Gwapo nga ito at masgumagwapo sa malapitan. Parang gusto nyang kainin ang kanyang mga pinagsasabi kani-kanina lang. 

Tumingin sa kanya ang poging lalaki at nginitian sya. Hindi sya makapaniwala sa biglang pagtibok ng kanyang puso na parang gustong lumabas na sa kanyang dibdib. Grabee! Ang ganda ng mga mata nya!   Hiyaw ng kanyang  isip. Huminga sya ng malalim para pakalmahin ang kanyang sarili.  Nakatingin parin sa kanya ang lalaki. Nahihiyang ginantihan nya iyon ng ngiti . Pakiramdam nya na nag-iinit ang kanyang magkabilang mga pisngi.  Hindi sya makapaniwala na nakakaramdam sya nang ganito sa isang lalaking kakakita nya pa lamang. Nakapagtataka. Parang may sariling isip ang kanyang puso.

“Best!” tawag ni Lexi sa kanya. Bumaling sya dito.

“Tara na kain na tayo,” nakangusong aya nito sa kanya. Nagtaka sya kung bakit nakasimangot si Lexi. Samantalang kanina lang nagniningning ang mga mata nito doon sa lalaki. Siguro nagutom lang bigla. Hinatak pa sya sa braso ni Lexi dahil nauna na itong tumayo at mukhang nagmamadali nang umalis. Wala na syang nagawa kaya dinampot nya na lang  agad ang  mga pinamili nya na nasa sahig at nagpahatak na lang sa kaibigan. Ngunit bago sya makalayo ay nilingon nya muna muli ang lalaki at nagtama ang kanilang mga mata. Nahihiyang umiwas sya kaagad . Ramdam na ramdam nya parin ang ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

****

Written by Annah

Oct. 14, 2014

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon