PANG-APAT

873 19 1
                                    

PANG-APAT

Masayang-masaya si Iya sa kanilang relasyon ni Xander. Almost perfect para sa kanya ang kanyang boyfriend. Kung sweet ito sa kanya  noong magkaibigan pa lang sila , ngayong  boyfriend nya na ito ay lalong naging sweet pa. Kung aayain syang pakasal ni Xander ay papayag sya kaagad. Nasa tamang edad na sila at kayang-kaya syang buhayin ni Xander kung magkakapamilya sila. 

“Mamaya Sweetie , ‘wag mong kakalimutan ang date natin sa  paborito nating restaurant ha,” paalala sa kanya ni Xander. Nakailang tawag na ito sa kanya at paulit-ulit na sinasabi ito sa kanya.

“Opo naman My sexy eyes. Sa daming beses mong sinabi sa akin pati si Mommy pinaalala sa akin kanina kaya impossibleng makakalimutan ko iyon,” sagot  nya.  Lunch time nya at pinuntahan sya nito sa kanyang department . Sabay nilang kinain ang binaon nya para sa kanilang dalawa. Isa pa nga palang biro ng tadhana sa kanila ay anak pala ito ng kanilang bigboss, kaya  magkasama sila  ngayon sa iisang building nagtratrabaho. Magkaiba nga lang ng department. Alam na alam sa buong opisina na magkasintahan silang dalawa. Proud na proud na ipinaalam ni Xander sa mga empleyado na kasintahan sya nito . Pati nga ang mga magulang ni Xander ay binati rin sya nang malaman na sinagot na nya ang binata. Mababait ang mga magulang ni Xander at tanggap sya ng pamilya nito kahit isa lang syang pangkaraniwang empleyado sa opisinang pangmamay-ari ng mga ito.

“Be there Sweetie. Bye. Kita tayo mamaya,” hinalikan pa sya sa kanyang mga labi bago lumabas ang lalaki sa kanyang opisina.

Kilig na kilig na sinundan naman nya ito ng tingin habang papalabas.

“Bakit parang ang saya mo?” tanong ni Lexi sa kanya. Nagulat sya sa biglang pagbisita sa kanya ni Lexi.

“Kasi may pakiramdam ako na aayain na akong magpakasal ni Xander mamaya,”  masayang sagot nya.

“Ganoon ba?”

“Oo kasi ilang beses nya akong niremind na magkita kami mamaya sa paborito naming restaurant.”

“Ah. Alis na nga pala ako. Dinaanan lang talaga kita para makita. “ May pagmamadaling umalis si Lexi na ipinagtaka ni Iya. Pero nang maalala na  naman nya ang magiging dinner nila ni Xander ay nawala na sa isip nya si Lexi. Tumingin sya sa kanyang orasan. Siguro may oras pa para dumaan muna sya sa  mall. Gusto nyang magandang-maganda sya mamayang gabi. Magpapasalon at bibili muna sya ng dress.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon