PANGATLO

1K 21 1
                                    

PANGATLO

Iyon ang naging umpisa ng kanilang pagkakaibigan. Siguro nga ay itinadhana na magkakilala sila  at parang lalo pa silang pinaglalapit ng tadhana nang malaman nya na ang mapapangasawa pala ni Xandra ang   sinasabi nitong kaibigan. Ang ikakasal na kaibigan   na reregaluhan nito ng mga condom at mga seksing panloob na panglalaki.

Isa pa kaya lalo silang nagkalapit  ay nang  ligawan sya ni Xander. Ginawa ni Xander ang lahat para mahulog ang loob nya dito. Kahit ang totoo  ay  matagal nang  nahulog ang kanyang loob sa binata.  Habang tumatagal na nakikilala nya si Xander ay lalong nahuhulog ang kanyang loob . Napakabait ng lalaki at sobrang sweet. Kahit hindi pa sila ay pinaparamdam na nito sa kanya na napakaespesyal nya. Kung iturin din sya ay para syang prinsesa. Nilulon nya na ang mga sinabi nya na hindi nya nito type.

“Yes! Sinasagot na kita Xander,”  wika nya sa nakatulalang si Xander. Nasa bahay nila Iya silang dalawa at may inihandang sorpresa sa kanya si Xander.  Pagkauwi nya mula sa trabaho ay nabungaran nya sa kanilang garden ang maraming kandila at petals ng rosas na nakasabog sa Bermuda grass.  Nakatayo si Xander sa gitna na may hawak na tarpaulin na may nakasulat na   “Happy one year ng pagkakalilala natin!”

Ang corny pero natouch sya sa effort na ginawa ni Xander. Ngayon lang sya  nakakilala ng lalaking ganoon sya tratuhin. Tumakbo sya palapit kay Xander at walang pagdadalawang isip na hinalikan nya ito sa pisngi.

“Sabi ko sinasagot na kita,” ulit nya . Nakatulala parin kasi ito. Baka nabigla sa sagot nya o  sa halik nya kaya.

“Yes!” masayang sigaw ni Xander at binuhat sya .

“Xander ibaba mo nga ako!” natatawang sigaw nya.

“Anong Xander. Dapat mula ngayon tatawagin mo na akong  sweetie o kaya honey,”  nakangising wika nito sa kanya at ibinaba sya.

“Ang corny mo. Pero sige tatawaging kitang sexy eyes. Kasi ang sexy ng mga mata mo. Lagi akong inaakit ng iyong mga mata,” nakalabing wika nya. Nakatunghay sa kanya ang mga magaganda nitong mga mata na laging nagniningning kapag kaharap sya.

“Talaga, naseseksihan ka sa mga mata ko?”

Tumango sya.

“Kiss mo nga ako kung totoo.”

“Abuso ka na ha,” hataw nya sa braso nito. “ Kain na lang tayo.Let’s celebrate  My sexy eyes.”

“Okay pero  sabihin mo munang mahal mo ako,” parang batang hiling ni Xander kay Iya.

“Mahal na mahal kita Mr. Xander Mendoza. Kain na tayo.” 

“Wait! I love you very much Iya. My beloved pretty and sexy Iya,” madamdaming sabi naman ni Xander.

Kinilig ang puso ni Iya kaya kahit nakakahiya man ay sya na ang unang humalik sa mga mapupulang mga labi ni Xander.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon