PANGALAWA

1.5K 35 1
                                    

PANGALAWA

“Anak may bisita ka!” katok ng Ina ni Iya sa pintuan ng kanyang kwarto.  Nagtatakang tumayo sya mula sa pagkakahiga  sa kanyang kama. Kakauwi nya pa lang galing sa pamimili ng regalo para sa   kanyang kaibigan na si Xandra na malapit nang ikasal. Magdadaos sila ng bridal shower  bukas ng gabi at ang regalong binili nya ay para doon. Nasasabik na syang makita ang magiging reaksyon ni Xandra  kapag binuksan nito ang regalo nya. Pilyang napahagikhik sya . Nakikita nya na sa kanyang isipan ang magiging reaksyon ng manang na kaibigan. Mga seksing  panloob kasi ang kanyang regalo at alam nyang mabibigla si Xandra.

Bago lumabas ay kinuha nya muna ang paperbag ng kanyang mga pinamili. Binuksan nya ang isa at nanlaki ang kanyang mga mata. Bakit iba ang laman nito?! Nagtatakang  sinampal-sampal nya pa ang kanyang mga pisngi na baka nananaginip lang sya. Muli nyang tiningnan ang laman. Pero iyun parin ang nakikita nya. Ibinuhos nya sa kanyang kama at sinipat isa-isa.  Ilang boxes ng condom at seksing panloob  na panlalaki ang laman niyun.  Halos hindi sya makahinga sa kanyang  nakikita. Pumikit sya at nagbilang hanggang sampu. Iminulat nya ang kanyang mga mata at tumambad  parin ang mga panloob na kasuotang panlalaki.  Paanong nangyaring ganito ang mga pinamili ko?  Ibinalik nya agad sa loob ng paperbag ang mga gamit na panglalaki.  Nanghihinang napaupo sya sa kama at binalikan sa kanyang isipan kung paanong naiba ang laman ng kanyang mga pinamili. Pumasok sa isip nya na baka napalitan ang paperbag na naglalaman ng mga pinamili nya . Pero papaano?  Hinayang na hinayang sya sa kanyang mga pinamili. Ang mamahal pa naman ng mga iyon. Siguro itong mga gamit panlalaki na lang ang ibibigay nyang regalo. Hindi naman nya alam kung sino ang may-ari kaya wala na syang magagawa. Kung ibabalik naman nya sa mall baka magsayang lang sya ng panahon. Siguro hindi narin naman kukunin  nung may-ari ang mga pinamili nito. Isa pa bukas na ang bridal shower at wala na syang perang  pambili ng bagong pangregalo kay Xandra.

“Anak ang tagal mo namang lumabas.  May naghihintay sa iyo sa sala!” katok uli ng kanyang ina. Wala sa sariling tumayo na lang sya at lumabas sa kwarto. Nasa isipan nya parin ang mga regalong napalitan.

“Anak bakit gulagulanit iyang suot mo?” nahihindik na tanong ng kanyang ina pagkakita sa kanya. Nakatayo ang kanyang ina na mayroong hawak na tray na naglalaman ng baso at pitsel ng juice. Papunta ito sa sala kung nasaan ang naghihintay sa kanya na sigurado naman syang isa lang sa kanyang mga kaibigan.

“Mommy ito ang paborito kong pantulog at siguradong si Leslie lang naman iyang bisita ko. Nagtext sya sa akin kanina na dadaan sya dito,” pagdadahilan nya. Sanay na naman ang kanyang mga kaibigan na makitang suot nya ang kanyang pantulog na may kanipisan na at may kunting butas. Paborito nyang ipantulog iyon dahil presko sa katawan at komportable sya.

“Bahala ka na nga anak pero sana nagbihis ka naman. Ang gwapo pa  naman ng bisita mo,” wika ng kanyang ina at nauna nang naglakad papunta sa sala.

Nagkibit balikat lang si Iya at sumunod sa kanyang ina. Siguradong binibiro lang sya ng kanyang Mommy . Wala syang naiisip na bibisita sa kanyang lalaki ng ganoong oras.

“Hi!” isang nakatayong lalaki ang bumungad sa kanya. Nakangiti  ito at deretso ang tingin sa kanyang mga mata ang nadatnan nya sa kanilang sala. Napahinto sya at parang hindi nya maigalaw ang kanyang katawan. Pakiramdam nya ay naninigas ang kanyang buong katawan.

“Anak juice,” abot sa kanya ng kanyang ina ang isang basong may juice at agad nyang ininom iyon. Napansin siguro ng kanyang ina ang kanyang pagkagulat. Nakaramdam sya nang kaginhawahan nang maubos nya ang lama ng baso.  Nagpasalamat sya sa kanyang Ina  at bumaling uli sa lalaking nakatingin parin sa kanya. Kahit hiyang-hiya sya pinilit nya ang kanyang sariling magsalita.

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon