EPILOGUE

1.5K 24 1
                                    

EPILOGUE

“Are you happy?” nakangiting tanong ni Xander sa kanyang napakagandang asawa. Kaninang umaga bago sumikat ang araw ay ikinasal sila sa Las Vegas. Matapos ang pangyayari sa pagitan nila ni Lexi ay inaya nya kaagad si Iya na pumunta sa Las Vegas. Kahit isa syang lalaki ay nangangamba parin sya na baka dumating ang isa pang  baliw na katulad ni Lexi na magbalak na paghiwalayin sila. Kaya para makasiguro ay  agad-agad na sinama nya si Iya sa  kanyang private plane  at dinala kaagad sa Las Vegas buti na lang may visa na ito . Laking pasasalamat nya nang pumayag na magpakasal si Iya sa kanya doon pero magpapakasal uli sila sa Pilipinas.

“Yes,”  laking ngiting sagot ni Iya.

“Thank you Sweetie at hindi ka nagpadala sa galit mo nang makita mong hinalikan ako ni Lexi.” Kahit nakalipas  na ay nahihindik parin sya sa nangyari. Aaminin nya na sobrang nag-alala sya na baka pati sa kanya ay magalit si Iya pero napakaswerte  nya dahil naintindihan naman sya  nito. Pero gusto nya talagang suntukin si Lexi kung naging lalaki lang ito.

“Let’s forget  her okay at may  regalo ako sa iyo,” nagmamadaling kinuha nya sa kanyang mga pinamili ang isang paper bag. “Here , buksan mo dali.” Pamimilit nya matapos nyang maiabot kay Xander ang paper bag.

Tinanggap naman kaagad ni Xander at binuksan ang regalo ni Iya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita nya kung ano ang mga iyon.  “Ang pilya mo Iya!” wika nya sabay hatak sa kanyang asawa patungo sa kama.  Napuno ng tawanan ang kanilang buong  kwarto sa hotel.  Tumatawang napatingin uli sya sa mga  boxes ng condom at mga seksing panloob na panlalaki , ang regalo sa kanya ng pilyang asawa. Bukas ng umaga  ay ibibili nya rin ito ng katulad sa mga ineregalo nito kay Xandra. Nasasabik na syang makita na suot nito ang mga iyon.

                                            -wakas-

******

Maraming salamat sa lahat ng nagtiyagang basahin ito.

XOXO

Annah

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon