Kabanata 20

86.5K 2.4K 248
                                    

 “Ako na ang magde-deliver sa GRM.”

Kinuha ko ang mga kahon at isa-isa ito na binilang. Suot ko ngayon ang baby blue high waist dress at puti na doll shoes. Ako kasi ang magde-deliver ngayon kasi may work pa si Sarah. Kasama ko si Diana ngayon, ang pinsan ni Sarah. Siya ang nagbabantay kay Zellor kapag wala ako. Online class kasi siya kaya malaya niyang maasikaso si Zellor kasi nasa bahay lang siya.

“Ate, sure ako na masarap iyan!” ani Diana habang nasa kandungan niya si Zellor na pinaglalaruan ang buhok niya.

Ngumiti ako sa kanya at lumapit kay Zellor. Ginulo ko ang kanyang magulo na buhok. “Anak, saglit lang si Mama, ah? Para sa iyo naman ito at para makabili ako ng gatas at maraming robot.”

“Ma…ma, mamam!”

Umawang ang labi ko saglit. Hindi kasi katulad ng bata si Zellor. Hindi siya agad nakapagsalita pero hindi siya mute o ano pa. Sadyang mabagal lang ang development niya. Ngayon, unti-unti na siyang nakapagsalita pero nauutal pa rin at hindi buo.

“Baka gusto niya ng cupcake, Ate, kaya mamam,” ani Zellor sabay baling kay Zellor. “Ako na bahala kay Zellor, Ate. Manonood lang kami ng cartoons!”

Tumango ako at hinalikan sa pisngi ang anak ko at saka umayos ng tayo.

“Tawagan mo ako kapag may problema, ha? Hindi ako magtatagal,” ani ko at kinuha ko na ang mga boxes na nasa lamesa at binuhat ko na ito.

“Sige po, Ate.” Tumango si Diana at saka bumaling na sa TV.

Nasa pinakahuling upuan ako ng bus habang bumabyahe ako patungong GRM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nasa pinakahuling upuan ako ng bus habang bumabyahe ako patungong GRM. Inayos ko ang mga boxes na nasa kandungan ko at napatingin sa bintana. Huminga ako nang malalim at sinilip ang phone kung may text ba si Diana. Bumuga ako ng hangin nang nakitang wala at akmang ilalagay ko na sana sa sling bag ang phone ko nang biglang may tumawag. Nang nakita ko kung sino ito, lumapad ang ngiti sa aking labi at sinagot agad.

“Hello!” nakangiti kong sagot at sumandal sa upuan. “Joel!”

“Gaga!” salubong ni Joel sa akin at narinig ko pa ang sigaw ni Leah sa kabilang linya. “Kumusta ka na. Miss na kita!”

Natawa ako lalo na nang narinig ko sa kabilang linya na nag-aaway pa ang dalawa. Nagde-debate kung sino ang unang kakausap sa akin.

“Okay lang ako,” sagot ko sabay ayos sa mga boxes na nasa kandungan ko.  “Kayo, kumusta kayo?”

Si Leah ang sumagot. “Okay lang naman kami. Wala pa ring jowa si Joel!” At narinig ko ang kanyang halakhak.

“Sus! Huwag kang maniwala, girl! At saka, Leah, phone ko ito. Tumawag ka kay Hazel, huwag dito!”

Napailing na lamang ako at kinagat ang ibabang labi.

“Uy, nakita ko sa isang Facebook Page ang tungkol sa negosyo mo,” ani Leah. “Balak naming pumunta diyan soon para tikman ang cupcake na gawa mo. Mabuti at may bago ka nang pinagkaaabalahan diyan, Hazel.”

Runaway #1: Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon