Kabanata 37

70K 2.1K 117
                                    

“Tutulong ako sa pag-aasikaso ng mga bisita,” pagvo-volunteer ni Joel habang buhat niya si Zellor na kumakain na naman ng chocolates.

Sinilip ko ang labas at dumami na ang mga bisita. Hindi ko kilala ang iba, pero ang mahalaga ay may bisita kami at masaya ang pasko at kaarawan ng anak ko.

Nilingon ko si Joel. “Sige na nga, mapilit ka, eh!”

 Lumapit ako kay Zellor para ayusin ang kanyang sapatos. Kumuha rin ako ng birthday hat at isinuot sa kanya.

“Happy birthday, anak! Kumain ka ng marami ngayon.” Kinurot ko ang kanyang pisngi at pinalis ang kalat ng chocolate sa kanyang labi gamit ang hintuturo ko. “Ang dungis naman ng birthday boy.”

“Lechon tray!”

Agad akong napalingon nang marinig ko ang sigaw ni Sarah. Nakita ko na tumatakbo siya patungo sa kusina. Agad ko siyang nilapitan at kunot-noong tiningnan.

“Ano ang hinahanap mo?” tanong ko.

Nagulat ako nang binigay niya sa akin ang sandok at nagtungo sa may cabinet. “Hawakan mo muna, hinahanap ko ang lechon tray! Nakalimutan kong ihanda kagabi! Dumating na ang lechon!”

Napabuntonghininga na lang ako at lumapit sa kanya. “Ano ba ang nakain mo, Sarah? Nasa lamesa na ang lechon tray. Lechon na lang kulang.”

Gulat niya akong nilingon. “H-Ha?”

Napailing na lang ako at tinalikuran siya. Lutang na lutang na naman si Sarah. Ano kaya iniisip niya?

“Hi!”

Natigilan ako sa paglalakad nang makita ko si Sir Ethan. Agad kong nilingon si Sarah na hindi man lang gumalaw. Nakita ko ang pagliwanag ng mata ni Joel habang si Leah ay hawak-hawak na si Zellor.

“Good morning po, Sir Ethan,” bati ko.

Ngumiti siya sa akin at binalingan ang anak ko na nasa bisig ni Leah. Napairap ako nang makita ko ang paninigas ni Joel sa kanyang kinatatayuan.

“Hindi maipagkaila na sa kanya nga ito.” Ngumisi si Sir Ethan at inilahad sa akin ang regalo na dala niya. “My gift for him. I hope he likes it.”

Tumango ako. “Sigurado ako na magugustuhan niyo ito, Sir Ethan. Maraming salamat!”

Niliitan niya ako ng mata. “I told you, don’t call me, Sir.”

Natigilan ako saglit at tumango. “Sige, Ethan.”

Hindi ko alam kung ano ang susunod ko na sasabihin. Marami ng mga tao sa labas at malapit na magsisimula ang birthday party ng anak ko. Sa kahiligan ni Sarah ng mga bata ay halos lahat ng mga bata malapit sa amin ay iniimbitahan niya.

“Maupo ka muna rito, Ethan.” Inilahad ko sa kanya ang upuan.

“Where’s Sarah?” tanong niya.

Umawang ang labi ko. “Ah, busy po si Sarah, pero sasabihin ko sa kanya na narito ka.”

Bumuntonghininga siya at saka napailing. “Tsk, she’s avoiding me, huh?”

Kinagat ko ang ibabang labi ko at binalikan si Sarah sa kusina. Akmang tatawagin ko na sana siya nang bigla siyang lumabas gamit ang back door. May nangyari ba? Inis na inis pa rin ba si Sarah kay Ethan?

Napabuntonghininga na lang ako at bumalik sa sala.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Runaway #1: Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon