Kabanata 9

102K 2.9K 349
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula nang nangyari iyon at wala na akong balita sa kanya. Ang sabi ni Joel ay umalis na raw. Kumirot ang puso ko at alam ko ang dahilan. Ako mismo ang nagtulak sa kanya palayo. Ako ang nagtaboy sa kanya kaya bakit ako nasasaktan?

Walang babae ang gusto maging kabit. Hinding-hindi ko pinapangarap iyon. Mahal na mahal ko siya at mananatili lang iyon na ganoon. Kung kailangang magsinungaling ako palagi, gagawin ko para lang tuluyan na siyang lumayo sa akin. Kaya mabuti na lang at nakaalis na siya para bumalik na sa normal itong kabang nararamdaman ko. Isa akong babae na makasalanan. I grew up disowned by my mother. Growing up with so many judgmental people around me. I can live alone. I can live without a man. I can take good care of myself. Tinanggap ko ang sarili kong kamalian at nagpakalayo

Sabado, day-off ko.

Naisipan ko na ipasyal ang anak ko sa palengke. Minsan lang namin ito nagagawa at ngayon ang pagkakataong maka-bonding ko ang anak ko. Nilagyan ko ng angry birds na sombrero ang anak ko at saka siya binuhat. Sinuot ko ay isang simpleng white floral dress at pinalugay ko ang buhok ko na hanggang balikat.

“Mag-iingat kayo!” Kumaway si Tiya Merna habang nasa gate na kami.

Nilingon ko ang anak ko at kinuha ko ang kamay niya at kinaway.

“Bye, Tiya Merna!” sabi ko habang kinaway-kaway ang kamay ng anak ko.

Natawa kami pareho ni Tiya Merna nang bigla akong niyakap ni Zellor sa leeg, nahihiya.

“Sigurado ako na mahiyain si Zellor kapag naging binata na,” ani Tiya sabay ngisi.

Ngumuso ako at tumango. “Panigurado.”

Bukod sa amin, kasama ko rin sa pagpunta sa palengke sina Joel at Leah na kasalukuyang naghihintay sa amin sa labas.

“Uy, ang cute ni baby Zellor!” Sinalubong ng isang pagpisil sa pisngi ni Leah ang anak ko at hinaplos ang braso.

Nagulat na lang ako nang biglang umiyak si Zellor at mas yumakap pa sa akin. Pinatahan ko siya at inayos ang kanyang sombrero.

“Grabe, nakakatakot talaga pagmumukha mo, Leah! Umiyak ang batang pogi!” pang-aasar ni Joel at lumayo nang papaluin na sana siya ni Leah.

“Aba’y gaga ka!” sigaw niya at nilingon ulit kami ng anak ko at ngumti. “Pogi naman ni Baby Zellor.”

Lumiit ang mata ni Leah habang nakatingin pa rin sa anak ko. “Parang may kamukha siya.”

Nanlamig ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa sinabi niya. Bakit ko ba nakalimutan? Carbon copy ni Zachary si Zellor. I just hope na hindi sila mag-assume na si Zachary dahil mababaliw talaga ako. Mabuti at may dumaan na tricycle kaya agad ko itong pinara.

“Sakay na tayo, baka marami na ang tao sa palengke ngayon,” sambit ko at nauna nang pumasok sa tricycle.

“Halika na rito! Iiwan ka namin. Lumandi ka pa, eh!”

Runaway #1: Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon