Kabanata 13

91.8K 2.8K 522
                                    

“Papasok na ako sa work, Tiya Merna,” pamamaalam ko sabay halik sa pisngi ng anak ko.

“Sige, hija! Ingat ka!” Kumaway siya. 

Ngumiti ako sa kanila bago lumabas ng bahay. Mabuti at may dumaan agad na tricycle kaya hindi ko na kailangang maghintay pa.

“Tara na po,” sambit ko kay Manong driver nang nakaupo na ako.

Bumalik muli sa aking isipan ang nangyari kahapon. Niyakap niya ako at paulit na nagso-sorry. Para bang may mas malalim siya na dahilan. Iniisip ko rin kung ano ang gagawin. Ayoko na palagi niya akong tinatawag dahil matsi-stismis kami at baka madamay pa ang trabaho ko.

Nang nakarating sa resort, nagbayad na ako ng pamasahe at saka bumaba sa tricycle. Nginitina ko ang mga nakasalubong ko na turista at bahagyang yumuko. Dumaan ako sa likod para mas mapadali ang pagdating ko sa locker room kung saan naroon ang uniform ko. Nang nakarating ay agad kong binuksan ang locker ko upang kunin ang uniporme at nagsimulang magbihis. Natigil lang ako sa pag-aayos ng buhok ko nang nakita ko si Jamaica na pumasok at nagtungo sa kanyang locker.

“So…” Tinaasan niya ako ng kilay sabay pasada ng tingin sa kabuuan ko. “Kumusta ang buhay single mother? Hindi ka ba nahihirapan?”

“Hindi naman,” ani ko sabay baling sa kanya. Umangat ang gilid ng labi niya sa sagot ko. “Masaya naman ako. Masaya naman kahit mag-isang tinataguyod ang anak.”

Inirapan niya ako at binuksan ang locker niya. “Stay at home ka na lang sana. Ano kaya ang iisipin ng anak mo kapag nalaman niya na ang ina niya ay nakikipaglandian sa mga guest?” Tumawa siya at sinara ang locker niya. “I mean, don’t get me wrong. Grabe ka kasi makaayo sa sarili mo. Hindi halatang may anak ka.”

Tumango ako at tinaasan siya ng kilay. “So, ano ang gusto mong iparating?”

Ngumiti siya. “Wala lang. Hindi bagay sa iyo.”

Nailagay ko ang dila ko sa may ngipin ko at padabog na sinara ang pinto ng locker ko kaya napatalon siya sa gulat.

“Ano ba ang pakialam mo?” Hinarap ko siya. Para na akong nanghahamon ng away dahil napaatras siya.

Natawa siya. “Wala—”

“Wala naman pala kaya manahimik ka,” pagputol ko sa kanya at saka siya nilagpasan.

Lalabas na sana ako sa locker room nang bigla siyang nagsalita.

“Ayoko talaga sa iyo noong una pa lang. Parang may tinatago ka. Nasa loob pala ang kulo mo. Huwag kang pabida-bida rito. Bagong salta ka lang.”

Binalingan ko siya at tinaasan siya ng kilay. Nakita ko na medyo napaatras siya.

“Ikaw lang naman ang nagsabi na pabida ako,” malamig kong sambit. “Wala naman akong ginawang masama sa iyo. I am just doing my job in here. Can you take an advice?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Can you mind your own business?”

Umigting ang kanyang panga at tingin ko ay napuno ko na siya. Lumapit siya sa akin at tinulak ang balikat ko gamit ang kanyang hintuturo.

“Ang tapang mo, ah? Hindi na ako magtataka dahil sipsip ka kay Ma’am Emma,” aniya.

Sa sobrang inis ko ay tinulak ko rin siya kaya napaupo siya sa upuan malapit sa locker. Namilog ang mata niya at nagulat sa ginawa ko.

Tiningnan ko siya. “Huwag mo akong pakialaman. Sino ka ba sa tingin mo? Wala akong paki sa opinyon mo. Kung inggit ka, pumikit ka. Kung wala kang magandang masabi, itikom mo ang bibig mo.”

Iyon ang huli kong sinabi bago ako lumabas sa locker room na parang walang nangyari. Minsan, kailangan din nating patulan ang mga taong minamaliit tayo. Tingin kasi nila ay mahina tayo kaya ginaganoon na lang tayo.

Runaway #1: Her Secret (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon