BG XVIII

83 6 0
                                    

Isinulat ni Angel Medenilla.

I AM A BAD GENIE

Parang narinig ko na ang mga sinabi niya pero hindi ko maalala kung kanino nanggaling o kung saan. Kay Celine ba? Napahawak ako sa noo dahil parang pumipitik ito kapag sinusubukan mong umalala.

Napakapa ako sa bulsa ng damit. Wala doon iyong manika. Saan ko nanaman ba iyon nailagay, mukha hindi ko na iyon makikita kahit kailan.

Bumukas ang pinto ng clinic. Wala sa sarili akong napaatras nang lumabas si Gen.

"A-ate Snow, I'm sorry," pagpapaumanhin nito habang nakayuko.

"Lalong lumakas ang kapangyarihan mo simula noong huli tayong nagkita ah. That's good," tumango na lamang ang bata kay Ate Snow.

"Pwede na kayong bumisita kay Ate Elmira pero huwag sana kayong magulo," malumanay at mahinhing sabi ni Gen.

"Yeah, right. Pagpasensiyahan mo na iyong kambal ko, haha," sinuklian lamang siya ng maliit na ngiti ni Gen.

Naabutan namin sa isang higaan si Silver. Tulog na ito. Pinagmasdan ko ang mukha niya na parang hapong-hapo mula sa bakbakan. Napakadami kong gustong itanong dahil sa kuryosidad.

"Anong nangyari sa kaniya?" Napatingin sa akin si Gen saka ito bumaling kay Snow.

"Battle, sa taas. Ugh. I don't know," wala sa mood na sagot ni Snow. "Supposedly, kayong apat ang tatanungin namin dahil kayo iyong involved pero ayun si Elmira, in critical condition, si Silver, walang maalala, si Thunder, wala sa mood. That leaves you," saglit ako nitong itinuro bago humalukipkip.

"So Benevelle, what happened?" parehong nakatingin sa akin sila Snow at Gen.

Napalunok ako. Nilalaro-laro ko ang kamay at napapunas sa noo. Naging mabigat ang pakiramdam ko at dinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko. May sakit na ata ako sa puso.

Hindi ko kinaya ang mga titig nila kaya napakuwento na ako.

"So, nawala mo iyong manika mo.
Hinanap mo iyong manika mo.
Nakita mong hawak ni Thunder iyong manika mo.
Nagalit ka sa kambal ko."

"Ginalit niya ako."

"Yes, ginalit ka niya dahil sinira niya iyong manika mo, tama?" Napatango ako sa pagkakasabi niya.

"Nawalan ka ng kontrol sa kapangyarihan mo.
Napunta kayo sa mundo ng mga tao, sa abandonadong mansiyon na natupok ng sunog - iyong dati mong tirahan.
Nag-away ulit kayo ng kambal ko.
At paggising mo nasa hardin ka na ulit ng Kromelia."

Napatango na lang ulit ako.

"So what's your power?" I do not know, all I know is that I am a bad genie. Natutupad ko ang masasamamg hiling ng mga tao at may puting usok na lumalabas sa mga palad ko sa tuwing mangyayari iyon.

"White smoke po," mahina kong sagot.

"Smoke is ruled out, that's either mist or fog. What's your special ability?" Napatingin ito sa tainga ko. "Heightened sense of hearing. Oh, an Aero-Aqua just like me."

Humawak ito sa kamay ko kaya natigil ko ang pagkutkot doon. Matamis itong ngumiti. "Don't worry, I'll take care of you."

"Anything else you want to add, sa kuwento mo, I mean." Sabi nito bago tumayo at inayos ang laylayan ng dress saka siya umupo ulit. Umiling na lamang ako.

"Ako," sabay kaming napatingin kay Gen. "There's something I want to add."

"Well, ganito kasi iyan," natuon ang buong atensiyon namin kay Gen.

"Holy freak! Nalaglag kayo sa fountain?" Pinaningkitan siya ni Gen dahil masiyadong naexcite si Snow. Napataas tuloy siya ng boses.

"Oops, I'm sorry," paumanhin niya kay Gen saka inulit ang tanong. "Nalaglag kayo sa fountain, ni Thunder?" pabulong niya sa akin.

Umiling naman ako. "Wa-wala naman po akong maalala na ganoon." Muling sumakit ang ulo ko nang subukang umalala.

"Your power, can you show me your power?" Hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa kaniya pero inilahad ko ang palad ko. Wala namang usok na lumabas kasi wala namang bad wish.

"OMG," pigil na tili ni Snow at puno nang kuryosidad, o pagkagulat, o pagkamangha ako tinitigan ni Gen. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Nagmamasid lang ito sa akin.

"I have to confirm something," gamit ang watch niya ay tinawagan ni Snow si Thunder. Agad naman itong sumagot. "Bro," may halong excitement pa din sa boses ni Snow. Hindi ko alam kung bakit.

"Tsk, what?"

"Anong tsk, what. Gusto mo bigwasan kita ha, may utang ka pa sa akin."

"Please, make it quick. I'm sleepy," parang pagod na na sabi ni Thunder.

"I have a favor, can you please drop by sa clinic? Please."

"No, Snow. I'm really tired, I want to sleep."

"Oh, okay fine. Then, please just answer my question, honestly."

"What?"

"Can you still use your power?" Katahimikan ang sumagot sa kabilang linya hanggang sa makarinig kami ng mahinang paghikbi.

"Fuck, no. I can't. I tried but I can't." Umiiyak ata si Thunder sa kabilang linya, parang nalungkot tuloy ako para sa kaniya.

"I'm sorry," pag-aalo ni Snow sa kaniya. "Please rest, we'll just have to train again. I promise, I'll help you," pakikisimpatya ni Snow saka ibinaba ang linya.

"Holy freak, confirmed," mahinang sambit ni Snow saka napatulala. Si Gen naman ay mukhang malalim ang iniisip. Hindi bagay sa bata niyang mukha ang matinding pagkakunot ng noo, saglit niyang tinanggal ang salamin at tumingin sa akin.

"Ikaw," banggit niya na parang nakakita ng multo. Mabilis nitong ibinalik ang salamin at tumungo na lamang sa special room kung nasaan si Elmira.

I AM A BAD GENIE.

"Benevelle, you're coming with me." Hinawakan nito ang kamay ko pero saglit ding napatigil saka dumukot sa bulsa. "Wear this."

Inabutan ako nito ng facemask na siya namang sinuot ko na lang. Hindi ko pa din maintindihan kung bakit kailangan iyon.

Umakyat kami sa taas kung nasaan ang dorm rooms. Natapat kami sa kuwarto kung saan ako unang dinala ni Silver at nagtataka ako kung bakit walang ID card na inilabas si Snow. Inilapat lamang nito ang kamay sa pinto at lumitaw doon ang nakakamanghang itsura ng isang snowflake. Dama ko ang ginaw galing doon.

"Amazing, right?" Hinila niya ako papunta sa loob.

Agad nitong kinuha ang isang unan sa puting princess bed, itinakip ito sa mukha, pabagsak na umupo sa gilid ng kama niya, saka sumigaw.

"I can't take anymore for THIS DAY!" Pagrereklamo nito. Hay, may pagkakaparehas sila ni Thunder, parehong maikli ang pasensiya at mabilis magbago ng mood.

Ako naman ay nakatayo lang. Hindi ko alam kung mauupo din ba ako sa kama niya o sa kabilang kama.

"We can share my bed. Huwag ka diyan sa kama ni Elmira, madaming libro tsaka papel." Tinapik niya ang tabi, inaanyahan akong pumunta doon.

Hindi pa man ako nakakagalaw ay mabilis itong napatayo saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Don't worry, I'll come back. Pupunta lang ako saglit sa headmaster," napatango naman ako sa kaniya.

Hindi pa ito nakakalabas ng pintuan ay bumalik na ito agad. Humarap ito sa salamin saka inayos ang damit at buhok na bumalik na sa natural nitong kulay.

"Holy freak." Sambit nito bago ako itinabi sa kaniya. Ngayon ay parehas na kaming nakatingin ni Snow sa salamin.

Bad Genie [Book One-Completed]Where stories live. Discover now