Ngiti mong 'di malimutan
Simula ng ika'y masilayan.
Ika'y 'di maalis sa'king isipan
Nais kong malaman ang iyong pangalan.Aking mundo'y iyong ginulo,
Pati nananahimik kong puso'y iyong binato.
Nais kong isumbat sa'yo kung 'bat ako nagkaganito
Ngunit 'di ko alam kung kailan ulit tayo magkakatagpo.Para akong tangang paikot-ikot sa'king kama,
'Di ko maipaliwanag itong aking nadarama.
Ngiti mong nagmistulang bahaghari sa'king isipan
Na nagbigay kulay sa mundo kong puno ng kadiliman.Tibok ng puso ko'y naging kakaiba
Mula nung makita ang iyong mga ngiti sa maamo mong muka.
Pilit alisin sa isipan ko ang imahe mo
Ngunit 'di magawa dahil ba sa tinamaan na'ko sa'yo?♥♥♥
TinzZ_10's Note: I dedicate this poem sa lalaking nag Smile and nag wave ng hand samin nung nakasakay kami sa ferriswheel. Then sumakay din sila nga lil bro(siguro) niya tas si kuya pogi tingin ng tingin sa'min tas nung bumaba na kami bumaba narin sila. Tas nung nag bye kami sa kanya nag bye din siya.. Hihihi sabi nga ng bestfriend ko na L♥VE AT FIRST SIGHT daw ako sa kanya. Na love at first sight nga ba ako? Hihihi
I dunno what his name is so....i call him Mr. Ferris Wheel nalang..hihihi ^///^
10/14/14
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Tinay
PoetryItong paggawa ko po ng tula eh pampalipas oras ko lang po ito. Ang bawat tula na nagawa ko po or gagawin ko po is base on my experience or mood. ^_____^ ♥TinzZ_10