Tiwalang ipinagkatiwala,
Lahat ay nagbago ng parang bula.
Pinilit limutin lahat ng sakit,
Ngunit lalo lang nadagdagan ang pait.Minahal ng totoo at tapat
Pero 'bat ika'y humanap pa ng aking katapat?
Hindi pa ba sapat ang mga pagmamahal
Na sayo'y ipinagkaloob ng puso kong nagmamahal?Ikaw ay nangako na ako lang ang iyong iibigin
Kaya pwede ba ako nalang ang iyong piliin?
Mga pangako mong kaytagal kong pinanghawakan
Ngunit lumipas ang mga araw ito'y hindi nakamtan.Napakaraming tanong sa'king isipa'y naiwan.
Ako pa ba'y iyong babalikan?
At hindi na muling sasaktan?
At tayo'y magsasama hanggang kamatayan?♥♥♥
TinzZ_10: ito yung project ko sa Filipino. Sabi kasi ni maam gumawa daw ng tula na related sa iyo eh....sooooo....yan yung unang pumasok sa isip ko hihihi....
BINABASA MO ANG
Mga Tula Ni Tinay
PoésieItong paggawa ko po ng tula eh pampalipas oras ko lang po ito. Ang bawat tula na nagawa ko po or gagawin ko po is base on my experience or mood. ^_____^ ♥TinzZ_10