DIYOS

296 14 9
                                    

Tatlo,


Naaalala mo pa ba kung para saan ang tatlong pako?
Ang krus, koronang tinik at mga palo?


Oo, para sayo
Para sayo ang pagtitiis sa mga dura
Sa kanilang pag-aalimura at mga pang-aalipusta


Bugbog o dignidad?, yan ang tanong ng mundo
Pero hindi ako nag alangan sa sagot ko
Oo, pinili ko ang bugbog para sa dignidad mo
Ngunit kasiyahan sa mundo ang 'yong pinili sa kabila ng lahat ng ito

TAGU-TAGUANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon