Anim,
Kung kaya ng mundong bigyan ka ng limang bagay,
Anim ang sayo'y kaya kong ialay
Ngunit bago ko ilahad ang anim na bagay
Hayaan mong ako sayo'y magpakilalang tunayAko, ako ang may lalang ng langit at lupa
Araw, buwan at mga tala
Mga puno at halaman, mga hayop, ibon at isdaAko ang simula at ang wakas
Ang nag-alay ng buhay upang ikaw ay maligtas
Ako ay si ako nga
At sa anim na bagay, ito na ang simula:Una, sayo'y ituturo ko ang landas na buhay ang hahantungan
Sa piling ko'y madarama ang lubos na kagalakanKayamanan, 'yan ang kayang ibigay ng mundo
Kayamanang nauubos, ni hindi madadala sa hukay mo
Ginto'y yayapakan mo lamang sa kaharian koNgunit, pangalawa, ako ay naparito upang magkaroon ka ng buhay
Isang buhay na ganap at masagana
Kaya't piliin mong mag-impok ng kayaman sa langit sana
Dahil doon, kayamanan mo'y hindi na mananakaw paTotoo, hindi ko kayang ibigay ang kaligayahang pangako ng mundo Kaligayahang panandalian at naglalaho
Subalit sa piling ko, mapapalitan ang lungkot at dalamhati mo
Sapagkat pangatlo, ligayang walang hanggan ang dulot koKapangyarihan, na kapag daw nakuha mo'y hindi ka na malulumbay,
'Yan ang sambit ng mundo
Ngunit ang tanong ko, gaano ka nga ba kasigurado?
Buong buhay mo ba'y iikot na lang sa titulo?
Eh ano kung ikaw ang pinakamakapangyarihang tao?
Maaaring makuha mo ang lahat ng pribilehiyo dito sa mundo
Pero sa tingin mo ba'y magiging payapa ang buhay mo?Datapuwat, hindi ka dapat mangamba
Sa anumang bagay ay huwang ka ngang mabalisa
Dahil pang apat, ako ang Prinsipe ng Kapayapaan
Sa sanlibutan ay mayroon kayong kapighatian
Ngunit lakasan ninyo ang inyong kalooban
Dahil ang mundo ay akin ng napagtagumpayan
Ako man ay umalis, ngunit magbabalik din naman
Sa inyong pakikipag-isa sa akin, kayo'y may kapayapaan
Kapayapaang hindi tulad ng kayang ibigay ng sanlibutanAng sabi pa ng mundo, ibibigay niya raw ang 'yong "The One"
At di lang 'yon, kaya pa raw niyang dagdagan kahit na ilan ang 'yong magustuhanPero pang-lima, sa akin, "The One" mo ay 'di mo na kailangang piliin pa
Dahil ako, ako ang sayo'y pumili naIka-anim, maaaring huli na pero hindi ibig sabihin ay mababa ang halaga kaysa mga nauna,
Ito ang siyang sumisimbolo sa pag-ibig ko,
Ito ang dahilan ng pagkapako sa krus ng kalbaryo
Ito ang dahilan sa pag-aalay ko ng buhay koIto'y para sayo
Ito ay para sayo
Upang ika'y matubos sa kasalanan
Upang 'di na muling matali sa kasinungalingan
Sa iyo, alay ko'y buhay na walang hangganNakikilala mo pa ba ako?
Nakikilala mo na ba ako?
Nakikilala mo na ba ang boses ko?
Sa muli bang pagtawag, ako'y tutugunin mo?
O sa muli ko bang pagtawag ay tatalikod ka?
Na kahit sa kabila ng aking pagpapakilala'y kinalimutan mo na.
Kakalimutan mo ba?Kung ganoon, ako'y muling magpapakilala
Ako nga pala si Jesus, nangunguha ng mga sira ang buhay at mga nawawalan ng pag-asa
Ng mga bigo at ng mga makasalanan,Aayusin kita, bubuuin ka
Bibigyan ng pag-asa't ililigtas ka
BINABASA MO ANG
TAGU-TAGUAN
PoetryThis is a spoken word poetry. xxx Nakapaloob dito ang mga bagay na kayang ibigay ng mundo at kung ano ang mga kayang ibigay ng Diyos. Ngayon nasa atin na ang desisyon kung ano ang pipiliin natin, doon ba tayo sa mga bagay na panandalian lamang o do...