Sampo,
Sampo 'yan ang huling bilang dito sa ating laro
Ngunit bago pa man sumapit sa sampo
Ako na nga ay huminto,Aaminin ko, naligaw ako
Nalimutan ang landas pabalik sayo
Inuna ang kung ano-anong mga challenge na pinagagawa ng mundo
Pero yung "Go and make disciples..." lang naman na challenge ang pinagagawa mo ngunit inaayawan koInaamin kong inuna kong hanapin ang aking tunay na pag-ibig
Pag-ibig na sana'y mag-pupuno sa maliit na espasyo sa aking puso
Pero nakalimutan kong wala na nga palang mas hihigit pa at mas tunay
Sayong inalay na pag-ibig,
Sayong pag-ibig na sa aking puso ang siyang bumuoKaya Panginoon, heto na ako
Humihingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan ko
Panginoon, heto na ako
Hindi na ako magtatago pang muli SayoPagod na akong umayon sa takbo ng mundo
Pagod ng makinig sa mga pangako nito
Dahil sa larong ito ng taguan ay nais ko nang matagpuanSa larong ito ng taguan, ako'y iyo ngang natagpuan
Ako, ako ang tupang naligaw sa kawan
Ang tupang nawalay at kumumpleto sa isang daanSa larong ito ng taguan ay handa na akong mataya,
Sa pagkakagapos ng mundo ako nga'y Iyo nang pinalayaSa mundong nagsasabing ako'y walang halaga,
Pakikinggan ko na ang tinig Mong nagsasabing "Mahal kita"
Dahil sa mundong puno ng pangako
Ikaw lang at ang mga pangako Mo ang hindi nabigoKaya't tayain Mo na ako
Handa na akong sumunod sa mga utos mo
Handa na akong mataya
Handa na akong ialay ang buhay ko
Handa na akong maglingkod Sayo
Handa na ang sugatang sundalong ito na muling lumaban, hindi na para sa mundo pero para Sayo
Handa nang ipakilala sa mundo ang pangalan MoKaya mga kapwa ko kabataan,
Ako ay nakatayo sa inyong harapan
Nagpapa-alalang alab ng inyong mga puso'y huwag pawawalan
Matagal man tayong ginamit ng mundo,
Ngayon, tayo'y magpagamit sa Diyos ng buong-buoBuhay niyo'y iaalay sa pag-didisipulo at pagiging mabuting ehemplo
Sa paglilingkod sa Panginoon ay 'di kayo mabibigoAt sa larong ito ng taguan ay handa na akong mataya,
Tapos na akong magbigay ng mga dahilan kung bakit hindi ako nararapat
Tapos nang ilista ang mga rason kung bakit ako'y di Mo mahalin dapat
Dahil ang totoo'y nais kong mahalin Mo ako
Nais kong maging kalugod-lugod sa harapan MoMaraming salamat dahil sinikap Mong maabot ang puso ko gaano man kalayo na ang narating nito
Salamat, dahil ang larong ito ng taguan ay tapos naTapos na pagka't nakilala kita.
xxx
Watch the video here 👇
Thank you for reading.
To God be all the glory!
BINABASA MO ANG
TAGU-TAGUAN
PoetryThis is a spoken word poetry. xxx Nakapaloob dito ang mga bagay na kayang ibigay ng mundo at kung ano ang mga kayang ibigay ng Diyos. Ngayon nasa atin na ang desisyon kung ano ang pipiliin natin, doon ba tayo sa mga bagay na panandalian lamang o do...