Chapter One

13 0 0
                                    

CHAPTER ONE

Nasa last year na ako ng college taking up Business Admistration dito sa isang university sa Manila.

“Ang gwapo ni Onyx noh?” aniya ni Allyson saakin.  Si Onyx Del Carmen ang kanyang tinutukoy, siya lang naman ang first crush ko since elementary.  Anak siya ng kaibigan ni daddy at mommy.

Sa iisang university lang kami pumapasok, engineering naman ang kurso nito.

Kilala siya bilang Campus Heartthrob!

Kabi-kabilang babae ang umaaligid sa kanya araw-araw.

Nakita kong papalapit si Onyx…teka papunta ba ito ngayon sa kinauupuan ko?

He’s wearing a black long sleeve V-neck shirt at denim pants.

Mas lalo siyang naging gwapo sa suot niya.  Medyo messy din ang buhok nito na lalong bumagay sa kanya.

“Teka? Tama ba ang nakikita ko? Papalapit siya sa atin?” di makapaniwalang tanong ni Allyson saakin.  Maging ako ay hindi rin makapaniwala.  Diretso ang medyo singkit na mata nito na nakatingin saakin.

“H—hindi ko alam…” medyo nauutal na sagot ko.  Habang papalapit si Onyx, papalakas ng papalakas rin ang tibok ng puso ko.

Dug!Dug…!

Dug!Dug…!

Dug!Dug…!

Sa amin ba talaga siya lalapit?

Nasagot ang tanong ko ng huminto ito sa mismong harap ko.

Seryoso lamang ang mukha nito na nakatingin saakin.

“B—bakit?” nagsimula ng manlamig ang palad ko, at nauutal na naman akong nagsasalita habang titig na titig sa gwapo niyang mukha.

“Sumunod ka saakin.”  nag-uutos na sabi nito.

“H—ha?” halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.  Tama ba ang narinig ko? Kinakausap ako ngayon ni Onyx Del Carmen

Tumingin ako kay Allyson para kumpirmahin sana sa kanya kung tama ba ang narinig ko, pero maging siya ay tulala na rin na nakatingin kay Onyx.

See? Ganyan ang epekto ni Onyx Del Carmen.

“Sabi ko sumunod ka saakin.  Mahirap ba intindihin yun?” pasupladong sabi nito.  Bakas sa mukha nito ang pagkairita.

Naiirita ba siya?

Kanino?

Saakin?

Eh bakit niya ako kinakausap kung ganun?

Naramdaman ko ang marahan na pagsiko ni Allyson saakin, dahilan para bumalik ang katinuan ko.

“A—aah…sige.  Tara Allyson sumunod na tayo kay—“

“No. Ikaw lang.” masungit na sabi nito tsaka muling tumalikod at naglakad na.

Nagkatinginan kami ni Allyson.

“A—ako lang daw?” nanlalaking matang tanong ko kay Allyson.

“Oo Bessie, ikaw lang daw. Gosh! Masosolo mo na rin ang crush mo finally!” kinikilig na sabi nito saakin.

“Hah?” hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari.

“Oh ano pang ginagawa mo dito, sundan mo na siya baka magbago pa ang isip niya! Gow!” sabi nito sabay bahagyang tulak saakin.

Love will lead you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon