Chapter Two

9 1 0
                                    

CHAPTER TWO

Mabilis lumipas ang araw at ngayon nga ay Lunes na naman. Excited akong pumasok ngayon.

“Bessie, ganda ng ngiti natin ah. Anong meron?” tanong ni Allyson saakin habang naglalakad kami papuntang locker room.

“Wala. Excited lang akong ibigay ito kay Onyx.” nakangiting sabi ko sabay taas ng dala-dala kong paper bag.

“Ano ba yan?” nguso niya sa dala kong paper bag.

“Cookies. Ginawa ko kanina bago pumasok. Thank you gift ko sa kanya.” hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ko sa labi.

“Wala bang para saakin?” tanong ulit niya ng tumigil na kami sa harap ng locker namin.

“Ha? Sorry Bessie ah, next time gagawan rin kita…kung gusto mo cake pa eh!” halatang nadismaya siya ng malamang walang cookies para sa kanya.

“Unfair naman!” she pouted her lips.

“Sorry na Bessie.  Can I ask favor?” alam kong medyo nagtatampo siya saakin ngayon dahil sa cookies, bakit kasi di ko siya naisip gawan kanina.  Napaka selosa pa naman nitong best friend ko. Hay!

“Ano yun?” halata sa boses nito ang pagtatampo.

“Pwede bang samahan mo ako mamaya sa basketball court? Practice kasi nila Onyx ngayon, doon ko na rin ibibigay itong mga to’h! Pretty please?”  Nagpuppy eyes pa ako para lang mapapayag si Bessie.  Sana effective. Hehehe!

“Anong mapapala ko?”

Aba’t itong best friend ko naghahanap na ng return favor?

Teka…ano nga bang magandang pang-pain dito?

**LIGHT BULB**

TING!!!!

“Alam mo bang dumating na si Blue, at sobrang dami niyang pasalubong saakin.  Hindi ko nga alam kong paano ko magagamit lahat ng—“

“Okay deal!” biglang putol niya sa sasabihin ko.  Napangiti naman ako sa sagot niya.  Kaya agad ko siya niyakap.

“Thank you Bessie! Sabi na nga ba eh love mo talaga ako!” yakap-yakap ko pa rin siya.

“Heh! Nagtatampo pa rin ako sayo.” sabi nito saakin.

“Eeeh…Bessie, babawi ako promise!” sabay taas pa ng kanang kamay ko sa kanya.

“Siguraduhin mo ha? Nakakapagtampo kasi talaga eh!” maktol niya pa rin.

****

Alam ko na sa mga oras na ito ay nagpa-practice na ang basketball team nina Onyx.

Mabuti na lang at katatapos lang ng huling klase namin ni Allyson para sa araw na iyon.

“Bessie, dali!” pagmamadali ko kay Allyson.  Nagliligpit pa rin kasi ito ng gamit niya.

“Wait lang naman Bessie. Excited?”

“Ay sobra!”

“Hindi nga halata.” naiiling na sabi niya.

Kaagad kaming bumaba ng 1st floor at papunta na kami ngayon sa  gym.

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Allyson papasok sa comfort room na malapit sa gym.

“Hello? Hindi dito ang practice nina Onyx. CR ito at nasa kabila pa ang gym Bessie.” pinanlakihan ko ng mata si Allyson.  Itong babae talaga na ito, kung kelan nagmamadali…tsktsk!

Love will lead you backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon