Misteryo ng LUWALHATI

591 2 0
                                    

HUWAG KA NANG UMIYAK

by GenieCharlie

© All Rights Reserved 2014


----- O -----


MISTERYO NG LUWALHATI

"Maggie, anak, gising na," sabi sa akin ni Mama. Nagising ako sa kanyang pagyugyog sa aking balikat.

"Mama," sagot ko habang nakapikit pa rin. "Late na po ako natulog kagabi. Huwag niyo po muna akong gisingin." Binalot ko ang aking ulo ng kumot. Inaantok pa rin talaga ako.

"Naku! Alam mo ba kung anong araw ngayon?" Tanong sa akin ni Mama.

Inalala ko kung ano ang petsa ngayon. HINDI! December 24, 2013 ngayon! Ngayon ang pagdating muli ni Andrew mula sa Maynila. Aba! Mahigit pitong taon din noong huli kaming magkita. Sa totoo lang, miss na miss ko na siya.

Napabangon ako bigla sa kama at dali-dali na pumunta sa palikuran para maghilamos. Pagkatapos nito, lumabas ako ng kuwarto at pumunt ng kusina. Doon nakahanda na ang aming agahan. Nakaupo na rin si Papa at nagbabasa ng dyaryo.

"Maggie," tawag sa akin ni Papa. "Nakarating na daw si Andrew." Nakangiti siya sa akin.

"Talaga po?" Pagkukumpirma ko sa kanya. Abot-teng na siguro ang aking ngiti ng mga panahong iyon. "Ang bilis naman po niyang makabalik."

Napatawa si Papa. "Ikaw talaga. Baka na-miss ka kaya bumalik kaagad."

Ako nga pala si Maggie Remigio, 23 years old at isang probinsyanang nakatira dito sa Bayan ng San Luis. Lumaki na ako dito sa aming bayan kung saan nag-nenegosyo ang aking mga magulang ng baubuyan at manukan. Si Andrew Suarez ang tinutukoy ng aking mga magulang na si Andrew. Siya ang aking best friend. Ngunit, pitong taon na ang nakalipas nang magtapat siya na may gusto siya sa akin at ganoon rin ako sa kanya.

Hindi kami naging magkasintahan. Bakit kamo? Sa kadahilanang kailangan din niyang umalis papuntang Maynila upang mag-aral at nais niyang makapagtapos muna bago kami maging magkasintahan. Walang pag-aatubili akong pumayag dahil nangako siya na mamahalin niya ako ng buo sa kanyang pagbabalik. Naniniwala ako sa tadhana at siya ang aking tadhana.

Kaya ngayong bumalik na siya, alam kong matutupad na niya ang kanyang pangako sa akin. Ito ang pangako namin sa isa't isa. Ito ang aming tadhana.

Nagmadali akong kumain ng aking almusal upang makapaghanda nang makipagkita kay Andrew. Siguradong sabik rin siyang makita ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis, nagpaalam ako kay Mama at Papa na pupuntahan ko si Andrew. Ang sinabi lamang ni Papa sa akin:

"Ngiting-aso ka na naman, anak, basta si Andrew ang pinag-uusapan." Sabay ngiti sa akin. Si Mama naman, pinaalalahanan akong bumalik kaagad bago mag-hatinggabi para sa Noche Buena. Ang Pasko talaga ay panahon ng kasiyahan.

Lumabas ako ng aming bahay at naglakad papunta sa tahanan ng mga Suarez. Nasa kabilang kanto lamang ito. Nang makarating ako sa kanilang gate, pinindot ko ang doorbell. Naghintay ako ng ilang saglit nang pagbuksan ako ng gate ni Tito Roman, ama ni Andrew.

"Good morning, Maggie." Normal na bati sa akin ni Tito Roman.

"Good morning din po, Tito," pagbati ko sa kanya nang nakangiti. "Nariyan na po ba si Andrew?"

"Oo, nasa kuwarto niya ang naliligo. Halika, pumasok ka muna."

Pumasok ako sa kanilang tahanan na mukhang matagal na hindi nagamit.

"Nasaan po si Tita Trina?" Tanong ko kay Tito Roman. Si Tita Trina ang ina ni Andrew.

"Nasa Manila pa. May inaayos lang. Pero pupunta din siya dito bukas." Sagot sa akin ni Tito Roman.

"Tito, okay lang po ba kung umakyat na po ako sa kuwarto ni Andrew?"

May kaunting sandali na nag-isip si Tito Roman bago niya ako pinayagang umakyat. Matapos ko siyang pasalamatan, umakyat ako sa second floor at pumasok sa kuwarto ni Andrew. Hindi pa rin ito nagbabago. Malinis at maayos pa rin. Katulad lang ng may-ari nito.

Sa aking pagmamasid, nakita ko ang litrato namin ni Andrew. Isa iyon sa mga pinakamasasayang litrato naming dalawa. Habang aking pinagmamasdan ang aming litrato, isang pamilyar na boses ang aking narinig.

"Maggie, ikaw ba yan?"

Tumalikod ako at nakitang naka-tuwalya lamang si Andrew.

"ANDREW!" Napasigaw ako at dali-dali kong niyakap siya. Hindi ko inintindi kung wala pa siyang saplot dahil sanay na kami sa isa't isa. Mag-bestfriends nga kami.

Niyakap din ako ni Andrew. "Na-miss kitang babae ka," pabulong niyang sabi sa akin. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"I miss you too." Sambit ko sa kanya.

Nang bumitaw na kami sa pagkakayakap, tumingin ako sa kanyang mukha. Wala pa ring pagbabago. Siya pa rin ang guwapong mestisuhing maginoong best friend ko na ngayon ay mamahalin ko na ng buong-buo.

"Ang guwapo mo pa rin," sabi ko sa kanya. Napangiti na lang siya sa akin na parang nahihiya pa sa sinabi ko.

"Ikaw din, maganda ka pa rin," sabi niya sa akin. Naramdaman kong namumula ang aking pisngi.

"Alam mo? Nagbobolahan na naman tayo dito. Sige na't magbihis ka na. Marami ka pang utang sa akin."

"Anong utang ka dyan? Wala akong utang sa'yo ha." Pabirong sagot niya sa akin habang pumunta siya sa kanyang kabinet. Sanay na rin siyang magbihis sa harapan ko maliban lang sa parteng kailangan niyang takpan. Syempre, babae pa rin ako.

"Yun ang akala mo," sagot ko sa kanya. "Kailangan mong bumawi sa pitong taon na hindi tayo nagkita."

"Alam ko," sabi sa akin ni Andrew. "Kailangan kitang bayaran sa aking utang dahil baka wala na akong pagkakataon na mabayaran ka kapag natapos ang araw na ito."

Nagtaka ako sa huling sinabi niya.

Huwag Ka Nang UmiyakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon