Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter 4

234K 5.7K 242
                                    

I woke up with a severe hangover. Nagpagulong-gulong pa ako sa kama sa sobrang sakit ng ulo ko. Hinayaan ko muna ang sarili kong makahiga nang ilang minuto bago bumangon at alalahanin kung nasaan ako.

I'm pretty sure that this is not my room. Hindi black and white ang design ng kwarto ko. Kung kaninong kwarto 'to ay hindi ko maalala. Ang huli kong naaalala ay may tumabi sa aking lalaki sa bar. He tried to bring me somewhere pero may humarang sa amin.

Sino?

Napasabunot ako sa buhok ko. Mukhang wala namang nangyari sa aking masama bukod sa sobrang sakit ng ulo ko. Kumpleto pa naman ang damit ko at walang nang ibang masakit sa katawan ko. Napapikit ako nang may ala-alang pumasok sa isip ko.

It was Apollo who was guiding me till we get into his car. Muli niya akong inalalayan nang makababa kami hanggang sa maihiga niya ako rito sa kama na mas ipinagtaka ko. He is known as the playboy, and I know that he bed women based on Artemis' story. Pero bakit hindi niya ako ginalaw? I never expected him to be a gentleman.

Tumayo ako at binuksan ang isang pintuan doon na sa palagay ko ay ang banyo. Naghilamos ako at basta na lang binuksan ang isang toothbrush doon na bagong-bago pa at ginamit iyon. Pagkatapos ay inayos ko ang mukha ko bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko si Apollo na naghahanda ng pagkain sa lamesa. Naka-topless siya kaya hindi ko napigilan ang makasalanan kong mga mata na titigan ang katawan niya.

His muscles are in their right places. Halatang inaalagaan ang katawan. Bukod sa gwapo niyang mukha ay maganda rin pala ang katawan niya kaya hinahabol-habol siya ng mga babae. Especially those six-pack abs and his V-line.

"Pwede mong hawakan kung gusto mo."

Napaigtad ako sa boses niya. Itinago ko sa pag-irap ko ang namumula kong mukha. Sakto namang napadako ang tingin ko sa t-shirt niyang nasa may sofa. Kinuha ko iyon bago lumapit at inihagis ang damit niya sa kanya na nasalo niya naman.

"Magbihis ka nga," I said. Tumawa siya pero sinunod din naman ang sinabi ko.

"I cooked a chicken soup for your hangover," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Malakas ang loob ko kasi nakabihis na siya. Umupo siya at itinuro ang upuan sa tapat niya. "Let's eat?"

Umiling ako at inilibot ang tingin kung nasaan kami. I'm guessing that this is his condo unit.

"Where's my bag?" tanong ko nang hindi makita ang bag ko sa loob ng unit niya.

"In my car. Nakalimutan kong kunin kagabi. Come on. Let's eat," pamimilit niya pero muli akong umiling.

"Where's your car? Uuwi na ako."

Napabuntonghininga siya sa sinabi ko. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Natigilan ako nang ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko at tinitigan ako. I stared back because I couldn't take my eyes off his face, especially at his piercing blue eyes.

"I cooked for you, Miss Prim and Proper. And I don't want to eat alone so please, saluhan mo ako."

Hindi ako nagsalita. He seems sincere na parang gustong-gusto niya talaga akong makasalo.

Napatingin ako sa hapag. Nakita kong nakahain doon ang isang bowl ng chicken soup, eggs, bacon, hotdog at dalawang baso ng kape. Tiningnan ko si Apollo na nanatiling nakatingin sa akin at natagpuan ko na lang ang sarili kong tumatango sa kanya.

Buong buhay ko ay mag-isa lang akong kumakain. Walang kasalo sa hapag. Ako lang. Kung minsan ay sinasaluhan ako ni Manang Rosi kapag wala si Mama. Pero mabibilang lang ang pagkakataong iyon. Mas madalas pa ring ako lang mag-isa ang kumakain sa hapag. Naiinggit ako sa mga pamilyang sabay-sabay kumakain.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon