Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 11

201K 5.8K 1.2K
                                    

Sa may waterfalls―which is called Hulugan Falls―na nga kami dumiretso kagaya ng sinabi ni Tiffany. Medyo malayo pa ang nilakad namin dahil hanggang bukana lang ng Hulugan Trails pwedeng iparada ang sasakyan. Ang mga lalaki na ang nagdala ng mga bag namin dahil ang sabi ni Tiffany ay medyo delikado raw ang daan lalo pa at may batong hagdanan na medyo matarik para makapunta sa pinakaibaba ng waterfalls.

"God. This is torture," dinig kong sabi ni Artemis habang inaalalayan siya ni Joshua. Nasa harapan ko sila at nasa likod ko naman si Yuriel na tahimik lang at kung minsan ay inaalalayan din ako.

"This walk is going to be worth it kapag nakita n'yo na ang falls," may pagmamalaki pang sabi ni Tiffany na nasa harapan namin kasama si Apollo na inaalalayan siya sa paglalakad. I tried to avoid my gaze because there's that strange feeling again building in my chest.

"Malayo pa ba?" Si Artemis na tuloy pa rin ang pagrereklamo. "Kung alam ko lang na ganito ang way, hindi na sana ako sumama." Bigla siyang napatingin kay Joshua. "Pero syempre, joke lang."

"Malapit na. Pagbaba natin do'n sa mga bato, nandoon na ang falls," sagot naman ni Tiffany.

Ilang minuto pa kaming naglakad at wala nang nagsasalita. Ramdam ko na rin ang pagod ko at pinagpapawisan na rin ako. Alas onse na rin kasi ng tanghali kaya medyo mainit na sa balat ang sikat ng araw. Mabuti na lang at may mga puno kaya hindi direktang tumatama sa amin ang araw.

Ilang beses na akong kamuntikan nang madapa dahil hindi pantay ang nilalakaran namin. Maraming mga bato at ugat ng puno ang nakaharang sa daan kaya kung hindi ka maingat ay madadapa ka talaga. Naririnig ko pang tinatawanan ako ni Yuriel kapag natatalisod ako pero nakakahawak din agad sa hawakan na gawa sa kawayan. Sinasamaan ko na lang siya ng tingin na nagpapatigil sa tawa niya.

"Naririnig n'yo ba 'yon?" tanong ni Malcolm na napatigil pa talaga sa paglalakad at dahil pangalawa sila ni Warren sa pila ay napatigil din kami nila Artemis, Joshua at Yuriel sa paglalakad. Nakailang hakbang pa sina Apollo at Tiffany sa paglalakad bago nila napansing hindi kami nakasunod sa kanila.

"What? What?" kinakabahang tanong ni Artemis na tumahimik din at pinakinggan ang paligid. Sina Apollo ay lumapit na rin sa amin.

"Bakit?" he asked but Malcolm motioned him to shut up. Nagtatakang napatingin ako kay Yuriel sa tabi ko at nagtatanong ang mga mata ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya sa inaakto ng kaibigan.

Silence enveloped us. Seryoso pa ang mga mukha namin habang pinakikinggan ang paligid. I saw Artemis' anxious face and she's even muttering that this is like the usual start of a horror movie. Pinigilan ko ang mapatawa sa itsura niya.

And then, we all heard it.

"Waterfalls!" magkasabay na sigaw nina Warren at tumakbo pa sila. Sinubukan silang pigilan ni Tiffany dahil delikado na raw ang daan pero hindi nila pinansin. I heard Artemis sighed in relief.

"My God! Tubig lang pala! Ang akala ko, kung ano na!" natatawa pang sabi niya at sumunod na kami kina Warren at Malcolm. I'll admit it. Medyo excited din akong makakita ng waterfalls. This will be my first time seeing it.

Naabutan namin ang dalawa na nakatigil at parang problemado ang mukha nila nang tumingin sa amin. Wala na ang excitement sa mukha nila kanina.

"Bakit?" Joshua asked.

"We have to go down." Si Tiffany na ang sumagot. Lumapit kaming lahat kina Malcolm at Warren at nakita namin kung ano ang pinoproblema nila.

Ang tinutukoy ni Tiffany na kailangan naming babain ay parang imposible. Napakatarik ng daan at tanging kawayan na hawakan lang ang mahahawakan mo at ang tatapakan mo naman ay maliliit na batong nakausli sa lupa. Medyo mataas ang kinalalagyan namin at kapag tumitingin ako sa baba ay nakakalula ito.

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon