Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 5

243K 5.7K 416
                                    

"Kami na ni Joshua."

Napaangat ang tingin ko mula sa libro at tiningnan si Artemis na nakangiti sa harapan ko. Tinitigan ko siya at nag-isip kung anong pwedeng sabihin sa kanya.

"Uh... Parang ang bilis naman yata?" nag-aalangan kong sabi. Parang wala pa yatang isang buwan simula nang sabihin niya sa akin na nililigawan siya ni Joshua.

Nagkibit-balikat siya. "Alam ko rin naman sa sarili kong mahal ko siya kaya bakit ko pa patatagalin?"

Tuluyan ko nang ibinaba ang librong binabasa ko at ibinigay ang buong atensyon ko kay Artemis. She really looks happy and her face is even glowing. Natatakot tuloy akong baka mawala ang ngiti niya sa mga sasabihin ko.

"That's not it, Artemis. Hindi naman dahil sa mahal mo na ang manliligaw mo ay sasagutin mo na kaagad. You have to know the person first so that you'll know that you choose the right person for your heart. Iyon talaga ang purpose ng panliligaw."

"I think that's not it, Daphne," kontra niya sa sinabi ko. As far as I know, si Joshua ang first boyfriend niya kaya ang akala ko ay wala pa siyang alam sa mga bagay na ganito. "Kapag nanliligaw ang isang lalaki, ang good side niya lang ang pinapakita niya. To impress the girl, of course. Malalaman mo lang ang totoong sila kapag naging kayo na. If he's really caring, gentleman and all. Hindi na niya kailangan mag-effort nang todo unlike no'ng nanliligaw pa lang siya. Kasi kayo na, eh. He got your precious 'oo' na."

Hindi ko inaaasahang may punto ang mga sinabi niya. Imbes na ako ang magpangaral ay siya ang nagbigay ng aral sa akin. Hindi ko kasi akalaing marami siyang alam kahit na ngayon pa lang siya nakipagrelasyon.

"How did you know about that? Joshua is your first boyfriend, right?" namamangha kong tanong sa kanya pero nakita kong napairap siya.

"Apollo, of course. Siguro ay ma-effort siya kapag nanliligaw pero kapag sinagot na siya ay wala na."

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya. I never thought that Apollo will court a woman. Ang akala ko ay ang mga babae pa ang nanliligaw sa kanya.

"Speaking of Apollo," sabi ko at tumingin sa kanya. "Alam na ba niya ang tungkol sa inyo ni Joshua?"

I know how overprotective her brothers are. Siya lang kasi ang nag-iisang babae sa magkakapatid at ang bunso pa. Kaya ganoon na lang siyang paghigpitan ng mga ito. Lalo na si Apollo. Natatakot siguro ito na ang kakambal ang gantihan ng karma dahil sa mga ginawa nito.

"Honestly, no," sabi niya at nawala ang ngiti niya. I expected it. Alam kong hindi papayag si Apollo na makipagrelasyon ang kakambal nito. "That's why I'm asking for your help. Help me with this, please. Pretty please?"

Napabuntonghininga na lang ako. Ayos lang naman sa akin. She's my best friend after all. Kahit anong mangyari ay tutulungan ko siya. Pero mahirap dahil gabi-gabi kaming nagkikita ni Apollo. Baka makahalata siyang nagsisinungaling ako kapag hinahanap niya sa akin si Artemis.

"I'll help you, Artemis," I said and I saw her smile again. "But I'm sure that Apollo will find out about this eventually. Anong gagawin mo kapag nangyari 'yon?"

Siya naman ngayon ang napabuntonghininga. Mukhang hindi niya yata naisip na malalaman din ni Apollo ang tungkol sa kanila ni Joshua.

"I hate my life," mukhang wala sa sariling sabi niya pero malaki ang naging epekto noon sa akin. "Napakaoverprotective ng mga kapatid ko! Lalo na si Apollo! I wish I have a normal life."

"Don't you ever say that again." Hindi ko sinasadya pero pagalit ko itong nasabi sa kanya. Nagtataka ang mga mata ni Artemis nang mapatingin sa akin.

"What?"

"Don't you ever say that you hated your life. People would kill just to be in your shoes, Artemis. They would kill just to become you. Hindi mo alam na may mga taong mas masakit ang pinagdadaanan kumpara sa 'yo."

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon