Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 6

214K 5.9K 459
                                    

"Hi, Daphne!"

Napatigil ako sa paglalakad nang harangan na naman ng powerpuff girls ang dinaraanan ko. But I can tell that something is off. Nakangiti sa akin si Blossom ngayon at hindi lang 'yon, tinawag niya ako sa pangalan ko.

Hindi ko na sana sila papansinin at balak na lang na lagpasan kaya lang ay hindi talaga nila ako pinadaan. Bumuntonghininga ako at hinarap na sila.

"Ano na naman?" I asked.

Nagulat ako nang matamis siyang ngumiti sa akin pero hindi ko pinahalata ang gulat ko.

"I told you, didn't I?" she said sweetly. "That I'll do everything to win? And I did. I beat you. You should learn how to play dirty, Daphne."

I frowned. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. And it seems like she saw my reaction so she faked a gasp.

"Hindi mo pa alam?" kunwaring gulat na tanong niya pero kita ko ang tuwa sa mga mata niya. "You better go and check the website, Daphne. Maiintindihan mo ang sinasabi ko."

Iniwan na rin naman nila ako pagkatapos noon. Sa totoo lang ay wala talaga akong naintindihan sa mga sinabi niya kaya imbes na pagtuunan ko ng pansin ay dumiretso na lang ako sa cafeteria. Artemis immediately stood up and ran towards me. She looked bothered for some reason.

"Daphne! Are you okay? That must've shocked you, right?" tanong niya na parang nag-aalala sa akin. Napakunot ang noo ko. Nakita niya siguro ang pagkalito ko kaya nagtanong siya. "Hindi mo pa alam?"

"Ang alin?" I asked.

Hindi niya ako sinagot. Instead, hinila niya ako papunta sa inuupuan niya kanina. Tumabi siya sa akin at inilabas sa bag niya ang iPad niya. Ilang sandali siyang nagkalikot doon bago niya ibinigay sa akin ang iPad. Kahit na naguguluhan ay tinanggap ko iyon.

It was already on the university's website kaya hindi na ako nahirapan pang hanapin kung ano ang gusto niyang ipakita. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita ang nakapost sa website. Naramdaman kong kinakapos na ako ng hininga kaya mabilis kong ibinalik kay Artemis ang iPad niya.

Tiffany is now the top one in our college, and I am the top two.

Naiintindihan ko na. Kaya pala ganoon ang reaksiyon niya kanina. She finally defeated me in our ranking. And I'm pretty sure that she played dirty.

"Are you okay, Daphne?"

Napatingin ako kay Artemis. Iyon na naman ang tanong niya. At hindi ko na talaga mapigilan ang mga emosyon sa dibdib ko. Kaya bago pa ako maiyak ay nagmamadali akong tumayo.

"I'm okay, Artemis," I said. Tumikhim ako para maalis ang panginginig ng boses ko. "Alam ko na ang tungkol sa ranking kanina pa. Sorry pero may gagawin pa pala ako."

Narinig ko ang pagtawag ni Artemis sa pangalan ko nang iwan ko siya roon pero hindi ako lumingon at mabilis na naglakad palayo. Wala akong pakialam kung may mga estudyante akong nabubunggo. Basta ang alam ko ay naglalakad lang ako pero hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa rami ng mga iniisip at nararamdaman ko ngayon. All my effort turned to nothing, just like that. Because Tiffany played dirty. She played dirty just to be the top one. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niyang talunin ako. Para sa akin ay sobrang importante ang pagiging top one ko kasi sa ganoong paraan ay nakakakuha ako ng respeto.

Pero paano na ngayon? Si Tiffany na ang top one at maraming nakakaalam na hindi siya ganoong katalino. Ano na lang ang sasabihin nila kung natalo ang talino ko ng isang babaeng walang respeto sa sarili niya at gagawin ang lahat para magkaroon ng mataas ng grades? Will they still respect me?

The Billionaire's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon