CHAPTER 1

516 16 0
  • Dedicated kay Marjo Alaba Prospero
                                    

Chapter 1 - Late Bloomer

Isang malakas na pagsabog ang umalingaw-ngaw sa labas.

Napakalakas ng hangin at tila may bagyo. Nagliliparan ang mga puno at iba't-ibang halaman. Umaapoy ang ilang mga kabahayan. Ngunit, isa lang ito sa mga normal na araw sa lugar.

                  *   *  *

"Mommy! Papasok na ako!"
Sigaw ko at mabilis akong tumakbo palabas ng bahay dahil mukhang malelate ako sa unang araw ko sa school.

Lucy! Sandali lang! Ang mga bilin ko sayo tandaan mo!

Rinig na rinig ko ang boses ni mommy sa aking ulo kahit nasa kwarto lang siya. Mind link, isa ito sa mga ability ni mommy.

Si mommy at daddy ay nabibilang sa superior society.  Ako? Mojo Society,  ang sabi ng mga friends ko ang weird daw na nasa Mojo ako.
I don't know. 
Ang sabi pa ng iba baka raw ampon lang ako.
Hindi ko rin alam.
Pero magkamukha naman kami ni mommy so, impossible.

Nagcast ako ng spell sa aking sasakyan upang mas mabilis akong makarating sa school.
Ngunit bago pa ako makapasok sa sasakyan ay nakita ko sa hindi kalayuan ang aking mga kaibigan na nag-uunahan sa pagtakbo.

"Save!" Sigaw ni Ven ng mauna siyang makarating sa sasakyan.

"Ang daya daya mo! Sabing hindi dapat gumamit ng ability! Mandurugas ka! Baka gusto mong matusta?" Naiiritang sigaw ni Richelle.

"Tama na nga! Umalis na tayo! Late na tayo." Awat naman ni Marlia sa dalawa.

Silang tatlo ay nabibilang sa Element Society. Ewan ko ba kung bakit kaibigan ko ang mga to.
Si Ven ay Air Bender, si Richelle ay Fire Bender at si Marlia naman ay Water Bender.

"Ano naman ba ang plano niyo? Bakit kayo nandito ha?" Naiinis kong tanong sa kanila dahil late na talaga ako.

"Sasabay" sabay nilang sagot na parang pinagplanohan din yata nila pati ang isasagot sa akin at nakangiti pa talaga sila.
Hindi na ako nakipagtalo sa kanila. Dahil wala naman din akong nagagawa. Matitigas talaga ang ulo ng tatlong to.

"Lucy! Sasabay na kami sayo parati ha? Para tipid sa gas."
Nakangising humarap si Ven sa akin.

"Anong tipid sa gas? Hindi naman tayo gumagamit ng gas?" Napataas ako ng kilay sa sinabi niya.
Anong pinagsasabi ng isang to.

"Ay HAHAHA. Napanood ko lang. Ang cute ng show na yun. Normal life yung title. Panoorin mo minsan. " May pinakita pa siyang sites at links ng mga episodes ng pinapanood niya.

"Huwag na. Hindi ako mahilig manood ng shows,whatever."
Napasimangot naman si Ven sa sagot ko.

Maya maya pa ay nakarating narin kami sa school. Mabilis naman silang naglabasan at pumunta na sila sa mga kanya kanya nilang rooms.
Walang magkaklase sa aming apat.
Hindi naman kami magkapareho ng ability.
Ang mga kaklase ko ay yung may ability din ng spell casting.

Naglalakad ako patungo sa Mojo Building. May apat ito na palapag.
Ang unang floor ay ang mga estudyante ng spell casting kagaya ko.
Ang sa second floor ay ang alchemy.
Sa third floor ay ang necromancy at ang sa fourth floor ay ang dark magic.

Pumasok na ako sa silid ko.  Ang natitirang bakante na upuan ay yung nasa pinakalikod na malapit sa bintana na lang. Kaya mabilis akong umupo. Wala pa naman akong nakikitang professor.
Siguro hindi talaga sila pumapasok kapag first day.
Marami ng nagkwekwentuhan. Halatang halos sila ay magkalapit na at magkakilala.
Napatingin na lamang ako sa bintana.
Tanaw ko mula rito ang building ng   mga healer.

Ang building ng tatlong society ay magkalapit lang. Sa left side ay ang building namin. Sa gitna ay ang building ng mga healer na may tatlong palapag.
Ang unang palapag ay para sa mga Aerona ang ikalawa ay para sa regeneration at ang sa ikatlong palapag naman ay ang empath.

Sa right side naman ay ang building ng Element na may apat na palapag din gaya ng Mojo.  Ang nasa unang palapag ay air bender, pagkatapos ay ang mga water bender, tapos ang fire bender at ang sa huling palapag ay ang land bender.

Ang superior naman ay nasa likod pa ng mga building namin.
May mini forest pa bago makarating sa building nila.
Mayroong limang building ang Superior na may tig anim na palapag. Hindi ibig sabihin na mas marami ang building nila ay mas marami sila.  Ang bawat palapag ay parang mayroon lamang sampu hanggang labing limang estudyante.
Talagang napakalaki ng building nila para sa kanila. May mga nagsasabi pa nga na parang bahay ang kanilang silid doon.
Superior nga.
Ang unfair, sa apat na society ang society namin ang pinakamarami. Pagkatapos ay ang element society,   ang healer.  Ang panghuli ay ang superior. Pero mas maganda at mas marami ang rooms nila.

Ang tatlong society ay parang mga public schools at ang superior naman ay private school sa mga shows na pinapanood ni Ven.

Malapit na akong makatulog sa desk ko ng may nagsalita sa harap ko.

"Hi! Uhm Lucy Scarlet." Bati niya habang binabasa ang nametag ko.
Napakunot naman siya na parang nagtataka sa last name ko.
Sanay na ako.

"Hello" Ngumiti na lamang ako sa kanya.  Marx Jess.

"Scarlet? Anak ka ba ni Athena Scarlet?" Nakangiti niyang tanong. At parang hindi parin siya makapaniwala na nakita niya ako sa building ng mga Mojo.

"Yes. Mommy ko si Athena."
Simple kong sagot at yumuko na lang.

"Oh my! Fan ako ng mommy mo! Ang galing galing niya! At yung daddy mo rin!" Napasigaw ito kaya naman napatingin ang mga kaklase ko sa kanya. 

"Bakit ka nandito sa Mojo?" Nagtatakang tanong nito.
Ito na nga ang sinasabi ko.
Dapat pala hindi na lang ako umamin.
Hindi ko rin naman alam.

"Hindi ko alam eh. Baka ampon ako. Hahaha." Pabiro kong sagot.
Mukhang nagulat naman siya sa sagot ko. Pero nagawa parin niyang  magsalita.

"No way! Magkamukhang magkamukha kayo no! Kanina pa kita gustong kausapin kaso natatakot talaga ako.  Alam mo yun? Parang yung aura mo sumisigaw na Scaaaaaarlet! At mukhang mapapanis na yung laway mo kaya hindi ko na napigilan. Pasensya na." Nakangiti parin siya habang nagsasalita.  Ang hyper niya lang. 

"Siguro late bloomer ka lang Lucy! Hahaha." Ang lakas pa talaga ng tawa niya habang sinasabi niya na late bloomer lang ako.
Eighteen years na ako sa lugar na to. Pero first time ko marinig na late bloomer lang ako. Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko.

Lahat kasi ng mga nakakakilala na Scarlet ako ang sinasabi nila ay ampon ako. Pero hindi naman kasama ang mga kaibigan ko dun.

Hindi naman ako umaasa na sana ganun nga. Na late bloomer lang ako pero masaya pala na may naniniwala pa pala sakin...

Trouble is her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon