CHAPTER 3

308 11 0
                                    

Chapter 3 - Duel

"Good morning everyone. I am Janice Jane your professor for the ability training. Everyone please head to the training hall immediately. Doon ako magche-check ng attendance."
Anunsyo ng professor at lumabas na siya agad. Mabilis naman kaming nagsitayuan lahat.
Susunod na sana kami ni Marx sa professor pero mukhang dadaan pa siya ng office. Nagulat din siya ng makitang sumunod pala kami sa kanya. Humingi kami ng paumanhin kasi akala namin pupunta na siya sa training hall at sasabay lang sana kami.
Ngumiti lang siya at sinabing mauna na kami.

"Lucy hindi ko alam saan ang training hall." Marx sighed beside me.

Sandali lang, tama ba ang narinig ko? Sabi ko na nga ba mangyayari ito. Kaya pala sumunod kaagad kami sa professor.  Wala pa lang nakakaalam sa aming dalawa kung saan ang training hall.
Bakit hindi na lang siya nagtanong kanina? Akala ko naman kasi alam niya na.

"Okay ka Lang?" Tanong niya.

Mabilis naman akong tumango para itago kung paano ako natigilan. I can't believe how stupid we are.

"Okay lang yan. Nangyayari talaga to. Hindi ko naman memorize ang mapa ng school. Second day ko pa lang dito."

Napagdesisyunan namin na bumalik na lang sa room. Mabuti na lang at may kaklase kaming bumalik din doon dahil may nakalimutan siyang dalhin. Nagtaka naman ito kung bakit nasa room parin kami. Sinabi naman ni Marx ang nangyari kaya sumabay na kami sa kanya papunta sa Training Hall.

Nang makapasok kami sa training hall ay nag-aattendance na.  Mabuti na lang at alphabetical kaya naman nakaabot pa kami.
S ako at J naman si Marx.
Matapos mag-attendance ay nagbigay na siya ng instructions.
By pair ang activity. Pero ang professor na mismo ang nag assigned ng partner namin.

"Marx Jess and Jennie Alex."

"Freya Snow and Lucy Scarlet."

After na ma-assigned na ang lahat sa kanilang partner. Professor Janice cleared her throat.
Nagsimula namang maging seryoso ang atmosphere.

"Ang gagawin niyo ay duel. Magsimula na kayo."

Halos hindi ko marinig ang sinabi ng professor dahil naging maingay ang mga classmates ko ng marinig nila ang duel. Kahit na ako ay medyo nagulat. Second day pa lang may duel na?

"Anong type daw ng training?"
May nagtanong sa kaklase ko dahil hindi niya ito narinig.

"Duel." Simpleng sagot naman nung isa. Napangiti naman ang iba na para bang nakarinig ng magandang balita.

"Ready?" tanong ni Freya na partner ko at lumapit siya sa akin.

Kumunot ang noo ko.
Paano ako magiging ready?
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Wala man lang bang orientation?

Tila natawa naman ito dahil wala akong alam sa nangyayari.

"Don't worry hindi naman tayo magpapatayan."
Bago pa ako makasagot ay may tumilapon na dagger malapit sa mukha ko. Mabuti na lang at naka-ilag naman ako. Tumawa lang siya ng makitang nagulat ako sa ginawa niya. Kaya niyang maglabas ng weapon gamit ang spell niya?

"Ano? Hindi ka man lang gagalaw?"
Nakangising tanong nito. Natila iniinsulto ako.
So, this is a real deal huh?
Mabilis akong napatingin sa kanya ng magpakawala na naman siya ng mga dagger papunta sa pwesto ko.
Nagcast ako ng spell at sa isang iglap lahat ng dagger niya ay papunta na sa kanya. Medyo nagulat pa siya, pero ngumiti lang ito sa ginawa ko. Mabilis din naman siyang nakailag.

Aatake na sana ako pero nagtaka ako ng tumakbo si Freya palayo sa akin. Naduwag ba siya?
Maya maya pa ay may sumabog sa banda ko.  Nasugatan ang kamay ko at medyo nabingi ako sa lakas ng pagsabog.

Okay. Freya is a deceiver.

Ano pa ba ang kaya niyang gawin?
Nagkanya kanyang pwesto ang mga classmates ko sa training hall. Mukhang kanina pa sila tapos.
Saka sila napatingin sa gitna na kami na lang ni Freya ang natira.
Balak ba nila kaming panoorin?

"Go! Lucy! Kaya mo yan! Feeling lang talaga yan si Freya! Classmate ko yan noon. Malaki ulo niyan!"
Natawa na lang ako ng sumigaw si Marx mula sa kinauupuan niya.

Ano bang problema ni Freya?
Bakit masyadong big deal to sa kanya?
Tinignan ko si Professor Janice pero mukhang wala naman siyang plano na pigilan kami.

Napansin ko na may lalaking nakasandal sa pader sa dikalayuan at nakacrossed arms pa ito.
Nakatitig lang ito sa akin. Ni wala man lang siyang balak na itago na nakatitig siya at hinihintay ang gagawin ko. Weird.

Napansin ko ang logo sa ibabang parte ng necktie niya. Crown.
Superior siya? Anong ginagawa niya rito?

"What are you waiting for? Ang tagal mo!" tawag ni Freya sa kabilang side ng training hall.
Naglakad lang ako papalapit sa kanya. Hindi siya natuwa ng makitang hindi man lang ako kinabahan.
Ilang segundo lang ay napansin ko na may nakapulupot na sa akin bago pa man ako makarating sa direksyon niya.

Agh.  Ang sakit!

Hindi ako makahinga. Unti unting humigpit ang nakapulupot sa katawan ko. Napaluhod ako sa sakit.
Nag-isip ako ng spell. Hindi ako pwedeng matalo.
Nagawa kong tanggalin ang nakapulupot sa aking katawan.
Lumapit si Freya sa akin at napaatras ako.

"Scared?" Hindi mawala sa mga labi niya ang kanyang ngiti.

"Ano pa ba ang kaya mong gawin?"
Natawa naman siya sa tanong ko.
I need to focus my attention to her para manalo ako.

I thought spell casting is a weak ability. Pero sa mga nagawa ni Freya, she took it to the whole new level.

"I like your necklace."
Nabigla ako sa sinabi niya. I can feel my body stiffen.
No! Not my necklace.

"Ipakita mo na Scarlet ka."
Yun ang huli kong narinig bago niya mabilis na kinuha ang necklace ko.

Nagsimulang umikot ang paligid.
Napaluhod ako sa sahig.
Halos masuka ako at nawalan na ako ng balanse. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko.
Why is the floor shaking?
Ano bang nangyayari?
Nasusuka na talaga ako.

Bigla akong nakaramdam ng napakainit na likido sa mata ko.
Napakasakit.
Naging napakalamig din bigla ng  pakiramdam ko.
Hindi ko maintindihan.

May narinig akong tumawag sa pangalan ko.

My mouth suddenly went dry.
Napapikit na lang ako sa sakit.
Naramdaman ko ang malakas na impact ng mahulog ako sa sahig.

At doon na ako nawalan ng malay.

Trouble is her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon