CHAPTER 4

227 10 0
                                    

Chapter 4 - Superior

A sharp sudden pain enveloped me. The pain is too much.

Nagising ako sa hospital bed.
Bakit ako nandito? Anong nangyari?
Wala naman akong nakitang nakatusok sakin na kahit ano.

Bigla namang bumukas ang pintuan ng silid at pumasok si Marx sa kwarto ko.

"That was cool!" halos mabingi ako sa lakas ng sigaw ni Marx. She seems very excited. Tumalon talon pa siya sa tabi ko.

"Ano ba ang nangyari?"
Nagtataka kong tanong.

Nandito pala ako sa hospital ng school.
May sariling hospital pala ang school nato?
Medyo malapit ang hospital sa building ng Superior at nakatago.

"Hindi naman talaga namin nakita kung ano talaga ang nangyari dahil binalot kayo ng napakakapal na usok.  Akala ko nga spell yun ni Freya. Pero ng mawala ito, nakita namin si Freya sa sahig na walang malay at duguan. Pero ikaw? Ni isang sugat wala ka! Pero nahimatay ka rin pagkatapos."
Pumapalakpak pa siya habang nagkwekwento ng mga nangyari.
Kita kita ko sa mga mata niya kong gaano siya namangha sa mga nasaksihan niya.

"Is that even a good thing?"
Walang gana kong tanong.

"Aba oo naman! Alam mo ba na si Freya ang ranked one sa lahat ng spell caster? Pero natalo mo siya? Isa ka nga talagang Scarlet." She smiled proudly.

Naalala ko bigla ang necklace ko.

Napahawak ako sa leeg ko.
Ang necklace ko. Nawawala ang necklace ko.

"May hawak ba na necklace si Freya?" Nag-aalala kong tanong.

"Ha? Necklace? Wala naman akong nakitang necklace. Ako yung naunang lumapit sa inyo ng mawala  ang usok. Pero wala naman akong napansin."
Natahimik ako.
Napaupo na lamang ako sa gilid ng hospital bed. Nagpatuloy naman si Marx sa pagkukwento.

Hindi ko alam na ganun pala kalakas si Freya at maswerte pa pala ako sa kabila ng mga nangyari.

Maya maya pa ay napatingin sa akin  si Marx.

"Lucy?" Hesitant niyang tanong.
Tinignan ko lang siya.

"Anong nangyari sa mga mata mo? Bakit biglang nagbago ang kulay nito?" Pagpapatuloy ni Marx sa kanyang tanong.
Medyo naguluhan ako sa tanong niya.

"Anong ibig mong sabihin?"
Nagtataka kong tanong.

"Ang mga mata mo."
Mabilis akong tumayo at lumapit sa salamin na nasa kwarto ko.
I stiffed.

Scarlet

Naging scarlet ang kulay ng mga mata ko.
Paano to nangyari?
Sa pagkakaalam ko ay hazel brown ang mga mata ko.

Bakit naging scarlet ito?
Biglang nabasag ang salamin sa harap ko. Nagulat naman si Marx sa nangyari.
Pero maski ako ay nagulat.

Nakaramdam ako ng napakalakas ng enerhiya sa mga kamay ko.
Biglaan na lang umapoy ang mga bagay na nasagi ng mga mata ko.

Napasigaw si Marx dahil umaapoy na rin ang hospital bed na malapit sa kanya.  Alam ko na napaka-init nito.

"Get out Marx! Labas! Lumabas ka!" Napasigaw ako.
Bigla namang lumindol ng napakalakas.

Trouble is her NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon