Chapter 6

16 2 0
                                    

Chapter 6

Aba at puro positive feedback ang naririnig ko sa makeover ni Ron. Konti na lang at magiging perfect guy na itong si Ron. Malapit na rin ang Christmas Break at makakauwi na rin ako sa amin.

"wow Nerdie artista ka kanina sa school ah?"

Tinignan niya ako ng masama.

"wag mo nga akong tawaging Nerdie, hindi na ako nerd ngayon."

"fine"

"well salamat Nappy for everything you've done for me."

"asus may kapalit yun no, wala ng libre ngayon"

"hmm anong kapalit?"

"tutulungan mo ako sa pag-aaral ko"

"yun lang ba, sisiw naman"

"aba yabang"

Pumasok na ako sa kwarto ko. Aba dapat lang na tulungan niya ako, di biro ang ginawa ko sa kanya. Lumipas ang isang linggo na masaya si Ron. Feeling niya artista siya, yung mga classmates naming babae panay ang dikit sa kanya por que pumogi na siya. Tssss.

"hoy gumising ka na diyan Nappy"

Ano ba naman tong si Ron ang aga pa eh, sabado naman.

"ano ba ang aga- aga eh"

Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko.

"hello di ba gusto mong tulungan kita sa studies mo? kaya ngayon magrereview na tayo."

"ano? eh next week pa yun ah?"

"anong balak mo the day before ka magrereview? tara by 10 mins nasa sala ka na"

"aba at . . ."

boooggsshh sinara niya yung pinto. Asar ang aga pa eh. Akala ko ba naman mapapahaba ang tulog ko.

"uy bilis na diyan"

Lumabas ako ng kwarto dala mga books ko nag- eyeglass ako today, malabo din kasi mata ko pero manageable pa naman kaya madalang lang ako magsuot ng glasses.

"oh ikaw ata ang nerd ngayon ah?"

"tsss tahimik."

Habang nagrereview kami di ko mapigilang antukin.

"Hoy, umayos ka nga. I bet wala ka pang narereview."

"inaantok pa kasi ako eh?"

"hay nako no wonder Nappy."

"babawi na lang ako mamaya"

9 ng umaga kumain kami ng breakfast. Kanya kanya muna kami ng luto. Pagkatapos kumain nagpunta ako ng palengke para bumili ng ilang stocks. Pagkauwi nakita ko si Ron na nagpapahinga, naglinis kasi siya ng bahay.

"oh" sabay abot ko ng ice cream

"ice cream?"

"hindi cookies oh kain ka muna para naman malamigan yang ulo mo"

"thanks"

"so gusto mo pa bang ituloy yung plan mo about Farjana?"

"hindi ko alam. Siguro hayaan na lang natin na tadhana ang magdikta"

"asus ang dami mo kasing alam."

Kinahapunan pinagpatuloy namin yung pagrereview at infairness may mga na-review na ako, di na ako babagsak sa exam. 

Nang sumunod na linggo, exam week na sa buong university, pinagplanuhan daw na agahan ang exam para mas ma-enjoy namin ang bakasyon. Two days lang ang exam namin dahil iilan na lang yung mga subjects namin.

Project Make overTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon