Chapter 3

47 1 0
                                    

Chapter 3

"oh ayan ok na sugat mo, sa susunod mag-iingat ka naman."

"oo na, sandali at maghahain na ako"

Noong ayos na ang hapag tinawag ko na si Ron para kumain.

"oh heto adobo" sabay abot ng adobo

"mauna kang kumain"

"bakit?"

"sa pagiging clumsy mo baka nalagyan mo yan ng lason"

"hay oh ayan. . ." kumuha ako at kinain ". . . ok na? walang lason yan ano ka ba"

Kumuha na rin siya at sabay kaming kumain. Takaw pala niyang kumain pero bakit ang payat niya. Alam ko na nasarapan siya sa luto ko. Halos siya kaya ang nakarami ng luto ko.

"ano Ron masarap ba?"

"pwede na para sa taong gutom"

"kapal mo, ikaw kaya ang nakarami, ibig sabihin nasarapan ka, masarap ba?"

"dapat alam mo yan kasi ikaw ang nagluto. Salamat sa pagkain"

Tumayo na siya at kinuha ang pinagkainan niya para hugasan. Ang feeling talaga niya, kung di ko lang kailangan ng matitirhan matagal na akong umalis dito. Napaka-sungit niya sa akin lagi eh wala naman akong ginagawa, pinagsisiksikan ko na nga sarili ko sa kanya para kaibiganin ako pero wala pa ring effect, manhid ata tong taong to.

Matapos ang ilang araw at pasukan na naman. Nag-ayos na ako para pumasok, syempre suot ko ang favorite outfit ko. Jeans, unisex na shirt, converse na shoes, at cap. Lumabas na rin si Ron sa kwarto niya and as usual ganun pa rin ang outfit niya. Polo- shirt, black slacks, at ang Nerd niyang salamin. Alam ko na ang sistema namin bago pumasok, mauuna siyang lalabas at after 10 mins. saka naman ako susunod. Di ko nga alam doon kung bakit ayaw niyang magsabay kami pumasok eh wala namang malisya yun. Alam ko na gusto niya ako, we he he he. Kapal ko no?

Pagdating ng school hinanap ko sila Rafa at mukhang wala pa sila at ang nakita ko ay si Ron na naglalakad papuntang library. Di ko na sana siya papansinin pero nakita kong pinatid siya ng isang lalaki mula sa ibang course.

" umalis ka nga sa daraanan ko" guy

Naka-upo pa rin si Ron

"hoy ba't mo ginawa yun?"

"paki alam mo ba?"

"kapal mo ah"

"tama na yan Nappy I can protect my self kaya umalis ka na"

"pe. ..pero"

"alis na! kung papatulan ko siya lalaki lang to"

Tumayo siya. Tinignan ko ng masakit yung lalaki. Kapal niya malaki lang katawan niya kala mo kung sino kainis.

Hay asan na ba sila Rafa, wala na naman. Ilang sandali pa pumasok na ako sa classroom namin at nandito na pala yung mga pinaghahanap ko.

"ayan na pala kayo eh"

"sshh wag ka ngang maingay Nappy" Migz

"hmm at bakit?"

"tignan mo yang paparating" sabay turo sa isang babae.

"asus si Farjana na naman. Ano ba meron dyan at nahuhumaling kayo sa kanya?"

" napaka-talented kaya niya" Rafa

"maganda pa" Migz

"sus mas maganda ako diyan, magaling lang siya magdala ng damit kaya ganyan"

"yuck ka talaga Nappy, ikaw maganda? eh mas pogi ka pa sa amin eh. Pogi ka hindi maganda understand?" Rafa

Project Make overTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon