Chapter 7

24 2 0
                                    

Chapter 7

Ron's POV

Niyakap ko si Nappy. Mamimiss ko siya, mami-miss ko yung kaingayan niya, yung pagtawag niya sa akin ng Nerdie as in lahat. I don't know kung bakit pero Nappy is special to me. She's my best friend and I want it to last.

Dec. 23, three days nang wala si Nappy ang tahimik ng bahay, araw- araw na akong naglilinis ng bahay pampalipas oras. Kahapon nagpunta ako sa park, dumaan din ako sa simbahan para magpasalamat sa Diyos. Heto ako ngayon nasa sala at nanunuod ng mga Christmas movies at kumakain ng fries. Para nga akong tanga dahil feeling ko kasama ko si Nappy.

*tao po*

Lumabas ako ng bahay at nakita ko si Farjana.

"Ron, pwede pumasok?" Farjana.

Sinundo ko siya.

"a... anong ginagawa mo dito?"

"visit? well ang totoo niyan gusto kitang makita."

"para saan?"

"hmmm basta"

Farjana knows kung ano ang nangyari sa buhay ko.

"so kamusta ka dito?"

"hmmm masaya naman ako dito, malungkot lang nitong nakaraang araw."

"bakit?"

"ah wala, gusto mo bang kumain or anything"

"ah juice lang"

Kinuhanan ko siya ng juice. Tinitigan ko siya. Farjana is still the same maganda, mahinhin magsalita.

"mag-isa ka lang dito? what about yung Christmas, alone ka lang."

"ok lang naman ako sanay na ako na mag-isa"

"ah Ron about sa past I jus..."

"ok na yun Farjana, ok na ako. Siguro nga hindi ako ang para sayo, thank you pala dahil in that short span of time naranasan ko kung paano magkaroon ng girlfriend"

"Ron, I'm sorry kasi niloko kita. Nabulagan ako sa mga  sweet words ni Mike."

"Ok na ako Farjana, wag mo ng isipin yun and no need to say sorry. Past is past and nakalimutan ko na yun."

"thank you, sige ganito na lang para makabawi naman ako hmm gusto mo bang mag- Christmas sa bahay ako lang kasi tapos yung kasambahay namin yung kasama ko di rin naman kasi makakauwi si Mama"

Nag- iisang anak si Farjana, nasa Dubai yung Mama niya tapos yung papa niya mayroon ng ibang pamilya.

"hmm titignan ko muna"

"aasahan kita"

Ilang sandali pa nagpaalam na si Farjana. Hindi ko alam kung bakit pero may konting feelings pa ako sa kanya. She's my first love kaya siguro ganun na lang yung naramdaman ko.

Christmas Eve, tinawagan ako ni Nappy para lang mag-greet ng Merry Christmas. Alone na naman ako, hmmm siguro pupunta na lang ako kay Farjana. Ang tahimik kasi ng bahay kaya mas maganda sigurong pumunta na lang ako. Nagbihis ako at inayos ang sarili ko gaya ng turo sa akin ni Nappy, sinuot ko rin yung regalo niyang glasses. Pagdating ko sa bahay nila Farjana yung katulong yung sumalubong sa akin,si Ate Ester.

"ay hello po Sir, hinihintay po kayo ni Ma'm sa loob"

"si Ate naman wag mo na akong tawaging Sir, Ron lang"

Dinala niya ako sa sala, ang ganda ng bahay nila halatang mayaman.

"uy nandito ka na pala, you look different, a good difference. Bagay sayo yang suot mo."

Project Make overTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon