Chaper 12

20 0 0
                                    

Chapter 12

"so guys na- brief na kayo sa mga gagawin natin for the next three days so be prepared dahil magpupunta tayo sa iba't ibang location, so that's all see you in two days. " Ahron

Papalabas na kami ng room nang....

"excuse me, Miss Alcantara?"

"yes Sir?"

"will you stay for a while?"

Muli akong umupo...

( #feelingawkward)

"Tell me ikaw ba si Nappy? are you the Stephanie I knew?"

"yes, ako Ron."

"what a small world."

"it is, would you mind SIR, aalis na ako"

"wait, about the past, I'm really really sorry. I was drunk that night and I don't know what I'm doing. I was.."

"stop, it was just the past, binaon ko na yun sa limot Ron. Nakapag- move forward na ako and kalimutan mo na yun napatawad na kita."

"Nappy, I..."

"let's end this and let's do our work. I don't want anything closure to you Ron."

"Nappy, can we just be friends again?"

"I don't know and as far as I know trabaho ang pinunta ko dito. Let's see and it's Step not Nappy."

"why?"

"Nappy is the past me, nagbago na ako Ron, hindi na ako ang Nappy na nakilala mo noon. Hindi na ako ang Nappy na boyish, yung Nappy na mabait , so can I go now?"

"fine, I' m looking forward to work with you Miss Alcantara."

What an incident of all people bakit siya pa? bakit?. Well ise- set aside ko muna ang lahat ng kung anong meron kami noon ang pagtutuunan ko ng pansin ngayon ay trabaho. Ganun naman talaga dapat ang gawin eh and besides matagal ko nang binaon si Ron sa buhay ko. Siguro nga he still exist pero hindi na rin siya ang Ron na kilala ko, iba na siya, ibang- iba. Mula sa nerd niyang look naging mas gwapo siya ngayon, from payatot to lean body, nagbago na siya as in.

After ng pag-uusap namin nagpunta ako sa office ko, assistant secretary na rin kasi ako ni Mrs. Bergante at thankful ako sa kanya kasi supportive siya tuwing may kukuha sa akin para magmodel.

*toot*

message from Rafa
"Baba kita tayo sa parking lot"

Pagkabasa bumaba agad ako.

"oh anong problema?"

"wala naman, tapos na kasi ako sa hotel so I'm thinking baka tapos ka na rin sa office and I want to ask you for a date."

"well wala na rin naman akong ginagawa tsaka five na rin and wag na date gagastos ka pa sa bahay na lang tayo, hintayin mo nalang ako dito kukunin ko lang ang mga gamit ko."

"pero gusto kitang i-date? please?"

"fine, wait lang"

Kinuha ko ang mga gamit ko at nagpunta kami sa isang resto para kumain.

"so kamusta yung meeting niyo kanina?"

"ahmm okay naman pero I will be out for three days kasi sa malayong lugar yung mga location ng photoshoot"

"see kelan yan?"

"in two days"

"yes, may day-off ako ng two days for the next three days so okay lang ba kung sumunod ako?"

"hmmm siguro ikaw bahala, mas maganda nga kung nandun ka eh para naman may alalay ako."

"ah ganun alalay? okay lang basta ikaw"

After two days ito na, saan kaya kami pupunta? baka sa school namin noong college? or sa ibang lugar since tatlo kaming i-fi- feature na models siguro mauuna yung dalawa.

"i-text mo ako ha? magkikita rin naman tayo bukas."

"opo Boss don't worry"

Naguusap pa kami ni Rafa nang dumating si Ron.

"guys tara na sa shuttle andito na si Boss" Ms. Ferrer

"bye Baba, mag-iingat ka" Rafa

"I will po."

(Hug and Kiss)

Hinatid niya ako sa shuttle.

"so everyone in? let's go" Ms. Ferrer

Katabi ko si Ron at hindi ko alam kung bakit sa dinamirami ng upuan ito pa ang available. Naku kung maaga lang akong sumakay siguro iba ang katabi ko.

"how are you?"  Ron

"fine"

"hmmm are you okay?"

"yes"

"nagugutom ka ba?"

"no"

"are you re..."

"sshhh I need a nap, please Sir"

Tumigil na siya sa pagtatanong. Ayoko nang ibalik ang nakaraan, ayoko ng ibalik si Ron sa buhay ko.

Ron's POV

This is my chance to get closure to her again kahit na sinabi niyang ayaw na niya ng closure. She's been here in my heart for three long years. After that incident three years ago, I realized how stupid I am, I realized kung ano ang sinayang ko. It was my fault, it was my biggest mistake and now I have another chance again I will do my best to get her, to win her back.

Habang tinitignan ko siyang natutulog, naalala ko ang mga memories namin noon, yung palagi siyang masaya, maingay, yung Nappy na pinagsiksikan ang sarili para lang maging kaibigan ako, yung Nappy na sobrang bait. Habang nakatingin ako sa kanya, napansin kong ibang- iba na siya physically at hindi ko lubos maisip na from chubby at morena na babae nakatago ang isang goddess, she is so beautiful.

"hey wake up andito na tayo"

Pupungas-pungas siyang gumising. Sa Baguio ang una naming location at sa isang well known hotel kami nag-check in. After that nagready na kami para sa photoshoot. Hapon na rin noon kaya maganda ang register ng ilaw at maganda pa ang location kaya medyo napadali ang photoshoot.

My P.O.V.

After ng photoshoot nag-text si Rafa na he is on his way na, sakto namang bababa ako ng makasabay ko sa elevator si Ron.

"ahm saan ka pupunta?"

"sa baba?"

"ahm Nappy? ah pwede ba tayong mag-usap?"

"nag-uusap na tayo, and it's Step not Nappy"

"okay Step, I want to talk to you,  I want us to be friends again, I want you back in my life"

"want me back?"

"yes, I want you back in my life"

"teka hindi naman naging tayo ah and besides ayoko na ng closure Ron."

"Step, plea..."

*ting*

Bumukas ang elevator. Hindi ko na pinatapos pa ang gustong sabihin ni Ron, tama na siguro yung minsan niya akong pinaasa at sigurado na ako kay Rafa, sigurado na ako sa future kasama siya. Dumiretso ako sa lobby, hindi ko na rin nilingon si Ron. Sakto ang dating ko sa lobby dahil nandun na si Rafa.

"oh hi Baba" Rafa

"hi, so kamusta ang byahe? ah kumain ka na ba? you want to rest?"

"stop, isa-isa lang Baba. Ayos naman ang byahe and actually I'm starving. Ikaw kumain ka na ba?"

"papunta sana ako sa labas para hintayin ka para sabay tayong kumain."

"excuse me Sir, here's your key, sa room 258 po ang room niyo." Front Desk Officer.

Sinamahan ko siya sa kwarto niya. Nagbihis siya ng panlamig since January na kasi at kasagsagan ng lamig dito sa Baguio.

Project Make overTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon