Victoria’s POV
Marami ng nagpa-autograph sakin. Nakakalula naman ang rami ng tao. Ang interschool competition nato ay yearly at nangunguna sa poll na pinakaaabang na event sa school year. Pano? Maraming new friends, marami daw silang makikitang gwapo at maganda. Dito matutulog sa skwelahan at ang pinakamasaya ay may ibang idols sa ibang skwelahan rin na nag-aaral ang nandito.
So bali may pitong mga school na nandito. Kaya ang rami ng mga tao. May performance ang iba’t ibang idols mamaya kaya sa huling mga raw ay puro practice kami. Madali lang naman diba kakabalik lang namin ng isang album.
Nakita ko si Onew sa sulok ng canteen. Tumawa ako, ayaw ba niyang magbigay ng autographs?
Nang nakita niya ako ay ngumiti siya at kumaway. Sumakit rin likod ko at pisngi dahil sa kakangiti.
“Binilihan kita ng pagkain.” Sabi niya sabay bigay ng paper bag “Sumakit pisngi ko sa kakangiti”
“Ako rin eh. Pero nakakatuwa naman.”
Kumuha siya ng eyeglasses at bonnet at saka sinuot.
“Baka may makakakilala satin.”
Nagbuntunghininga ako. Nakakapagod rin itong pagtatago. “Hindi kaba napapagod?”
“Sa ano?”
“Sa pagpapanggap na wala tayo. Tago dito tago doon.”
He just shrugged. I wasn’t expecting that answer. Ilang buwan na kaming magkasintahan at ilang buwan narin kaming tumatago. Pag lumalabas kaylangan ng may kasamang iba, okay lang naman pero hindi ko siya nasosolo. Lagi kaming tumatakbo rito at roon pay may reporters.
Hindi ba siya napapagod? O ayaw niya lang talaga ako ipagsigaw na ako ang pinili niya?
“Talaga Onew? Pano pag kinasal na tayo?”
“Matagal pa naman yun diba.”
Hindi ko nga binuksan ang paper bag na binigay. “Hindi ko nga alam kung may kasalan pang magaganap.” Sabi ko sabay tayo at takbo
“Song Qian!” Tawag niya pero lakad parin ako ng mabilis
Marami namang nakakita sa kanya at dinumog ng mabilis.
Away ito Lee Jinki.
Away.
Di naalis sa isipan ko ang nangyari kanina kaya hindi muna ako nagpakita sa lahat ng taong pwedemg makakita sa akin. Nasa rooftop ako ngayon, maraming booths ang ginawa ng mga studyante para sa mga bisita at para narin sa mga students rin dito. Hindi to unang pagkakataon nag-away kami. Pero sana ngayon may matututunan nanaman siya, o sumusobra lang ba talaga ako?
Bakit kasi sa kasalan natapos ang pag-aaway.
Siya naman talaga gusto kong pakasalan.
(╯°□°)╯︵ ┻━┻
Kahit naman nagtatampo ako ngayon hindi ko na siya gusto agad. Maraming nangyari para matuklasan kong gusto ko siya kaya hindi rin ito mawawala agad.
Bumukas ang pinto ng rooftop at may tancha ako kung sino, isa lang sa mga members ng f(x) pero ang nakita ko ay si Key?
“Oh alam ko away.” Sabi niyang nakangisi
Tinabihan niya ako at tumanaw pababa.
BINABASA MO ANG
SHINee vs. F(x) Fan Fiction
FanfictionA story of a girl band and a boy band.. Starting as enemies ending up becoming lovers..