Part 11

58.9K 1.1K 27
                                    

DATI akala ni Sasha kilalang kilala na niya ang kanyang ama. Na kahit bihira sila magkita alam pa rin niya kung ano ang nasa isip nito. Pero nang gabing basahin ng abogado nito ang last will and testament na ginawa ng papa niya one month bago ito mamatay, narealize niyang mali pala siya ng akala. Nalaman din niya na hindi pala kasing bulag sa pag-ibig ang papa niya kaysa sa akala niya.

Ayon kay tito Robert dalawang buwan na palang lihim na nagpapatingin sa cardiologist si Damian Dela Torre dahil madalas na raw nararamdaman ang pananakit ng dibdib. Alam nito na delikado ang lagay ng puso nito at na kapag inatake malaki ang posibilidad na hindi na makakaligtas. Mula raw noong unang punta ng kanyang ama sa doktor, pinag-isipan na raw nito nang maigi ang paggawa ng testamento na na-finalize nga one month. Halata nga na masyadong pinag-isipan at ilang beses na-revise ang legal documents na iyon bago pinirmahan at ipinanotaryo. Masyado kasing detalyado.

It was a chaotic night. Nawala ang pekeng class at composure ng mama niya at literal na nagwala habang binabasa ang testamento. Lingid sa kaalaman ni Sasha bago pala ikasal ang mga magulang niya pumirma ang mga ito ng prenuptial agreement. Nakalagay sa kontrata na iyon na sakaling mamatay si Damian Dela Torre, tatanggapin ng mama niya na maluwag sa loob kung ano man ang iiwan dito ng kanyang ama. May dahilan naman pala kaya agrebiso at nataranta ang mama niya sa usapang mana at nagbitbit pa ng dalawang abogado.

Base sa mga nabasa na ni tito Robert, ten percent ng kayamanan ng kanyang ama ay inilaan nito sa charities habang twenty percent lang ng total properties at cash ang iniwan ng papa niya para kay Vivian Dela Torre. Milyon milyong halaga pa rin iyon kung tutuusin. Pero kung ipagpapatuloy nito ang maluhong lifestyle at hindi magiging matalino sa pagma-manage ng mana, ilang taon lang mauubos na iyon ng babae.

Ilang minuto tuloy nahinto ang pagbabasa ng testamento dahil sa kakasigaw at pagwawala ng kanyang ina. Paulit-ulit din nitong inuutos sa mga abogado na i-contest ang will pero alam nilang lahat na hindi iyon puwede. Mautak ang kanyang ama, sinigurong walang butas na makikita sa nakasulat doon. Habang pinagmamasdan ang ina ay hinayaan ni Sasha ang sariling tipid na mapangiti. Pagkatapos kasi ng ilang dekadang pagtataksil at pananakit ni Vivian, nakaganti rin ang papa niya sa pinakamasakit na paraan.

Unfortunately, walang oras si Sasha na mag celebrate. Para siyang sinampal nang basahin na ni tito Robert ang parte ng testamento na para sa kaniya. Pakiramdam din niya nalaglag ang puso niya sa sahig. She felt betrayed and hurt. Kasi kahit na pinamana ng papa niya ang eighty percent ng lahat ng ari-arian at yaman nito sa kaniya, may kadikit iyong mahabang listahan ng rules na kailangan niya sundin. Katulad nang kailangan niya palitan ang papa niya bilang board member sa marami nitong charities. Na kailangan personal niyang hahawakan ang mga negosyo na iniwan nito. Na dapat alagaan niya ang apelyido nitong Dela Torre at kung anu-ano pang mga kondisyon.

Ang pinakamahirap sa listahan ay ang hiling ng papa niya na pumasok siya sa politika dahil ayaw daw nito mamatay ang legacy na iniwan nito sa senado. Nakalagay sa testamento pati ang party list na gusto nitong salihan niya. Higit sa lahat gusto nitong tumakbo siya at manalo sa national election two years from now.

Just two freaking years away. Kung hindi siya mananalo kailangan niya sumubok ng sumubok hanggang manalo. Ang kondisyon ay kailangan makapaglingkod siya kahit isang termino. Habang hindi niya nagagawa iyon thirty percent lang ng assets niya ang puwede niya galawin. Hostage ang seventy percent ng mana niya. At kung may isa siyang hindi matupad sa lahat ng bilin ng papa niya, lalo na kung hindi raw siya mag e-effort sa politika, automatic na mawawala sa kaniya ang lahat.

Walang kaso kay Sasha ang pera. Lumaki siyang hindi maluho kahit na mayaman sila kasi bilang anak ng isang government official, itinanim ng papa niya sa utak niya na dapat hindi raw siya magpapakita ng maluhong pamumuhay. Hindi raw puwede makuwestiyon ang katapatan nito sa serbisyo.

REDEEMING JAMES (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon