Part 60

44.4K 976 69
                                    


HINDI KOMPORTABLE SI Sasha sa buong duration ng charity event. Nasa isang row sila nina James, Hosea, ang parents nito at si Joy nang magsimula ang art auction. Kanina nang ipakilala niya sa isa't isa sina James at Joy inamin ng dalawa na magkakilala ang mga ito pero hindi inaasahang magkikita pa uli. Pagkatapos nang nagsalita uli ang host para sabihing umupo na ang mga bisita nakita niya nang magbulungan sina Joy at Hosea. Nakita niya sa mukha ng bestfriend niya ang realization at nang muli nitong tingnan si James matalim na ang tingin ng lalaki.

Hanggang ngayon na patapos na ang art auction at nakabili sila ng tig-iisang art piece, ramdam pa rin ni Sasha ang tensiyon ni Hosea. Sa tuwing sinusulyapan nito si James parang gustong manuntok ng bestfriend niya. Ibig sabihin hindi lang basta magkakilala sina James at Joy at na malamang nakuwento ng babae kay Hosea ang lahat. Parang may humahalukay sa sikmura ni Sasha nang marealize na malamang isa si Joy sa mga babaeng naging biktima ng pagiging woman hater ni James noon.

Pagkatapos ng auction tumayo na ang lahat at isa-isa nang nagpaalam sa mga kakilala. Ayaw sana ni Sasha iwan si James pero kinailangan niya mag restroom kaya napilitan siyang magpaalam.

"It's fine. Go," sabi ng binata sa malumanay na tono. Napatitig siya sa mukha nito at napansin na kalmado talaga ito. Alanganing tumango si Sasha bago lumayo sa tatlo. Binilisan lang niya sa loob ng restroom kasi hindi siya mapakali at lutang pa rin ang isip nang lumabas. Nagulat pa tuloy siya nang makitang nag aabang ilang hakbang mula sa restroom si Hosea.

"O? Anong ginagawa mo diyan?"

Kumunot ang noo ng bestfriend niya at mabilis na lumapit sa kaniya. "What are you thinking Sasha? James Salgado? Really?"

Kumunot na rin ang noo ni Sasha. Hindi niya ineexpect na darating ang araw na ito pero nainis siya sa tono ni Hosea. "Anong gusto mong sabihin?"

Tumiim ang bagang ng lalaki at kumuyom ang mga kamao. "Sinabi ko na sa iyo two years ago na hindi siya mabuting tao. Hindi lang tsismis ang reputasyon niya, Sasha. It was real. Nakompirma ko iyon nang makilala ko si Joy. She knew him, Sasha. She was his victim. You don't know what she has been through because of him. You don't know how hard it was for her to pick up the pieces of herself because that guy broke her."

Nanlamig si Sasha kasi nakumpirma niya ang hinala niya. Isa nga si Joy sa mga babaeng dumaan sa buhay ni James noong panahong puno pa ng galit at kalupitan ang puso nito. Hindi siya nakapagsalita na sinamantala naman ni Hosea kasi nagpatuloy ito sa galit na litanya.

"Sana man lang tinawagan mo ako na isasama mo siya o na dine-date mo pala siya. My God, Sasha. I thought you were too busy in your electoral campaign to even date someone. Akala ko iyong lalaking sumagot sa tawag ko sa iyo isang umaga, temporary fling mo lang na katulad ng ibang dumaan sa buhay mo. Hindi ko alam na talagang pinili mong i-date ang lalaking iyon. Alam ko kahit na paulit-ulit ibulong sa akin ni Joy na okay lang siya at na okay na sila ni James ngayon, hindi pa rin ako naniniwala. I'm so worried for her. Why didn't you tell me?!"

Umawang ang bibig ni Sasha at parang nilamutak ang sikmura sa sakit na bigla niya naramdaman nang marealize kung ano talaga ang ikinagagalit ni Hosea. "So nagkakaganiyan ka hindi dahil concern ka sa akin kung hindi dahil takot kang masaktan ang fiancee mo. Pero kailangan mo ba talagang i-bring up ang mga fling ko dati? Do you really have to make me feel like I'm an easy woman unlike your beloved Joy?" mapait na sabi niya.

Napakurap si Hosea at napaatras na para bang noon lang narealize kung ano ang sinabi. Dumaan ang guilt sa mga mata nito, namutla at bumuka ang bibig pero itinaas niya ang isang kamay para pigilan ito magsalita. "Stop. Don't apologize. It will not make me feel better. Kasi kapag nag sorry ka sa akin patatawarin kita at itatago ko na naman sa loob ko ang sakit. Because your attitude right now really fucking hurts me, Hosea."

REDEEMING JAMES (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon